IIWTAK.19

8.4K 227 12
                                    

Edited.

His P.O.V.

Araw-araw na lang palala ng palala ang nararamdaman ko.

Normal ba na malakas lagi ang tibok ng puso kapag nakikita ko siya, at nahihirapan naman akong huminga kapaghinahawakan niya ako? Is this even healthy o baka naman magkaka-heart atack na ako?

Niyaya ko siyang isasama at dinala ko siya sa Falls where my parents used to bring me before. Sigurado akong matutuwa siya, since pina-alagaan ko talaga ang lugar na ito at sinigurado na wala ni isang bagay na mababago dito, to preserve their only memories when they left me...

Nang makarating kami doon, hindi nga ako nagkamali.

'Natutuwa akong nagustuhan niya dito, mukhang masaya siyRave! Gusto ko siyang maramdaman!' pag-wawala ng wolf ko sa kalooban ko.

Nagkakaganyan siya kapag nagkakadaiti kami ng Luna o kaya ay ang makita lang siya at maramdaman o maamoy na nasa malapit. Mabuti na lang, abala ang Luna ko sa pagpansin sa paligid. Mukhang nagustuhan niya talaga dito.

Gusto ko siyang lapitan pero pakiramdam ko, napapaso ako sa tuwing tatangkain kong hawakan siya. Darn! Hindi ko pa nga siya hinahawakan, ganito na ang epekto niya sa akin.

'Shot up buddy! Hindi puwede. Baka mabigla siya sa akin. Sa atin. Alam kong asawa ko na siya pero hindi ko naman kayang basta na lang siya hawakan. Hayaan muna natin siyang masanay na kasama ako,' dahil kahit ako ay hindi pa sanay na hawakan siya. Baka madarang ako kung hahawakan ko pa siya gayong hindi ko pa nga siya hinahawakan ay napapaso na ako.

Di ko naman masisisi ang wolf ko. Luna Kiss is really beautifull that every man can't resist. She has this charm na ngayon ko lang nakita sa isang babae. Too bad, I can't fall for her... 'but we want her!' he growl at me. 'Why can't we? She's ours! Bakit ganyan ka magsalita na para bang pagdating ng oras ay iiwan natin siya? Hindi siya puwedeng mahiwalay sa atin. Hindi ko kaya!' Protesta ng wolf ko. Ako rin, hindi ko kaya. Bakit nga ba kasi kailangan pang magkahiwalay?

So imagine how temp I am to touch her and hug her. Wrong move Alpha Rave! Ngayon mas mahihirapan akong magtimpi dahil wala kaming ibang kasama at lalo akong natutukso. No! Masasaktan siya! Kapagginalaw ko siya, masasaktan siya!

"Maliligo lang ako sa falls. If you want to join me, just mind link me okay?" kailangan kong maligo ng malamig na tubig dahil nag-iinit na ako, gusto kong idugtong pero siyempre hindi ko ginawa. Niyaya ko naman siya kanina na maligo kasama ko. Kalahating disapointed kalahating nagpapasalamat ako nang hindi siya pumayag na maligo kaagad. Kasi baka hindi ko mapigil ang sarili ko.

She just answered me "okay," tapos nakita ko na naggala na lang siya sa paligid. Any way, kahit naman makalayo siya mahahanap ko siya sa pamamagitan ng amoy niya.

Mayamaya pa, nagkubli ako sa tagong bahagi ng falls at isinahod ang sarili sa tubig na bumabagsak mula sa itaas...

Pero parang apoy ang katawan ko. Malamig na pumapatak sa akin ang tubig ngunit pagkatapos nitong dumaan sa aking katawan ay mainit itong bumabagsak muli sa kapwa niya tubig. Fuck! I really wanted to get near her. I wanted to touch... Marahas kong ipinilig ang ulo ko.. Ano bang iniisip ko? Hindi! Singit ng isang bahagi ng isip ko.

Hindi rin naman ako nagtagal. Nang maramdaman ko na okay na ang pakiramdam ko, umahon na ako at nagbihis. Natagpuan ko na lang si Kiss na naka-upo sa isang bato na nasa may tubigan at malalim ang iniisip.

Napansin ko ring parang kakaiba ang mga ikinikilos niya. Bakit kaya? Kinakabahan ako. Hindi siya ganyan, sigurado ako. Ano kayang nangyari?

Hindi ko na siya tinanong kase hindi ko alam kung paano ko siya i-a-approach.

Mayamaya pa, sinubukan niya akong kausapin pero parang nagdadalawang-isip siya. Weird talaga. Ano kaya 'yon?

"May gusto... Ka bang sabihin?" alangan kong tanong sa kanya dahil pakiramdan ko, sasabihin niyang...

"Ahh. Wa...wala? Wala!" 'yun, wala nga. Sabi ko nga. Wala. Nakunot pa ang noo ko nang ngumisi siya. 'Para saan naman 'yun? Ngayon lang ako nakakita ng ngisi na parang iiyak na. Talented pala siya, hindi halata.

When we finaly reach the Mansion, hindi ko na binitawan ang kamay niya. Agad ko naman siyang dinala sa kuwarto naming dalawa...

I'm so fuck up! Naduduwag na nga yata ako. Nakakahiya. I wan't her as much as my wolf want her.  I fucking want her but damn it I can't even aford to touch her because if I do, she'll get hurt. I will inflict pain to her kapagnawala ako sa sarili. Kaunti na lang... she's so delicate and soft. I want to touch her more than this fucking holding hands. This is the first fucking time I've ever desire a woman. Ngayon lang.

"Ahh.. Wala ka bang balak bitiwan ang kamay ko?" sabi niya na hindi makatingin sa akin. Awkward? Hindi ka nagkakamali.

"Ow... Sorry..." at binitiwan ko ang kamay niya na tila ba napapaso.

Silence...

Parehas kaming tahimik at walang nagsasalita sa amin. Hindi ko na natiis pa at hinawakan ko ang chin niya at ipinaling sa akin ang mukha niya. I want to bite that soft lips of her... Oh fuck! I want to feel her... Touch her and make her mine in every fucking way.

Malapit na sana. Pulgada na lang ang pagitan namin at maaangkin ko na ang mga labi niya nang kumunekta si Ivo sa isip ko...

‘Alpha, handa na po ang meeting room... Kailangan na po kayo dito,’ he said with urgent in his voice. Nag-mind link siya sa 'kin. Mukhang handa na ang mga binilin ko sa kanya kanina.

‘sige... Give me 10 minutes,’ sabi ko sa kanya.

Napahinga ako nang marahas. Ayo'ko pang humiwalay sa kanya pero kailangan.

"Si Ivo, tinatawag ako. Okay lang bang iwan kita saglit dito? We have some important matters to discus," sabi ko. Ibinaba ko ang mukha ko para sana halikan siya, —pero ang puso ko na kanina pa tumitibok nang malalakas, ay lalong nagwala!

Damn! I wan't more than kiss! I want her!

"Okay..." she answered.

When I reach the knob I suddenly stop when I felt something weird in me.

Ninenerbiyos ako..

Why do I have this weird feeling? Bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari?

Nang makarating na ako sa conference, nakita ko na handa nga nga ang mga ipinatawag ko. They are all sitting in order.

Pero hindi pa man kami nagtatagal ng isang oras, nakatanggap na ako ng balita na nakapagbigay sa akin ng labis na takot...

"Alpha! Nawawala ang Luna! Nakita daw siya kanina na tumatakbo mag-isa papunta sa gawi ng kakahuyan!" humahangos pang balita ng isa sa mga orihinal na bantay nitong mansiyon. Parang binabayo bigla sa takot ang dibdib ko. Ngayon lang... Ngayon lang uli ako nakaramdam ng ganitong uri ng takot. Takot na mawalan ulit sa ikalawang pagkakataon at sigirado ako, hindi ko makakaya kung mawawala ang kalahati ng buhay ko... Ang aking luna.

"What?!" -- marahas ko'ng sabi. Bakas sa mga kasama ko ngayon ang
Pag-aalala sa ibinalita ngayon lang at lajat kami ay awtomatikong na alerto sa nangyari.

At gaya ko, napatindig din si Ivo.

"Hinanap na po namin siya sa lahat ng sulok ng mansiyon, Pero wala siya," sabi pa nito. Napakuyom ang palad ko sa narinig at mas lalong naragdagan ng takot ang buong kamalayan ko. Hindi...

"Hanapin niyo siya sa labas! Walang tiigil sa inyo habang hindi nahahanap ang Luna!" utos ko. Pinipilit ko na lang ipakitang matatag ako, dahil ako ang kanilang hari. Pero ang isiping nawawala ang aking reyna...

Napatingin muna ako sa labas ng bintana bago ako lumbas sa kuwarto..
Madilim na sa labas, natatakot ako na baka mapahamak siya. Nasaan na ba siya? Ano ba ang naisipan niya at lumabas siya? Hindi niya ba naisip na mapanganib nang lumabas patungong kakahuyan?

....

God bless!!
@HGBJ.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Where stories live. Discover now