Bawat tunog ng telepono ay kamatayan ko. Alam kong si Dave iyon. Ang Dave ko. Pero wala akong magawa. Nakita ko kung paano ako ipinaglaban ni Dave sa harapan ni Mama kanina. Ni wala man lang akong magawa ng insultuhin siya nito sa harap ng maraming tao. Naging mahina ako. 

Parang sampal sa akin ang lahat ng mga sinabi ni Mama kay Dave. Bumabalik sa isip ko ang mga katotohananang hindi ako bagay sa mundo nito. Masama bang magmahal? Kasalanan ko bang piliin ng puso kong mahalin ang katulad ni Dave? Nabulag ba si Mama sa sobrang galit niya na hindi man lang siya nakadama ng habag para sa mga pakiusap ni Dave? Ano ba ang tunay na batayan ng pag-ibig? Ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig? Ito ba ay ang pagpaparaya sa minamahal mo? Pagsasakripisyo? Pagiging makasarili? 


"May mga bisita ka!" 

Agad akong napabalikwas ng bangon ng sabihin iyon ni Mama. Tatlong araw na rin akong absent sa school. Tatlong araw na ring nangungulila ang puso ko kay Dave.

"Sino po?" napapaos pa ang boses ko.

Ang totoo ay napaos talaga ako sa kakaiyak halos araw at gabi ay nagmumokmok lang ako sa kwarto. Nanghihina rin ang katawan ko dahil ilang araw na din akong hindi kumakain. Susubo pa lang ako ay tutulo na agad ang mga luha ko. Hanggang ngayon,naroon pa rin ang sakit.

"Mga kaklase mo raw." malamig na sabi ni Mama.

Hindi ko na inaasahan na si Dave iyon kasi pag siya tiyak kong hindi papayag si Mama na makapasok man lang siya sa bakuran ng bahay.

May kung anong lakas ang dumapo sa akin at agad akong nag-ayos at bumaba na.

Nakita ko sa maliit na sala ng bahay na nakaupo na sina Nicole,Jasmine,Chesca at Alyssa. Halatang kakagaling lang ang mga ito ng school. Nagulat pa ako ng halos di ko makilala sina Nicole at Chesca dahil sa kakaibang ayos ng mga pananamit nito na para bang nakikibagay kina Jasmine at Alyssa. May kung anong hinuha na ako kung bakit nila ito ginawa. Para hindi sila pagdudahan ni Mama at isipin nitong kapareho lang namin ang dalawa.

Ngumiti silang may awa nang makita ako sa ayos ko. Agad na sumikip ang dibdib ko.Gusto ko man silang yakapin at umiyak ng umiyak ay hindi ko magawa dahil pasulyap-sulyap si Mama sa gawi namin.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa gitna nina Nicole at Jasmine.

"Ku-kumusta na kayo?" marahang sabi ko.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Nicole sa likuran ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Okay ka na ba?" ani Nicole.

Umiling ako at ulit ay naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mata ko. Huminga ako ng malalim.

At tumikhim si Chesca sabay abot sa akin ng folder."Dinala namin yung testpapers na kailangan mong i-submit bukas. Buti na lang at napakiusapan namin ang mga instructor natin na dalhin ito sayo..." 

Sumulyap ako sa gawi ni Mama na nakaupo sa may hapag kainan pero nakamasid lang sa amin. Alam kong naramdaman din iyon ng mga kaibigan ko kaya maingat ang mga galaw nila.

"Magsimula na tayong gumawa nitong assignment..." yaya ni Alyssa.

Alam kong ginawa niya yun para sandaling maputol ang katahimikan at awkwardness sa aming naroroon.

Tiningnan ko ang mga papel na nasa folder. Inisa-isa kong pinasadahan ng tingin iyon. Bumilis agad ang pintig ng puso ko ng may makita akong papel na nakasingit sa mga iyon.

I am worried right now for you baby...Just hang on. I am going to fight for us. I am not going to go anywhere without you. Always remember that I love you and I meant every single word that I have said in front of your Mom. I am not giving up on us. I hope you won't too. I miss you so bad that it hurts. 

A Love To Remember [Completed]Where stories live. Discover now