8

8 1 0
                                    

Julianne Robine Bancolita

01:21 AM

Julianne, ano yung pera na nasa ibabaw ng side table ko?

Julianne Robine: Jay tabi mo lang yan para kapag need mo

Bakit ka naman nag-iwan ng pera dito? Sinisingil ba kita?

Chulie naman!

Julianne Robine: Jay nahihiya ako sayo. Sige na naman, sayo talaga yan.

Nanghihingi ba ko sayo?

Kaya ko naman gastusan ka, Julianne. May pera pa naman ako. Di ko naman hahayaan na mahirapan ka.

Julianne Robine: Jay please 🥺

Julianne Robine: Hindi ko yan iniwan para magalit ka sakin.

Pwes ibabalik ko to at kukunin mo to ulit.

Julianne Robine: Jay!

Julianne Robine: Nahihiya na ko sayo. Promise. Lagi mo kong tinutulungan. Kapag may problema ako, lagi mo kong kinukupkop.

Julianne Robine: Isipin mo na lang na share ko yan kapag dyan ako natutulog sayo. Nakikitira ako tsaka nakikikain.

Kaya kitang patirahin sa bahay ko at palamunin kahit limang beses ka pa kumain sa isang araw.

Julianne Robine: Jay magagalit ako sayo.

Julianne Robine, magagalit din ako sayo.

Nakakainsulto naman na binabayaran mo yung mga ginastos ko sayo. Pakiramdam ko hindi kita kayang alagaan kasi binalik mo yung ginastos ko.

Julianne Robine: Maliit lang yang iniwan ko. Di ko naman intensyon na insultuhin ka. Gusto ko lang makatulong.

Di ba, sinabi ko sayo na gusto ko to.

Gusto kitang alagaan. Gusto ko yung pakiramdam na kailangan mo ko. Gusto ko yung nandito ka. Gusto ko yung ako naiisip mo kapag kailangan mo ng tulong at nahihirapan ka na.

Chulie ko, hayaan mo naman akong gawin to para sayo. Parang binabayaran mo naman yung serbisyo ko sa pag-iiwan ng pera dito.

Ako ang lalaki, kaya kitang gastusan.

Julianne Robine: Feeling ko masyado na kitang nagagamit, Jay. 🥺

Feeling mo lang yun

Kunin mo ulit to, tas kumain tayo sa Japanese resto na favorite mo.

Julianne Robine: Pero Jay?

Walang pero pero

Susunduin kita at dito ka ulit uuwi sa akin. Di ako papayag na hindi mo makuha ulit itong iniwan mo dito.

Kung anong akin, iyo din. Naiintindihan mo ba ko, Chulie ko?

Julianne Robine: Oo na. Sunduin mo na nga ako dito. Pero ayaw ko doon sa Japanese resto kumain. Mahal doon!

Isa, Julianne!

Julianne Robine: Ayaw ko ng japanese food ngayon! Gusto ko pizza. Mag-pizza na lang tayo.

Sige sige.

Dadaan ako dyan sa inyo, susunduin kita.

15 minutes dyan na ko.

Julianne Robine: Okay. Ingat!

You Never Walk AloneWhere stories live. Discover now