Chapter 1

130 8 4
                                    

Leigh's POV

"MERRY CHRISTMAS! AHU AHU" Malakas kong sigaw pagkalabas ko sa kwarto, hawak hawak ang toothbrush sa kanang kamay ko. Hindi ko mapigilang hindi mapasayaw dahil Next week, december na

"Ang ingay ingay mo naman! Umagang umaga!" sigaw ni ate luan pagkalabas nya sa kwarto nya, naka lagay sa braso nya yung puti nyang tawel, mukhang maliligo na!

"Ate, tumatae pa si Ate Luna sa loob." sabi naman ni ate lianne na kakatapos lang magbihis

"Ilang oras kananaman dyan Luna!?" Sigaw ni ate kay ate luna na nasa loob ng CR

"5 minutes nalang pramis!" Sigaw naman pabalik ng babaeng nasa loob ng CR, buti nalang ay kakatapos ko lang maligo! Maaga kase ako nagigising kase rush hour ang ganitong oras dahil may pila na sa Cr. 

"Oh? Gising na pala kayong apat." Napatingin ako sa may pinto at nakita ko don si Lolo at Lola, galing siguro silang palengke dahil may dala silang pinamili

"Maraming tao na sa palengke lo?" Tanong ni Ate luan at nagmano kay lolo, ganun din kami at sunod naman na nagmano ako kay lola!

"la, bumili kayo dalagang bukid?" Nakangiti kong tanong sakanya at nakita kong napatango ito, matamis akong ngumiti bago kami nag kindatan ni lola. 

"Kayo? Bilisan nyo na baka mahuli na kayo sa klase." Rinig kong sabi ni Ate Luan saamin ni ate Lianne

"Half day lang kami ngayon kase intrams." Sabi ni Ate Lianne habang nag susuot ng sapatos, kakatapos ko lang mag ayos ng uniform at toothbrush nalang ang gagawin ko

"Tara na ate lianne, tapos kana ba?" Tanong ko sakanya at tinali ang buhok ko

"Alis na po kami! Lolo, Lola ate!" Sigaw ko at hinila si ate lianne

Kung nagtataka kayo bakit si Lolo at Lola lang ang nandito--ganito kase 'yon, OFW ang nanay namin habang ang dad namin...taga abroad at tinakasan na kami! Wala na din naman akong pakealam ko nasaan sya kase walangya sya! Umagang kayganda sana ngayon kaso bigla kong naalala yung tatay namin! Wala nang umagang kayganda dahil umagang kayinis na dahil nakita ko nanaman 'tong anak ni aling Ginnie na nasa abroad!

"Papunta na kayo sa school? Sabay na kami ah!" Masiglang sabi ni Gino habang nakatingin sa ate lianne ko, he! Pagkatapos nung nangyari nung nakaraang lingo satingin ba nya papansinin pa sya ng ate lianne ko!?

"Wag ka ngang sumabay samin! Baka mamaya makita kami nung ex mo baka awayin nanaman ate ko!" Inis kong sigaw sakanya, naramdaman ko namang may umakbay sa balikat ko

"Ako? Pwede naman akong sumama sainyo diba? Hehehehehe" Agad kong hinawi ang kamay ni Gio

"Isa ka pa---ay teka? Ikaw yung may ex sa inyong dalawa ni Gino...ibig sabihin ikaw yung ex nung babaeng lintanikan na umaway sa ate lianne ko?" Kung mukha akong tanga, buti alam nyo. Bakit? Masama ba ang pagiging tangangers?! Its not a sin! Because i'm not johnny!

"Hahahaha! Memorya mo Lianne, nakalimutan mo na agad? Kakaselpon mo yan eh!" Makatawa 'tong ilong na 'to, pag ako nainis paihiin ko si Dash sa halamanan nya! Kaso, di ako makapasok sa bakod ng mansion nila ang laki kase

Lumapit ako sakanya para ilagay ang braso ko sa may batok nya, amoy johnsons baby poweder, di na lumaki to ilong lang ang lumaki

"Palalampasin ko yang pangaasar mo kase malapit ng umuwi ng bansa yun mga kapatid nyo. Wag nyo kaming kalimutan ah!" Nakangiti kong sabi, hindi ko alam bakit walang kuda si Ate Lianne yun pala nauna na silang nag lakad ni Gio

"Huy, Lianne pasensya na. Napagsabihan ko naman na si Gela. Promise, hindi na nya uulitin yun---pansinin mo na'ko." Kahit malayo sila naririnig ko pinaguusapan nilang dalawa, para silang magjowang nagLL-Q. 

Barangay PagibigDonde viven las historias. Descúbrelo ahora