"Ano ba?! Tumigil na nga kayo!" sigaw ko at tumingin ng masama sa kanilang dalawa bago ko binalingan ang mga kaibigan nilang tuwang tuwa sa eksena. Tinaasan ko sila ng kilay at tumigil naman sila. "Hmm... So?"

"Anong 'So'?" tanong ng isa sa kanila. Naka topknot siya at sobrang angas kung tignan, pero ang childish naman!

"Anong 'so'?  ka diyan. Kung may nakita ba kayong nag aaway papanoorin niyo lang tsaka tatawanan?!"  iritang sigaw ko, at mabilis silang nagtakbuhan at hinawakan ang mga magkabilang balikat ng dalawa. Yung naka topknot at mukhang koreano humawak kay Brandon. Kay Anthony ay ang may tatoo sa kamay— pwede ba yun? matanong nga mamaya, at yung parang nerd, pero hot siya, HIHIHI.

Haist. Naloloka ako! Tsk.

"Brad tama na kasi." nakangising awat nung naka tatoo, kay Anthony na kalmado na ngayon. The heck?!  Ngayon lang pinaptigil ngayong kalamado na?! The f*ck?! Sorry Lord for I have sins.

"Oo nga, brad tumigil ka na rin." pagsang-ayon nung mukhang  koreano. Para siyang unggoy na nakabitin ibes na hinahawakan, naka bitin naman siya. Literal na nakabitin.  As in. Haist. Lord ba't ang ga-gwapo nila pero childish naman? Huhu... Paki kuha nalang sila kung pwede, kabaro yan ni adan mga mapanakit, mga hinayupak at mga gwapo...

Awatin niyo'ko... Masasapak ko talaga silang lahat!

"Brad tama na please. Parang awa niyo na. Napakahirap niyong awatin."  yung Koreano, ang kulit niya sarap igisa tapos papakain ko kay Aky, yung aso ni mang Kaloy sa kabilang kanto. Ewwww na-imagine ko yun. Nasusuka ako, shuta. Erase erasw yun.  T*ng*na talaga...Erase...erase...

Napa- face palm nalang ako. Kaloka mga 'to. Tao pa ba sila?!  Mga abnormal! Mga walang kwenta! Mga gwapo— I mean, Mga g*go!

"Ano ba bro tama na." yung mukhang nerd. Isa pa 'to. Akala ko mga nerd naka silent mode. Naka packing tape yung bunganga tapos palaging may kasamang libro, tapos hindi siya nagbibiro, tapos palaging nasa school, tapos may braces, tapos—tapos ng tapos. T*ng*nang Tapos yan!

"P*t*ng*na! Tama na nga yan!" malakas na sigaw ko sa kanila. Ayun, nakapagmura na naman ako, t*ng*na talaga—opss, shut*ng*na— ano ba yan!

Gulat silang tumingin sa akin.

"Hala galit na."

"Galit na siya"

"Ginalit niyo, mga shunga."

"Ikaw kasi."

"Bakit ako?"

"Ikaw kaya."

"Anong ako? Siya kasi, eh."

Napanganga nalang ako dahil kanya kanya na silang turo kung sino ang gumalit sa akin. Lord, kunin niyo na sila! Char... Hehe...

Ang hirap nilang pakisamahan. Mga bata!. Wala pang sampung minuto na nakita ko sila ganito na agad... Ano pa kaya kung palagi na silang nandito? Naloka ako nun panigurado...Huhu... Tulong may mga gwapong baliw!

I rolled my eyes. Haist. "What now? Nagtuturuan na kayo ngayon?!"

"Si Galvin tsaka Brandon ang pasimuno. 'di ako." turo nung naka topknot, na sinang ayunan nung tatlo, si koreano, nerd and naka-tatoo.

"Oo nga. Sila kasi." ang kulit talaga nung mukhang koreano. "Kayo kasi. Ginalit niyo si Miss Alexandria Gabriella 'Sunshine' Guerrero. Nadamay pa tuloy kami." naka pout na sabi niya sa dalawa. Para siyang bibe. Kumunot naman ng noo ko dahil sa sinabi niya. Did he just say my name with Sunshine on it?!

"bat ako?" si Brandon, mukhang chill na chill ah. Habang yung isa naman galit at may nakikita akong bakas ng hindi ko maipliwanag na emosyon. As I stare on his beutiful eyes, I saw a something familiar emotion. Selos? May bakas ng selos sa kanyang mga mata. Bakit? Bakit siya nagseselos?

Sunshine In The DarkWhere stories live. Discover now