Chapter 27

26 4 0
                                    

December 27

Lianne's POV

Ilang araw nalang at new year na, hindi mo mawari kung anong ihahanda namin. Ayaw na ngang mag handa nila mama dahil na nga nakakatamad mag luto at parang hindi naman namin mauubos.

"Lianne!" Binalingan ko ng tingin ang lalaking kakadating lang, yung isang kamay nya nasa likod nya. Ano nanaman bang pakulo mo Gio?

Tinaasan ko lang sya ng tingin at umupo naman sya sa may tabi ko.

May inilahad sya saakin na rose na hawak nya sa likod. Ang cliche nya para saakin pero nakakatuwa, natutuwa ako.

"Saan mo naman 'to nakuha aber? Baka mamaya naman ay ninakaw mo dyan sa may kapitbahay okaya dyan sa botanical garden?" Tinaasan ko sya ng tingin 

"Grabe sya oh, wala ka bang tiwala saakin?" Umiling ako

"Wala." 

Maya maya pa naininag ko sila leigh na patungo dito kaya naman umasta kaming dalawa na hindi nag papansinan

"Nauna nanaman kayo? Ang bilis nyo naman." Komento nitong si Martin saka umupo sa gitna namin ni Gio, panira ka talagang hinayu ka.

Si Gio naman ay umupo sa kabila, tumabi sakanya si Ruby na nakikisama na din saamin ngayon. Kahapon sumama din sya samin, pero hindi nya kami pinapansin ni Leigh.

"May pasok nanaman next week, hindi ba kayo nauumay?" Napatingin ako kay Gino

"Nakaka-umay na nga pagmumukha nyo paano pa kaya kung may pasok na next week?" Pambabasag ko at natawa naman sila Gio

"Ang harsh neto oh, singhutin kita dyan eh." inirapan ko lang si gino bago sumandal sa puno.

Alam kong nag tataka kayo sa kinikilos naming dalawa, parang kailan lang umamin ako sakanya pero tila parang walang nangyari ngayon. 

Ganito kase yan, nag kausap kami...nag kausap kami bago umamin saakin si Gio nung umuulan.

Sinabi nya saakin na gusto nya si Leigh at tangap ko naman, sinabi ko din sakanya na sana hindi kami maging awkward ang lahat. Kaya eto, hindi ko nga alam bakit pagkatapos kong umamin sakanya nawala bigla yung nararamdaman kong kakaiba sakanya, siguro nga crush ko lang sya okaya puppy love lang. Hindi ako magaling mag figureout sa nararamdaman ko.

"May paputok tayo sa new year," Nakangiting aya ni Ruby sakanila

"i'm on it. Ako na bibili, piccolo agad!" Sigaw ng tarantadong si Martin kaya naman binatukan ko sya 

"Bobo bawal na nga daw mag paputok e." Saad ko dito 

"Why such a killjoy lianne, pwede pa naman daw ah?" Sawakas kinausap din ako ni Ruby, pero halatang..galit pa din sya saakin

"Edi mag paputok tayo, bumili kayo ng papap." Saad ni Leigh na walang emosyong nakatingin sa sunflower na nasa may tabi ko, literal talaga syang sunflower.

"Leigh, anong favorite flower mo?" Tanong ni Gino sakanya kaya naman napatingin ang lahat sakanilang dalawa

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang, masama ba?"

"Oo, ang creepy mo." Inirapan ni leigh si Gino kaya naman nag katinginan kaming dalawa ni Gio sabay iling

"Wala wala manok na pula, tara nga gino samahan mo ko bumili ng meryenda." Binalingan ko silang lahat ng tingin 

"Bibili nalang ako ng turon, bayaran nyo kami ah!" Tumango lang sila saka kami umalis ni Gino.

Nang makalayo na kami ay nakatangap sya galing sakin na batok sa ulo, bobo kase, nakakasakit sa utak.

"Hoy Gino, hindi ka pa ba nakaka-amin sa kapatid ko?! Kapag ikaw talaga naunahan ng kahit na sino ipapalapa kita sa aso nyong may lahing affrican wolf." Pangagago ko sakanya habang nag lalakad kami 

Barangay PagibigWhere stories live. Discover now