IIWTAK.2

15.4K 396 15
                                    

Edited.

"Luna! Mamamatay ka! Hindi ka puwedeng bumalik!" sigaw ng boses na iyon.

Nasaan ako?

Bakit ang dilim?

Nahihirapan na ako!

Sa 'di kalayuan, nakakita ako ng maliit na liwanag pero gaya ng mga napapanood ko sa pelikula, habang hinahabol ko ang liwanag, lalo itong lumalayo. Ganito pala ang pakiramdam na habulin ang isang bagay na parang napaka imposibleng abutin ng mga kamay.

Ganito pala.

Bigla na lang sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang pamilyar na pigura.

Siya na naman!

Nakita ko na papalapit na siya sa akin!

Ang itim at higanteng werewolf. Bakit ba ayaw niyang tumigil?

Anong kailangan niya sa akin?

Paano ba ako napasok sa ganitong senario!

Hindi!

Panaginip lang ito!

Kailangang...

Kailangan kong gumising!

"Parang awa mo na! Hindi Luna ang pangalan ko! Nagkakamali ka nang hinahabol! Tigilan mo na ako!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko siya na nasa itaas ko na at lumilipad. Lumilipad? Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo para hindi niya ako maabutan. Pero ano nga ba naman ang magagawa ng isang babaeng gaya ko?

"Papatayin kita Luna! Hindi ka na dapat nagbalik!!" a niya. Hindi ko siya maintindihan. Nagulat na lang ako na nasaharapan niya na ako at naka-umang sa akin ang matatalas at malalaki niyang mga kuko.

Sa takot, ay tinakpan ko ng braso ko ang aking sarili.

"Huwaaag!"

Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga.

Nasapo ko ang dibdib ko.

Panaginip...

Hinihingal ako at pawis na pawis. Nakapa ko ang leeg ko na pinagsakalan ng werewolf kanina sa panaginip ko.

Panaginip nga lang ba?

Tiningnan ko ang mga baraso ko na kamuntik nang magkalasoglasog sa pamamagitan ng mga kukong kamuntikan nang tumama kanina sa akin.

Panaginip nga lang...

Walang bakas.

Ligtas ako. 

"Panaginip..." sabi ko na hinihingal pa rin.

Napadako ang tingin ko sa suot ko. Puting sleeveless na night gown? "Teka? May ganito ba akong damit?" napatunghay ako at na malas ang magagandang tanawin este mga kung sinong nilalang.  Putspa! Kay gandang salubong naman ng umaga sa akin. Ang guguwapo! Jusko!

Nasa langit na ba aketch?

Bakit may mga taga Mt. Olympus sa aking harapan?

"Beta, The Luna is awake!" a ng biglang nagsalita sa kanan ko. Jusko! Ang ganda ng boses niya bukod sa guwapo siya ay may pangmodelong katawan din. Doon ko lang napansin na ang hinihigaan kong kama ay hindi akin. Pati ang silid na kinaroroonan ko ay hindi rin akin. Mahabaging langit! Anong klaseng babae na ba ako ngayon? Charot.

Inilinga ko ang paningin ko sa kinaroroonan ko at ngayon ko lang din napansin na ang apat na katao pala lahat ay sa akin nakapako ang mga mata. At walanjo, bakit ba ang guguwapo nila? Nahihiya tuloy ako bigla sa itsura ko. 'Umayos ka Kiss. Kelan mo pa ikinahiya ang itsura mong pangperya?'

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Where stories live. Discover now