Chapter 6

191 22 8
                                    

Chapter 6

"BAKA pasukin ng langaw yang bibig mo." sabi niya na nakapag pabalik sa akin sa katinuan.

"No! That's not what I mean!..." natatarangtang sabi ko at mas lalo iyang ikana-ngisi. "Oh My Gosh, anong ginawa ko?" bulong ko sa sarili ko.

"Okay lang naman sa'kin yun." ngayon parang natatawa na siya at kinalkal ang bag niya. Ang saya, ah? Habang ako halos mamatay sa kakaisip kung ano ang dapat kong idadahilan, uhh!

'Tanga kasi, Alexandria, ih. Sarap mong sapakin self!'

"Anong 'okay'?" medyo naguluhang tanong ko. Anong okay sa kanya? Na makita kong kinakabahan?  Natataranta? 'di alam kung anong gagawin at sasabihin? "Okay lang sa'yo na makita akong hindi mapakali?! may bahid ng galit sa boses ko.

"Oh, my Sunshine is getting mad now, how cute." nanggigigil na sabi niya at mas lumapit sa akin at nilahad sa harapan ko ang hawak niyang chocolate box. "Ang sabi ko..." napatingin ako sa box at sa kanyang mukha. "Okay lang sa akin kung magpaalam ako sa lahat ng gagawin ko. Para hindi ka na magtampo at magalit." ngumiti siya ng matamis. "Oh, yan kainin mo lahat ng yan, ha?" hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ang chocolate box sa kamay ko.

Sa hindi malamang kadahilanan my heart beats fast, parang kabayong nakikipagkarera sa bilis ang bawat pitik nito.

"Para saan 'to?" tanong ko.

"A gift."

"Bakit?" para saan? Wala naman akong maalala na espesyal na araw ngayon.

"It's a birthday gift." masayang sabi niya.

"For whom?"

"For you."

"Bakit? Wala akong maalala na espesyal ngayong araw na ito." tinaasan ko siya ng kilay.

"It's birthday gift, late though."

"But it's not my birthday." ngumiti ako ng mapait, i don't celebrate my birthday, I'm just counting my years but I don'r celebrate.

"Earlier, when I was in ma'am Marcoon's office to find the birth cerricate I passed when I was in Manila. Habang naghahanap ako makita ko yung mga records mo dito sa school, I got curious so pinakialaman ko, and birthday mo pala noong August 31, nung araw na tinamaan mo ako..." nanlaki ang mata ko habang nakikinig sa kanya. Niregaluhan niya ako kahit hindi ko na birthday.


Anong sabi niya? Araw na tinamaan ko siya? Yeah, the day when he almost hit me with the soccer ball in the oval.


"I-I have to go." bilang sabi ko.

"Hatid na kita?" alok niya, gusto ko sana kaso baka makita ako ni dad na may kasamang lalaki, titirisin ako nun ng buhay, char.


"Salamat, pero 'wag na kaya ko naman mag-isa." ngumiti ako ng konti to assure na kaya kong umuwi mag-isa. "Sige, una na ako. Salamat." I thank him at hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, umalis na agad ako  harapan niya.


Sumakay na ako sa trycicle ng hindi sinasabi ang destinasyon ko. Alam naman nilang lahat kung sino ako at taga saan ako.

Nang medyo nakalayo na kami sa school, tumingin ako sa chocolate na nasa lap ko at biglang may tumulong mainit na likido galing sa mga mata kong pagod.

No one celebrates my birthday, kahit ako hindi ko sine-celebrate ang birthday ko. Para saan pa, diba? Wala namang nagmamahal sa akin, eh. Pero okay lang naman, tanggap ko naman yun, eh, pero masakit. Hindi naman na gaanong kasakit gaya noon dahil may isang taong gustong gusto na i-celebrate ang birthday ko, si Mama Regina

Sunshine In The DarkWhere stories live. Discover now