T W E N T Y - N I N E

3.6K 227 44
                                    

“Suplada.” Dabog na bulong ni Santino.

Kinunutan ko siya ng noo. Pero hindi siya nakatingin sa akin. Sa labas siya nakatingin habang nakasandal sa upuan niya. Nakahalukipkip at bahagyang nakanguso.

Nag-iwas na lang ulit ako ng tingin. Alam kong ako ang sinasabihan niyang suplada pero ayoko siyang pansinin lalo pa’t kami lang dalawa rito sa table namin.

Ramdam na ramdam ko ang awkward na ihip ng hangin. Sobrang nakakailang dahil sa loob ng isang taon, ngayon lang kami ulit nagkita.

Wala naman masyadong nagbago sa kanya maliban sa buhok niyang top-knot na ngayon. Si Santino pa rin siya. Ang madrama at abnormal na si Santino.

“Hindi naman kasi talaga dapat matulog sa iisang kama kapag hindi pa kasal. Masama naman talaga ‘yon.” Bulong niya na dinig na dinig ko naman.

Mas lalong kumunot ang noo saka nagsalubong ang mga kilay. Pero kahit pa ganoon ay hindi ko pa rin siya tiningnan.

“Mas gwapo naman ako do’n. Mas macho. Mas astig. Tapos pahihigain sa kama niya?” Himutok niya.

Pakialam mo namang abnormal ka?!

“Pahihigain na nga lang sa kama niya pa. Pwede namang sa ibang kwarto. O kaya sa lapag. O sa sofa. Ang daming pwedeng higaan tapos sa kama pa?!” aniya.

Dami mong satsat! Ikaw nga, nakahalik sa akin no’ng lasing ako, e!

“Tapos ngingiti sa kanya. Sa akin naman ang suplada. Ang sama ng tingin! Kulang na lang katayin ako! Tapos sa kanya ang tamis ng ngiti! Ano ‘yon lokohan?!”

Wala namang kangiti-ngiti sayong tangina mo! Ang dami mong parinig! Kausapin mo ‘ko kung may problema ka sa’kin! Hindi kita tatantanan, ‘no!

“Maypa-babe-babe pa! Ew! Yucks! Ang pangit ng tawagan! Babe! Yucks talaga! Ang daming endearment diyan sa tabi-tabi, ‘yan pa talaga?! Ews!”

Mas lalong kumunot ang noo ko. Kaunting-kaunti na lang at masasagot ko na ang hinayupak na ‘to!

“Babe? Psh! Ano ‘yon, ibon? Kay daming endearment ‘yan pang pangit ang napili!”

Pakialam mo?! Kung inggit ka, edi, tawagin mo din na ‘babe' si Miriam! Gago!

“Cookies and cream?! Yuck! Ang pangit ng lasa no’n! Nakakasuka ‘yon! Tapos ‘yon ang kakainin?! Eh, kapag movie marathon, dapat tsitsirya o kaya popcorn ang kinakain?! Grabeng taste ‘yan! Ang pangit!”

“Ano ba ang pakialam mo?! Kung inggit ka, edi, kumain ka rin ng cookies and cream kapag nag-movie marathon kayo o kaya kapag nag-jack’n’poy kayo ni Miriam!” Hindi ko na natiis at sinagot ko na talaga siya.

Masyado niya akong beni-bwesit! Baka akala niya hindi ko siya papatulan! Unang-una sa lahat wala siyang karapatan na maghimutok dahil mas malaki ang kasalanan niya sa akin!

Nakasimangot na tumingin siya sa akin. Hindi niya pa rin tinanggal ang pagkahalukipkip niya. Nakasimangot pa rin siya na parang batang inagawan ng lollipop.

“Inaano ka ba?! Hindi ikaw ang kausap ko!” Mahina niyang bulyaw sa akin.

“Eh, ba’t ka nagpaparinig diyan?! Hindi naman kita inaano! Kung makapagsalita ‘kala mo naman ang perfect mo!” Asik ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Napaawang ang mga labi niya. Natanggal ang pagkahalukipkip niya at napalitan ng gulat ang nakasimangot niyang mukha.

“Naninigaw ka na ngayon? Sa pagkakaalala ko hindi ka naman ganyan dati, ah. Ang haba-haba ng pasensya mo tapos palagi kang tahimik. Ngayon naninigaw ka na. Ang sama na ng tingin mo sa’kin. Samantalang dati-rati in love na in love ka sa akin.” Bumuntong-hininga siya. “Hays. O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo, sinta. Daig mo pang isang kisapmata.”

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Where stories live. Discover now