7

5 2 0
                                    

Julianne Robine Bancolita

09:14 AM

Julianne Robine: Saan ka?

Bumaba lang. Bumili lang ako ng breakfast.

Julianne Robine: Wala naman. Balik ka na lang agad.

Baka may gusto kang kainin, sabihin mo lang sa akin para mabili ko bago ako bumalik dyan.

Julianne Robine: Thank you Jay.

Para saan?

Julianne Robine: Umalis ka sa bakasyon mo para puntahan ako. Iniwan mo mga kaibigan ko para samahan ako.

Chulie ko, papabayaan ba naman kita?

Julianne Robine: Kahit na. Pwede naman kitang hintayin na lang dito. Babalik ka naman.

Kapag kailangan mo ko, dadating ako. Wala ng maraming usapan. Basta magsabi ka, pupuntahan agad kita.

Julianne Robine: Paano kapag nakakaabala na pala ko sayo?

Kahit kailan di ka magiging abala sakin, Chulie ko.

J

ulianne Robine: Ang bait bait mo sakin, Jay. Tuwing kailangan kita dumarating ka. Tuwing may problema ako, nandyan ka para damayan ako.

Syempre naman, Chulie ko.

Baka nakakalimutan mong ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Julianne Robine: Paano naman ako makakabawi sayo?

Nanghihingi ba ko ng kapalit?

Julianne Robine: Jay naman

Sinabi ko bang bumawi ka sa akin?

Sinisingil ba kita, Julianne? Naipaparamdam ko ba sayo na dapat magkaroon ka ng utang na loob sakin?

Julianne Robine: Jay hindi naman sa ganon

Julianne Robine: Nahihiya ako sayo.

Ayoko. Ayokong maramdaman mo yan.

Hindi ko gustong malaman na hindi ka kumportable sakin.

Julianne Robine: Kumportable ako, Jay.

Julianne Robine: Kung hindi comfort ang tingin mo sa ginagawa ko, ano pang tawag dito?

Julianne Robine: Natulog ako at nag-stay sa apartment mo na wala ka. Ang abusado ko nga, di ba?

Lahat ng meron ako, Julianne, sayo din.

Ayokong isipin mo na kailangan mong mag-ingat sa kilos mo o mahiya magsabi ng kailangan mo sakin dahil pakiramdam mo inaabuso mo ko.

Gusto ko to, Julie.

Gusto ko yung pakiramdam na kailangan mo ko.

You Never Walk AloneWhere stories live. Discover now