"Alam ko, hindi mo kailangang ipaliwanag ang ganyang bagay." Saway ko sa kanya. Feeling ko tuloy namumula na yung pisnge ko, lakas mang-asar ng bwesit na 'to.

"Maligayang pagbabalik, kamahalan." Pag-bati ni Dominique at yumukod sa amin.

"Dalhin mo ang lahat ng kakailanganin ng kamahalan sa kwarto namin at mag-dala ka ng hapunan." Utos ng prinsipe.

Sunod kong nakitang pumasok ang magkapatid na sina Thana, Crishen, at Krishanj. Nasa hulihan naman ang kapatid ko na buhat-buhat ng mga kabalyero.

"Jusko, Aifrel..." Usal ko habang sinusundan ng tingin ang walang malay na kapatid.

"Kamahalan, mauuna na kami sa aming silid upang makapagpahinga." Paalam ni Crishen at kasabay n'ya si Krishanj.

Inantay naman ng Prinsesa Thana ang kanyang asawa at hindi ko alam kung bakit hindi pa nagsisimulang maglakad si Liam upang lumisan.

Inilapat ko ang tingin ko sa kanyang mga matang nakatitig din pala sa'kin, "ano pa ang tinutunganga mo riyan?" Pag-salubong ng aking kilay.

"Wala, antayin nating makapasok ang duke tsaka kita iaakyat sa kwarto." Sabi n'ya.

"Prinsipe Liam, kung hinatid mo na lamang ako sa kwarto ay nakapagpahinga na ako at hindi ka pa nangalay kakabuhat sa'kin." Reklamo ko.

"Oo na, kikilos na, kamahalan." Buntong hininga n'ya at nag-simulang maglakad. Mahigpit ang pagkapit ko sa kanyang balikat dahil baka mahulog ako.

Pinaupo n'ya ako sa kama nang makarating kami sa kwarto, "kaya mo bang tanggalin ang tali mo sa buhok?" Tanong n'ya.

Sinubukan kong tanggalin ang nakatali sa nakatirintas kong buhok ngunit ang tibay at matigas ito.

Marahang tumawa si Liam, "ako na." Boluntaryo n'ya.

Tumagilid ako sa kama upang maka-upo rin s'ya sa kama.

"Dapat hindi mo na tinatali ang iyong buhok." Anito.

"Hindi ako komportable kung may sagabal sa mukha ko." Sagot ko habang nakasara ang mga mata.

Ilang segundo ng katahimikan nang maramdaman kong lumuwag na ang pakiramdam ko sa ulo, hudyat na natanggal n'ya na ang tali.

"Tapos na?" Tanong ko at tumango s'ya at hinalikan ako sa pisnge.

"Tapos na, ngunit hindi ka pa maaaring magpahinga mahal kong prinsesa..." sinuklay n'ya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

'Kanina pa 'to si Liam e, nanggigigil ako sa kilos nito.'

Hinawakan ko ang pulsuhan n'ya at inilayo, "magpapahinga na ako."

Umiling s'ya, "gagamutin pa ang sugat mo kaya 'wag nang matigas ang ulo."

Tiningnan ko ang paa ko at sinubukang igalaw ngunit sakit lamang ang nararamdaman ko, "k-kingina.." pag-daing ko.

"Wag mo na pilitin ang sarili mo kung masakit." Anito at tinulungan akong itaas ang paa sa kama.

"Salamat sa lahat, Liam." Sambit ko at pinahinga ang aking sarili. Ngunit katulad ng sinabi n'ya ay hindi muna ako matutulog.

"May kapalit 'yan." Anito.

'Binabawi ko na pala lahat ng pasasalamat ko sa kanya.'

"Ano nanaman?" Iritang tanong ko.

"Halik." Sagot n'ya.

'Sa totoo lang, adik ba ang lalaking 'to or what?'

"Tigilan mo nga ako prinsipe at baka masaksak kita nang wala sa oras." Pagbabanta ko.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon