Chapter 7

50 4 3
                                    

Lianne's POV

"High ka ba? Sabi kong hindi ko gagawin eh!" Malakas kong tinangal ang kamay nya sa braso ko, ilang beses na syang nagpapakaawang sabayan ko sya, eh ayoko nga anong gagawin ko?!

"Bat di mo nalang tanungin si Ruby kung kaya nyang kumanta?! kikiligin uod nun sa pwet." Bigla syang umakto na parang bata

"Nako ako tigilan mo ah, kapag ako napuno sasaklaman ko yang ilong mo!" Tatalikod na sana ako ng marinig ko boses nila Leigh at Gio na nagtatawanan, kanina papala sila nanonood saamin

"Anong trip nyo? Hagisan ko kayo ng itak!" Inis kong sigaw 

"Ang init init ng ulo neto, may regla ka ba?" Derestahan talagang tanong ni Gino at akma ko na sana syang susuntukin sa braso ng umakma syang 'wag' wagwagin ko ilong nya

"Sino banamang hindi iinit ang ulo?! Kakagising ko palang tapos bigla akong sasabihan na sumali sa singing contest, mga paladesisyon yung mga taga rito." Naramdaman kong inakbayan ako ni Gino saka iniharap ako kila leigh na kumakain ng almonds, dala nung nanay nila gio. Nilantakan ni Leigh, ang kapal!!

"May chemistry naman kami diba?" Putcha kapag 'to di tumigil susuntukin ko talaga ilong nya!

"Ang gago mo, tigilan mo nga ako!" Inis kong sinipa yung binti nya

"Aguy! Oo, malaki chemistry nyo. Mag sikuhan kayo sa stage habang kumakanta." Sarkastikong sabi ni Leigh kaya naman sinamaan ko sya ng tingin

"Ayoko, ayoko talaga. Ayokong kumanta sa harap ng maraming tao---"

"Edi wag! Tayo nalang Gino!" Sigaw ng kapatid nyang kulang kulang

"Dipa kayo uuwi? Mag tatanghalian na wala pa kong umagahan." Inis kong saad, nandito kase kami nakatambay sa may garden. Malapit dun sa maliit na court na meron dito sa street namin

"Dipa, nag umagahan kasi kami." Sabay nilang sagot na tatlo kaya wala nalang akong nagawa kundi lumayo sakanila, nakakasakit sila sa ilong.

"Nandito na po ako." Walang gana kong sabi saka dumeresto sa hapagkainan, nandon pa yung mga pagkain

"Oh? Nasaan si Leigh?" Tanong ni Mama na nasa kitchen, nag luluto ng tanghalian

"Nandun po, kila gio at gino iniwan ko muna nagugutom na ko eh." 

"Bat mo iniwan?" Tanong saakin ni ate luan

"Ha? Ano naman? Pabayaan nyo sila, di nila ako mapipilit." 

"Ayaw mo ba talagang sumali anak?" Tanong saakin ni Mama habang kumakain ako, haha ang sarap!

"Yoko ma, ayoko ayoko ayoko." 

"Saka hindi ako masyadong marunong mag gitara, mapapahiya lang sila. At isa pa ayokong makapartner si Gino, baka mamaya dumugin ako ng fan girls non ako nanaman pagtripan." Alam nila 'yon,  nila ate. Na ginugulo ako ni gela, buti nga yung ruby walang gnagawa kay Leigh, kung may gawin sya kay leigh baka sipain ko ilong ni Gino.

"Paturo ka kay kuya gabriel!" Napatingin kaming lahat ng marinig namin boses ni Gio sa may hagdan, hinatid ata nila si leigh

"Ay...hehe hello p-po..." Biglang nag bago aura ng dalawa, kinabahan tuloy siguro dahil nandito si ate at mama

"Mga hijo pasok kayo---"

"Bawal mga alcantara dito sa bahay, umuwi na kayo." Nakapamewang na sabi ni ate, lakas talaga ng loob

"AH...hehehehe sorry po." Tumalikod yung dalawa saka sabay na nag lakad papaalis ng bahay, buti nalang yung matapobre nilang nanay nasa loob ng bahay kase ayaw daw mainitan. Tseh!

Barangay PagibigWhere stories live. Discover now