IIWTAK.3

13.5K 369 10
                                    

Edited.

I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING



Writen by:
HannaGoBlueJazmine

Ang kaunting liwanag sa katawan ng poging suplado ay lalong lumiwanag. Unti-unti niyang kinalas ang suot-suot niyang bullet proof vest, hanggang sa ang long sleeve polo niya naman ang sunod na tanggalin niya lahat iyon ay inabot niya sa matabang katulong. Humantad sa paningin ko ang matitipuno niyang dibdib, makalaglag panty talaga. Ala Demigod ang katawan niya. Akala ko, iyon lang ang huhubarin niya nang dumako ang kamay niya sa belt niya at kinalas iyon. Napalunok na ako mga bess at napa-iling habang titig na titig doon.

Teka teh seryoso siya? Maghuhubad siya sa harap naming lahat? Seriously? My Ghaaad Sandali! Hindi ako ready! Shiet!!

"O-oy... T–teka naman! O–okay lang na alisin mo 'yang damit mo. O–okay na ko do'n. Just please, do not remove your pants please!" sabi ko. Ang kamay ko ay hindi malaman kung hahawakan ba 'yong kamay niya, para pigilan at takpan siya o ang mga mata ko ang tatakipan ko. May narinig akong metal na nag- 'click' na tila ba may nakalas. Napalunok ako. Alam na this.

I tried all my best to cover my eyes or to look away, but I always ended up looking strait to what he is doing.

Stripping.

Kung lahat ng guwapo sa mundo ay mahilig maghubad, aba, masaya ang buhay.

Ngumisi siya.

Nang Nakalas na niya ang lock ng belt niya ay isinunod na niya ang kanyang black slacks. Kumabog nang malalakas ang puso ko. Juice colored! Ilayo niyo ako sa makasalanang taong ito! Ipinagpatuloy niya ang paghuhubad proud na proud pa itong nakaharap parin sa akin at tila iniimbitahan niya talaga ako at welcome na welcome na makita ko ang iniingatan niyang putahe.

Talikod ka kiss! Talikod! Huwag kang manonood for petes' sake! Makikita mo ang di mo pa dapat makita! Juice me! SPG ito!

"Hoy! Huwag mo huhubarin iyan! juice ko ka! Bastos! Walanghiya! Manyak! Kumag! Ayyyyy!!" sabi ko sa katarantahan ko. Tumalikod na 'yung made na matabang babae maliban sa doktor at kay Mr. Pogi... Siyempre ako 'di pa tumalikod. Shock pa ako noh! 'Magandang reason 'yun 'di ba?'

I am aware na pulang pula na ang pisngi ko. Ano ba kaseng ginagawa ko? Tatalikod lang bakit 'di ko pa magawa? 'Kasi nga gusto mo din makakita! Aminin!' Pambihira! Ahhhh!! No! No! Ang Virgin eyes ko! O hinde!

"Tingnan mong mabuti Luna," a niya sa nang-aakit ba boses. "What? A-anong titingnan ko? Linawin mo! Jusko ka!" sagot ko at hulina. Dahil tuluyan na niyang nahubad ang pants niya at humantad ang private part niya! 'Agoy juice colored! Patawarin niyo ako sa kamundohan ng mga mata ko! Hindi ko po sinasadya! Di po talaga kahit 'yumy siya 'di ko po talaga sinasadya kahit nakakagigil siya. Wala po akong kasalanan! Kusa niyang inilatag sa akin, palay na ang lumapit sa manok 'di ba?' Sa wakas nagawa ko ring tumalikod pero promise! Parang lalabas na galing sa loob ng dibdib ko ang puso ko! At huli na ang lahat! Nakita ko na 'yung ano niya na nakaturo pa nga sa akin! Ano ba 'yan! Ang Laki jusko! Bakit kase hindi ako tumalikod agad ee.

Naramdaman ko na lang ang dalawang kamay na humawak sa magkabila kong balikat at ipinihit ako paharap uli. At impernes! Proud ang lolo niyo! 'Di na nahiya sa akin! Lalo lang nagwala ang puso ko nang makita ko kung sino ang nagpihit sa akin. Kanina, ilang dipa ang layo naming dalawa. Ngayon ay gahibla na lang. Nangangalog na ang tuhod ko. Shet nakaturo siya. Waaaahhhh!!! Nooooo!!! 'Huwag plastik gaga. Like naman niya, arte-arte.' Buset na konsiyensiya.

"Huwag kang hahawak sakin!" chos! Nanglalaki ang mga mata ko. Pinipilit ko, na ibaling sa iba ang paningin ko para hindi ko makita ang kahubaran niya pero anak talaga ng patola ang lalakeng ito ang laki, este pasaway!

Kitang kita ng mga mata ko nang dumistansiya siya sa akin at ang pagtubo ng mga balahibo niya sa katawan... Oh my gulay! Anong nangyayari sa kanya?

"Kailangan mong maniwala sa mga sinasabi namin sayo... Ito ang totoo Luna..." a niya at humangin ng malakas kahit nasaloob lang kami ng silid na ito. Naririnig ko ang pagkabasag ng ilang mga muebles sa paligid. Ang kakaunti niyang balihibo kanina ay dumami, kumalat at kumapal. Nakita ko kung paanong nagpalit siya ng anyo mula sa pagiging anyong-tao, hanggang sa naging isa siyang mabangis na Werewolf. Napakalaki niya, kulay gold Ang buhok sa buong katawan na malago at may kulay Royal blue'ng mga mata. Kung ang werewolf sa panaginip ko ay maitim at may pula at nanlilisik na pares ng mga mata, siya ang total oposite nito! Nakakabighani ang kagandahan ng kanyang mga balahibo at ng kanyang mga mata. Kumikinang ang kanyang balahibo na animo'y isa siyang dalisay na ginto... Hindi talaga patas ang mundo. Guwapo na siya outside pati ba naman sa dog version niya? Asan ang Justice do'n?

Sa kamanghaan ko, hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako. Hindi ko mapaniwalaan ang lahat ng namamalas ko, gamit ang dalawa kong mga mata. Ang isang napakaguwapong lalake ay nagtransform bilang isang napakagandang werewolf!

"Luna, 'yan ang kaanyuan ng isang werewolf... Ako si Ivo Alphalva, ang Beta na ang ibig sabihin ay ikalawa sa pinaka mataas. At siya," sabi ng nagpakilalang Ivo sabay baling ng tingin sa magandang werewolf sa harap ko. "Siya ang Alpha King. Ang hari ng lahat ng mga Alpha na nabubuhay at namumuno sa buong Alabaya at sa buong kasaysayan ng ating Lahi," dagdag pa niya. "Siya si Alpha RAVE ORVILLE DAMOS ALPHALVA." Ang guwapo pati pangalan! Bakit ganun? Bakit ang guwapo-guwapo ng lahat sa kanya? May parte ba niya ang hindi guwapo? 'Wala, kasi pati yung ano niya kanina, guwapo rin.' Langya.

"Paanong? You really exist?" namamangha akong linapitan ang supladong poging naging isang golden werewolf na may royal blueng mga mata. Inikutan ko siya palibot at pinagmamasdan ng may labis na paghanga. Natutukso akong lapitan siya at hawakan ang kulay ginto niyang balahibo pero isa siyang werewolf at hindi isang aso. Nakakatakot. Baka sakmalin ako. Mukha pa naman siyang masungit kanina nung isa pa siyang tao. Bakit ba nakaka-akit siya. Jusko. Patawarin niyo ako pero bakit ba parang ang sarap isuko sa kanya ang lahat? Maghunusdili ka Kiss. Nakakahiya ka na! Ang manyak-manyak mong babae ka.

"Yes we do. Sa maniwala ka o hindi, totoo kami. Medyo weird na sabihin ko ito sa 'yo dahil normal ito para sa amin dito na nagka-isip at kinagisnan na ang mga ganito ka ordinaryong bagay, pero dahil sa pamumuhay ng isang ordinaryong tao ang kinalakihan mo, hindi normal ang mga ganitong bagay sa iyo. Alam naming lahat na maninibago ka sa makikita mo," aniya. Hindi agad ito ma-process ng isip ko. Ang pagkamangha ko sa nakita ko, ang mga sinasabi niya at ang mga panaginip ko. At iniisip ko palang na hindi na ako makaka-uwi, parang nililindol na ang puso ko at ang buo kong pagkatao. Bakit ba kase ako napunta dito ee! Paano ba nangyari ang lahat ng ito? Ano kaya kung...

"Paano ba ako napunta dito? Sabihin niyo, talaga bang panaginip lang ang lahat ng iyon?" tanong ko. Nalilito na kase ang isip ko. Bakit ba kase nangyayari ang lahat ng ito? Paano bang nangyari na sa isang iglap, natulog lang ako saglit, biglang nasa ibang mundo na ako? Saang bahagi ba ako ng mundo naroroon? At paanong naging posible ang mga bagay na ito?

"Nang dalhin ka namin dito mula sa eskuwelahan niyo sa mundo ng mga tao, totoo lahat iyon. 'Yong nakita mo at sumakal sa 'yo ay si Orakulo. Na-unahan niya kami na mahanap ka, pero dahil dumating kami sa oras, na bawi ka namin mula sa kanya, pero natakot kami pagdating namin dahil na-ubusan ka na ng hangin sa baga at halos patay ka na nang maabutan kang hawak-hawak niya sa leeg. Dahil doon ay tatlong araw kang nag-agaw buhay. Inalisan ka namin ng lahat ng buhok sa katawan mo dahil nahaharangan nito ang pagpasok ng enerhiya ng hiyas para ayusin ang lahat ng imperfections at pinsala mo sa katawan mo. Mabuti na lang malakas ang resistensiya mo. I wonder kung gaano ka na katagal nabubuhay na halos bulag. Ang daming yupi ng pupil mo. Bukod sa pinsalang natamo mo mula kay Orakulo, at ang mga mata mong halos bulag na, ay okay ka naman. Kaya lang, isang buwan ka pa ring natulog..." mahaba niyang paliwanag. Hindi ako makapaniwala! Ganoon na ako katagal na nawawala? Ganoon ako katagal na nakatulog? Bakit parang isang gabi lang? Bakit parang kanina lang ako sinakal?

Gusto ko sanang hawakan ang supladong pogi na nagsa-Werewolf kanina pero sa paglibot ng mga mata ko ay hindi ko na siya nakita. Ay mali, nakita ko na lang pala siya na nasa isang tabi na at tapos nang magdamit at prenteng naka-upo sa isang upuan. Ang guwapo talaga ng isang ito! Pero mukha talaga siyang seryoso sa buhay at 'di mo puwedeng biruin.

...

HGBJ.

█║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║ ®™ I'M INLOVE WITH THE ALPHA KING @All Rights Reserved 2014Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu