IIWTAK.5

11.7K 311 13
                                    

Edited.

After we ate, umalis na kami ni Ivo, at ni Alpha Rave.

Alam niyo bang wala naman talaga sa planong sumama ang suplado but surprisingly, kasama siya. Iniisip ko nga kung anong nakain ng lolo niyong masungit. Sa totoo lang, na i-intimidate ako sa presensiya niya at sa mga titig niyang tumatagos hanggang sa kaluluwa ko.

Bakit ba siya ganun? Hindi naman sa ayo'kong may uma-apreciate ng gandang diyosa ko pero grabe nemen 'di be? May nagawa ba ako sa kanyang masama? Magka-away ba kami sa Past life namin? Tapos hindi siya makatingin sa mata ko ng diretso,  ‘gaga! Ikaw kaya 'yung hindi makatingin ng diretso sa kanya!’ sabi pa ng pahamak kong konsiyensiya.

Hindi ko na lang din siya pinapansin. Asanes naman akong ngingiti ang Supladong 'yan. At tsaka sila lang nitong si Crush ko ang magka-usap, —ako hindi kasali. Pa minsan kinakausap din ako nila pero totaly OP talaga ang labas ko dito! Bakit pa nga kasi nila ako isinama, eh sila lang pala ang mag-uusap? 'Di ba? Ang sweet pa nga bagay sila. Pakasal pa sila kung gusto nila.

Pumasok kame sa isang Mall. Akalain mo may Mall dito? Pero hindi SM o Robinson ang pangalan ng Mall dito kundi, ALPHALVA EMPIRE. Sosyal 'di ba? Mga Englisherong Werewolves na, mga pamoso pa!! Sosyal teh!

"Wow! Iyo ba ang mall na ito Alpha Rave?" sa sobra kong excitement, nakapagtanong ako ng hindi oras. Wala naman talaga akong balak kausapin ang isang 'yan. Hindi naman siya sumagot at inignora na naman niya ako saka sinapul ng maka butas kaluluwang mga titig. Pahiya konti ako dun ahh!! Supladong lobo! Sama ng ugali niya. Isnabin ko nga.

Palinga linga ako sa mall na ito at sa dami ng mga nakikita ko, amaze na amaze ako. Marami akong nakikita dito mula sa mga clothing, shoes, gadgets appliances atbp. na makikita mo sa mundo ng mga tao ay makikita mo din dito sa ALABYA except for their brand and styles. They were more genius than us at mas passionista pa sila kesa sa mga pure hummans! Sa iilang sandali palang na nakakalibot ako dito, kita ko nang mas marami palang mga Bongga bagay-bagay dito.

Naka ramdam ako ng lungkot. Hindi ko alam kung masasanay ako mabuhay dito nang wala ang mama at papa ko. Ang pamilya na minahal ako at mahal na mahal ko. I'm just 19 and I don't know what to do alone. Hindi ko pa nga natatapos ang College ko.

"Luna kiss," untag Ni Ivo sa akin habang si Alpha Rave naman ay naka-upo lang sa katapat kong upuan at kumakain nang aral ang bawat galaw. Nasa loob kami noon ng isang kainan dito at grabe ang mahal ng pagkain. Grabe! Asong lobo ba talaga siya? Bakit ang guwapo-guwapo niya? Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatulala at na realized ko iyon nang untagin ako nitong si Ivo my krass!

"Ahh, Ano nga uli 'yung kinikuwento mo?" tanong ko, na wala sa sarili. Kanina pa pala ako hindi nakikinig sa kanya at nakatanga lang, nakakahiya. Ayan kiss! Halata diba? Hindi ka nakikinig.! Minos point ka na agad kay Beta Ivo! Tulala pa more para sa ikagaganda ng pilipinas!

"Are you okay Luna?" tanong niya na kunot ang noo. Napatingin si Alpha sa akin, bago nilapag ang tinidor at kutsarang hawak niya.

Pinilit kong ngumiti na lang at tumahimik. Tapos bumuntong hininga ako.

"You sure you're fine Luna?" ang sexy ng pagkakatanong niya at ang sharp ng english niya, na para bang hindi werewolf ang nagsasalita! Mahabaging langit! Bakit iba yata ang mga nababasa ko sa Wattpad sa nakikita ko at na e-experience in actual? nangilabot ako sa pagkakatanong na iyon ni Alpha Perioud. 'Yan na ang tawag ko sa kanya from now on! Di kase siya mangiti. Akala naman niya mamamatay siya kapag ngumiti siya, Ang damot! Parang laging may dalaw! But Gush! Sa lahat naman yata ng masungit, siya na yata ang pinaka sexy at guwapong nilalang sa paningin ko, —este sa lahat pala. Ngayon ko lang nalaman na "ang lakas pala maka pogi ng pagiging supaldo"

"Ah, O—Oo naman, okay lang,"  sabi ko na sinalubong ang tingin niya. Bakit ba nag-i-stuter ang dila ko? Nakakapanghina ang bawat titig niya. Bakit ganoon? Ganoon ba dapat talaga ang epekto niya saken? Wow huh! Di ko kaya siya krass. Aysus, krass my ass. Bakit kapag si... Parang nabura ang lahat ng tao sa paligid nang magtama at mag-lock ang mga mata namin sa isa't isa.

Umulan ng mga pangitain sa loob ng isipan ko. Hindi ko mapigilan at hindi ko maintindihan kung ano itong nakikita ko. Kung para saan ito at kung bakit hindi ko ma alis ang paningin ko sa kanya, kahit ano ang gawin ko..

Gaya ko ay titig na titig din siya sa akin at namimilog ang mga mata ni Alpha Perioud. What's the effing happenning to me?

‘Mate...’

Hala ano ‘yun? Have you guys heard that too?

‘Gaga! Tonta! Engratita! Hindi nila ako naririnig!’

Hala! ‘Ayun! ‘ayun na naman! Narinig niyo yun? ‘Di ba may nagsasalita?! ‘Di ba? Naloloka na yata ako! May naririnig akong Voice inside my head! ‘Di ba ganun ‘yung mga Lunatic? Help! Can anybody please tell me that I'm still sane? Goodness! Na weng weng na yata ako sa mga nangyayari saken!

‘Can you please shot your mouth first, idiot? Kanina ka pa sabat nang sabat, hindi ako makasinget sa 'yo eh! Sinabi na ngang hindi ako naririnig ng mga readers mo eh! Can you stop freaking out first at pagsalitain mo muna ako? Para ka tanga diyan!’

Harujuice colored! Tulong! Ayo'kong ma admit sa mental!

...

HGBJ.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Where stories live. Discover now