CHAPTER XVII; Start of Something New

Start from the beginning
                                    

Ano naman kaya ang ginawa ko at ako ang bagay na sinabi ni Alexa?

"Basta ikaw. No need an explaination". Sabay ngiti niya. Umiwas na lang ako ng tingin at nanahimik.

Ilang minuto lang din nang basagin niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"What I did to you before, I can explain to you now. Will you listen to me"?

Napabuntong hininga ako. "Kaya nga sumama ako sa'yo rito. To clear things out".

"I see".

Nagising ako sa labis na panlalamig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagising ako sa labis na panlalamig. Kahit may kumot na nakabalot sa katawan ko, ay giniginaw pa rin ako.

Napatingin ako sa isang Drik na mahimbing na natutulog habang nakaupo at nakahalukipkip ang mga braso.

Hindi ba sumasakit ang katawan ng isang 'to?

Chineck ko ang phone ko sa may bulsa ng blouse ko.

Sana naman at dinala ni Alexa ang bag ko. At sana, walang mag sumbong na nag cutting class ako sa Nanay ko.

Napabuntong hininga ako nang makapa na ang cellphone sa bulsa. Nanlalaki ang mga mata at nagmamadali kong kinuha ito.

Shit! Nadaganan ko!

"Buhay ka pa ba"? Mahinang tanong ko habang chini-check ang kabuuan ng cellphone ko.

10 unread messages. 21 missed calls.

Tinignan ko muna ang oras, bago binasa ang mga mensahe.

Gabi na? Gano'n kahaba ang naging tulog ko?

Hindi ko napansin ang oras dahil sa rami ng kwento ni Drik. The last thing I remembered, ay nagk-kwento pa rin siya, tapos ito na.

From: A-aron
-Where are you?

-end-

From: A-aron
-I'ved been looking for you everywhere, pero ni anino mo, wala.

-end-

From: A-aron
-Hindi ka talaga magrereply?

-end-

From: A-aron
-Gabi na. Ano ba Kiandra?!

-end-

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa mga messages ni Aaron.

Magtatawag na ako ng Santo bago umuwi.

From: Alexa
-Where the hell are you ? Iniwan mo pa sa'kin ang bag mo !

-end-

From: Alexa
-Hindi ka magr-reply ? Umuusok na ang ilong ng bebe ko !

-end-

"Nahiya naman ako sa bebe niya". Bulong ko. Hindi ko na lang sila nireplayan. Papagalitan din naman ako, lulubusin ko na.

Napatingin ako kay Drik nang mapansin kong gumalaw ito. Nakaupo na ito at nakangiting nakatingin sa akin. "Hatid na kita? I'm sure, Aaron is already mad at you".

"Let him be. Mamaya na ako uuwi".

"Gusto mo mag star gazing"?

"Ang ganda talaga rito". Maanghang sabi ko habang nililibot sa paligid ang paningin.

Sa paglilibot namin ni Drik, nakakita kami ng mga alitaptap na lumilipad sa paligid, kaya napahinto kami sa paglalakad.

Sa pangatlong pagkakataon, napaawang kong muli ang bibig ko dahil sa pagkamangha. "Paano mo nahanap ang lugar na 'to"? Tanong ko.

"I don't know either. Naglilibot lang ako ng time na iyon para maging pamilyar ulit. And the next thing I knew, nandito na ako sa lugar na 'to".

Napatango ako. "Hindi ka pa rin nagbabago, ano"?

Napakunot naman ang noo niyang napatingin sa akin. "What do you mean"?

"Spokening dollar ka pa rin". Parehas kaming natawa.

Nagulat ako ng biglang maglakad si Drik. Akala ko iiwan na niya ako, pero sa may halamanan siya dumeretso.

Pagkabalik niya, iniharap nito sa akin ang dalawang palad niyang magkasalikop na tila may itinatago ito sa loob. Nilagyan niya ito ng konting siwang sa gitna ng hinlalaki at hintuturo niya.

"Silipin mo". Aniya. Ginawa ko naman ito. Kung nakakapagpapera lang ang pag-awang ng bibig, ay kanina pa ako kumikita.

"Paano mo nahuli"?

"Binigla ko".

"Ang hirap kayang hulihin nito".

Hinipan muna ni Drik ang nasa loob ng mga palad niya, bago niya ito unti-unting binuksan, at bumungad sa amin ang unti-unting umiilaw na alitaptap. Lumipad ito nang mabuksan ng buo ni Drik ang mga palad niya.

Kapwa kami nakangiti ni Drik na pinagmasdan ang papalayong alitaptap.

Nang magsawa kami sa paglilibot, bumalik kami sa white house. Pang horror man ang tawag namin, pero kabaliktaran naman ang itsura nito.

Naglatag si Drik ng malaking tela na pwede naming mahigaan sa damuhan. Nahiga kami rito pagkatapos.

"Huling star gazing ko, ay nung mga bata pa tayo". Sambit ko nang kapwa kaming makahiga, at kapwa nakatitig sa kalangitan. "I never done this thing, since you left me". Wala sa sariling nasabi ko. Napatingin ako kay Drik, dahil baka na offend ko siya. "I'm sorry". I said.

Ngumiti ito habang nasa kalangitan pa rin ang paningin. "It's okay".

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Nakatingala lang kami sa mga bituin.

"I've been miserable since I left you". Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi naman niya kasi nabanggit sa akin kanina ang bagay na 'to.

"Shooting star"! Excited kong turo sa bagay na tila bigla na lang nahulog. "Make a wish".

Pinagsalikop ko ang mga daliri ko at ipinatong iyon sa ibabaw ng tyan ko. Pumikit ako pagkatapos.

Sana maging okay na lahat. Sana ganito na lang lagi.

Nanatili kami ng halos kalahating oras nang nakatitig lang sa mga bituin.

Nang magsawa, ay tumayo na kami para pumasok sa loob ng white house.

Nasa pinto pa lang ako papasok, ay pinigilan ako ni Drik. Niyakap ako nito mula sa likuran, at isiniksik ang ulo niya sa may leeg ko. "I missed you, Kiandra".

Nanatili akong tahimik. Tinakasan yata ako ng dila ko. Naramdaman kong humikpit an

"Can we start again"?

-TO BE CONTINUED-

Love and Lost (On Going - Under Editing)Where stories live. Discover now