I'm hoping na balang araw ay makawala na si Clarisse sa relasyong hindi naman niya gusto.

Kahit hindi ako ang makatuluyan niya basta't maging masaya lang siya sa lalakeng mamahalin niya ay okay lang iyon sa akin.

CLARISSE'S POV

Kakatapos ko lang humango ng mga bag at sapatos sa supplier na kakilala ni Mama na si Tita Joy para sa ibebenta ko thru online. Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na ako doon.

Pagkauwi ko naman sa bahay ay kumain na kami ng nilutong tinolang manok ni Mama. Kakasweldo lang rin ni Kuya Arman kaya may dala itong chocolate roll cake na alam niyang paborito ni Janjan.

"Tinext ako ni Ravi, pupunta siya ngayon dito sa bahay." sabi ni kuya Arman habang kumakain kami.

Tumango nalang ako dahil alam ko rin naman iyon. Kanina ay tinawagan ako ni Ravi at sinabi niyang baka gabi na siya makapunta dito sa bahay dahil may inasikaso pa sila ng Dad niya kaninang hapon tungkol sa business nito bago siya makauwi sa Maynila.

Wala namang imik si Mama sa sinabi ni Kuya Arman habang sinusubuan niya ng pagkain si Janjan.

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan namin. Inasikaso na ni Mama si Janjan para sa pagsagot nito ng module habang si kuya Arman naman ay nasa maliit naming sala at abala ito sa paggamit ng cellphone niya.

Nang matapos na akong maghugas at magwalis sa sala namin ay sakto namang narinig ko ang pagbusina ng kotse ni Ravi sa tapat ng bahay namin.

"Si Ravi na yata 'yan. Diyan ka lang. Ako na ang sasalubong sa kanya." sabi ni Kuya Arman nang binulsa na nito ang cellphone niya at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa sofa.

Tumango nalang ako at naupo sa sofa. Ilang minuto pa ay pumasok na sa loob ng bahay si kuya Arman kasama si Ravi na maraming dalang paperbags at plastic bags na may tatak ng isang mamahaling restaurant.

Inilapag niya ang mga dala niya sa lamesa namin at pagkatapos nun ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at hinapit ang baywang ko.

"I missed you," mahina niyang sabi sa akin.

"I-I missed you, too." sabi ko naman at nginitian siya ng pilit.

Hindi ko na ine-expect na ngingiti sa akin si Ravi dahil hindi naman niya iyon ginagawa. Tumingin naman siya kay Kuya Arman na nakangiti lang habang nakatingin sa amin.

"How's the base? Wala bang nanggulo?" tanong niya kay kuya Arman.

"Wala naman pero kailangan mong i-check bukas 'yon dahil baka may pasaway na namang gusto kang suwayin." sagot ni kuya Arman.

Halatang tungkol sa fraternity nila sa gang ang pinag-uusapan nila. Kinakabahan ako para kay Kuya Arman at Ravi dahil kasali sila sa ganoong klaseng samahan na sa pagkakaalam ko ay nai-involve sa mga away at iba pang gulo sa lugar namin. Hindi ko alam ang takbo ng gang nila pero alam ko na masama pa rin iyon at baka mapahamak pa sila.

"Okay. I got it." sabi ni Ravi saka ito muling bumaling sa akin.

"Erika never said something bad about you these past week kaya panatag akong hindi ka lumapit at nakipag-usap sa Morris na 'yon." sabi niya.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi nagsumbong si Erika sa kuya niya na nagkikita at nag-uusap pa rin kami ni Morris.

Minsan na kaming nakita ni Erika na magkasama ni Morris pero mabuti nalang at hindi niya iyon binanggit pa sa kapatid niya. Talaga ngang wala na siyang pakialam sa akin dahil sa bago niyang boyfriend na isang transferee student.

You're Mine, PrincessWhere stories live. Discover now