IIWTAK.15

9.4K 274 4
                                    

Edited.





Namangha pa lalo ako sa mga nakikita ko at hindi ako makapag-isip ng tamang salita kung paano ilalarawan ang mga kahanga-hangang mga bagay na nakikita ko.

There are live cams every where, and they are covering this live Royal event called, "pag-iisang dugo" or "DARANAK" 'yan ang seremonya ng pag-iisang dibdib ng Werewolf King at ng Luna.

Inalalayan ako ng mga babaeng taga silbi patungo sa isang upuan na inayusan din ng parang mga ugat puno na tumubo lang at pumormang upuan... Puno din iyon ng mga bulaklak. Surprisingly, sa bandang uupuan ko, walang bulak-lak! "Jusmio Marimar! Bongga!"  bulalas ko kaya naglingunan ang mga alipores ko. (Shet! Feel na feel ko!! Hahahaha!)

"Sino pong Marimar Bongga Mahal na Luna?" takang tanong ng isa sa kanila na mukhang interesado talaga kung sino si Marimar Bongga. Grabe, anong isasagot ko?

"Ahh... wala 'yun, kayo naman! Sige tuloy lang sa ginagawa!" sabi ko na sinunod naman daw nila. Napabuga tuloy ako ng hininga.

"Lady's and Gentle men, Let us now all rise and we'll gonna have a small thank you for our Goddess Naruhara for the wonderful Royal Daranak ceremony this evening. May you bless us more now that you give us the New Luna of our Pack. Bless us a Royal pups that will inherite the throne in the future. Let our Pack Reign among the rest, FOREVER!" Kasunod noon ay ang malakas at sabay-sabay nilang sambit ng hindi ko maintindihang linguahe na ala-Avatar jungle tune. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa narinig.

Matapos n'on ay natahimik ang buong paligid ng mahigit 1 minutes na para bang nagko-concentrate ang mga ito.

Ngayon lang ako naka-witness ng ganito.

Binasag ng malakas na pagbira ng Tambol na tunog-bass ang katahimikan. Sunod-sunod, walang patid at walang puknat..

I can't help but to look at every actions they are doing. Ang galing! May ganito pala! Ibang klase!

Sa unahan mula sa kinaroroonan ko kung saan, ginagabayan ng Red Carpet ang daan mula sa dulo ng hagdan na bababaan ko hanggang sa banda roon ay may isang malawak stage. Mukha itong isang Ritual Altar. May isang ala-mangkok na puti na may stand sa gitna nito at may lumulutang na dagger sa itas nito. I guess, nagkakaroon na ako ng Idea sa gagawin doon. At ang naka-agaw pa ng pansin ko ay ang mga paramedics at mga batalions sa lahat ng sulok. Lahat sila ay nasa anyong Lobo na kulay Brown. They are all big, fiercing, strong and gorgeous. Halatang malalakas Sila at bugbog sa pagsasanay dahil sa tikas ng kanilang mga tindig. Mabibigat at magaganda ang suot nilang baluti na gaya sa mga sundalo ng Korea nuong unang panahon. Kahit sa kaanyuang lobo ay makikisig sila at hindi ma-ikakaila ang dugong mandirigma nila sa kanilang itsura.

"And now, may we call on our Beloved, Alpha King Rave Alphalva, Son of the Late Alpha King Abelle Damos Alphalva and the Late Luna, Ellery Damos Alphalva." They automaticaly give him Hand of aplause. Lalo akong nangilabot sa mga nakikita ko. Obviously, nagkaka-isa sila.

Kung may isang pinakamalaking bagay na pagkaka-iba ang mundo ng mga tao dito sa Alabaya, 'yun ay ang tunay na pagkaka-isa. Isang bagay na hindi mo madaling makikita sa Human World.

Out of no where, nagpakita si Rave. Hindi ko alam kung saan siya eksaktong lumabas o nanggaling. Hindi ko ma-explain eh! Kase Bigla na nga lang siyang lumabas at hinihintay ako sa dulo ng hagdanan mula dito sa kinaroroonan ko..

"And may we request our Chosen Luna to join the King to walk her way through the altar, please." Nagsipag tayo naman ang aking mga alipores bigla at pumunta sa tabi ko saka ako inalalayan maka tayo at bumaba mula sa kinaroroona ko.

Pagdating ko sa may hangganan ng hagdanan, hinayaan na nila akong bumaba mag-isa.

My gulay. Ang taas kasi ng hills ng Pumps na suot ko.

I don't exactly know what's going on. Pero nang bumababa na ako, nagkahugpong ang mga mata naming dalawa at hindi ito naaalis sa isa't isa...

I feel so weak and hypnotized by his expressive eyes. Ang guwapo talaga ng walanghiya.

Sa isang iglap parang nawala ang lahat ng mga tao sa paligid at puro maliliwanag na ilaw na lang ang nakikita ko at ang kumikislap niyang mga mata. Para bang tumigil ang oras at tanging siya at ako na lang ang tao sa biong bulwagan.

Hindi ko namalayan kung kailan at paano ko narating ang kinaroroonan niya.

Naramdaman ko na lang ang higpit ng hawak ng mga kamay niya sa mga kamay ko, at ang bilyong boltahe ng kuryente na nanunulay sa bawat himaymay ko na dinudlulot ng init ng mga hawak niya. Kapwa kami nakangiti sa isa't isa.

Bumangon sa damdamin ko ang isang libo't isang sensasyon na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.

Eto na naman ang pakiramdam na palaging namamagitan sa aming dalawa... Pagnanasa, pagnanais, at ang isa pang damdamin na hindi ko mapangalanan.

Literal na nag-si-labasan ang mga liwanag na hindi ko mlaman kung saan nagmumula.

Everything was like magic, that will mark my Inocent bare eyes forever...

Ang ganda!!

The next thing I know, naglalakad na kami ng sabay at magkahawak ang kamay patungo sa tinutumbok ng red Carpet.

>>c

HGBJ.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Where stories live. Discover now