Chapter 26

23 3 0
                                    

Gabriel's POV

Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko yung mga yon, hindi ko alam kung paano ko babawiin?

Binalingan ko ng tingin ang gitara ko saka akmang aalis ng mag salita si Gemerald

"Siguro dahil... kailangan kong umalis at pumunta ng paris?" I heard her chuckled, napayuko nalang ako. Bakit sya sumagot?

Lumingon ako sakanya saka binigyan sya ng ngiti

"I'm sorry, hindi ikaw yung tinatanong 'ko." Walang gana kong sabi saka pumasok sa loob

Alam kong gulat na gylat sila dahil sa ikinilos ko, at dahil sa sinabi ko kay Gem.

Hindi sya slow alam ko yon, alam nya na meaning non...hindi ko na sya gusto.

Almost 2022 na, kaya ako bumalik para sabihin kay Luan na sa ilang taong wala ako dito, sya parin ang mahal ko.

Nag iisa, wala ng iba. Sya lang.

Alam kong galit sya saakin dahil sa ginawa kong paglayo, hindi naman para sakin yon, para sakanya. Para hindi na sya magulo nila Mama.

Sobra na kong naiinis sa sobrang kasama ng ugali ni Mom sa mga Saludes, i dont get the point bakit kailangan nyang gawin yon sakanila.

Wala ba syang pake sa kapakanan ng mga anak nya?

Pumasok ako sa kwarto ko at inilapag ang gitara, kinuha ko yung gitara nila. Papaano pa sila mag bobonding nyan?

Bahagya akong napapikit bago bahagyang umisip.

Kailangan ko ng sabihin sakanya, ayokong...mag taka nanaman sya sa susunod bakit ako aalis.

Kailangan kong umamin, ulit. Sakanya.

Maya maya pa narinig kong nag ingay yung tatlo kong mga kapatid, agad akong umalis ng kwarto saka sinalbong sila sa may hagdan

"Kuya!!" Masayang sigaw nilang tatlo ay inapir yung noo ko, mga tarantado.

"Lakas mo talaga idok, ikaw na!" Sigaw ni Gillian pero walang gana ko lang syang binalingan.

"Grabe, kuya alam mo ba kung gaano nasaktan si ate gemerald kanina? Para syang pinag bagsakan ng langit at lupa." Dagdag ni Gino

"Sasama nyo, nasaktan na nga yung tao eh." Saad naman ni Gio sa dalawa

"Eh sinaktan din naman nya si ate Luan, ano nga uli yung sabi mo samin non? Humingi ng favor si ate gemerald kay ate luan na layuan ka dahil mag ex lovers na kayo?" Nang uungkat pa talaga tong Gillian na 'to, barahin ko kaya baba neto.

"Hoy gillian, atleast ako hindi torpe. Anong petsa na hindi ka pa din nakaka-amin kay Luna." Natawa yung dalawang bunso dahil sa pambabasag ko kay Gillian

Umupo ako sa sofa saka tiningnan silang tatlong nakatayo

"Tulungan nyo 'ko."

"Anong gagawin namin?" Kunot noo nilang tanong.

Luan's POV

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, titigil na sana 'to kung tinangap lang ni Gabriel yung sagot ni gemerald kanina

Pinamukha ba talaga nya sakin na hindi pa din sya nakaka-move on? I mean--mahirap talaga akong kalimutan, i'm so....so..so charismatic at maraming nakakagusto saakin, wala talagang nakakalimot sakin ang kaso---

Tinanong nya ba talaga kung bakit kami nag break? Eh alam nya naman ang sagot?!

Bigla kaming may narinig na nag gigitara sa baba, tumingin ako sa tatlo kong kapatid na nasa kitchen. Kumakain.

Ayoko silang istorbohin kaya naman ako nalang ang sumilip, anong eksena 'to?.

Nakita ko yung apat na alcantara brothers na nakatambay sa labas, si Gio may hawak na gitara at saktong kakanta na

"Pagnilahad...ang damdamin~ sana di mabagong pagtingin~" abay kaygaling, kumakanta din pala sya?

"Oh? Kumakanta si Gio sa baba?" Agad na tumayo si Leigh sa kinauupuan nya, naiwan si Lianne na nagtatama dahik sa sinabi ni Leigh

"Si Gio nga! Sabi na eh, kinanta na nya yan dati." Sabi pa nya habang kumakain ng ice cream, may binili kase si mama na ice cream kaya ayan kinakain na nila

"Kinanta nya? Bakit hindi ko naalala?" Tanong naman ni Lianne, napaurong ang bibig ni Leigh dahil sa sinabi ni Lianne

"A-ah..a-ano k-kase...wala kase kayo non hehe kami l-lang ni Gio that time..." Napahawak sya sa buhok nyanbago bumalik sa upuan.

Susko, love triangle malala--ay mali, Love Square pala.

Tuloy lang yung pagkanta ni Gio, grabe ang ganda pala ng boses nitong batang 'to? May future!

"Patawad! Salamat sa pagkanta shumupee na kayo." Bumaling ako sa bintana kaya naman napatingin silang apat saakin

Binigyan ako ni Gino ng 'luh si ate luan look'

"Luh si ate, naririnig nyo kami?" Gulat na tanong ni Giography

"Ay hindi, hindi namin kayo naririnig." Pamimilosopo ko pa sakanila saka sinara yung bintana

Tiningnan ko yung dalawa, gulat na nakatingin saakin habang kumakain ng ice cream

"Nasaan si Luna?" Taas kilay kong tanong sakanila

"Ate, nasa kwarto." Sagot ni Leigh saakin kaya naman pumasok ako sa kwarto namin ni Luna

Nakita ko syang nakataklob ng kumot, tapos patay pa yung ilaw. Naririnig ko pa pagsinghot nya, umiiyak ba sya?

"Huy, Luna Asuncion Saludes. Anong nangyayari sayo?" Kunot noo kong tanong dito at nakita ko namang tinangal nya yung nakataklob na kumot

At tama nga ko ,umiiyak nga sya habang naka bukas yung cellphone nya. Tapos alam nyo pa naka suot sya ng earphones.

"Anong nangyayari sayo?!" Sigaw ko dito saka umupo sa kama nya

"Ate....n-namatau si H-hardin..." Napakunot ang noo ko, sino yon?

"Sinong hardin? Wala akong kilalang hardin, kaibigan mo ba yun nung highschool? First love mo? Crush mo? Kpop idol? Artista?"

"Ate...kawawa naman si Elysa." Napabuntong hininga ako ng makita ko laman ng cellphone nya, nag babasa ng wattpat tapos may tugtog pa.

Huling Sandali by December Avenue panga.

"Ewan ko sayo luna, nakakasakit ka sa bagang."


Barangay PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon