S I X T E E N

3.2K 226 10
                                    

Pansin ko ang pagtatanong ng mga babaeng customers sa restaurant kung nasaan si Santino. Absent kasi ito at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako nagtanong sa iba ko pang empleyado.

Pansin ko na hinahanap ng mga customers si Santino. Maliban kasi sa malandi ‘yon, talagang napapatawa niya ang mga customers.

Kahit ako… ngayong wala si Santino… I felt empty. Parang gaya lang ng dati. Magtatrabaho ako ng blanko at walang kulay.

It amazed me the way Santino changed my perceptions. Dahil sa kanya ang daming nagbago sa akin. Ni-hindi ko na mapangalanan ang mga pagbabagong nakikita ko sa sarili.

“Halata talaga na na-miss ng mga customers si Kuya Santi, ‘no, Chef?” wika ni Rouke.

Hindi ko rin alam kung bakit nakikipag-usap sa akin ang isang ‘to sa mga ganitong bagay. Dati naman ay mahahalagang bagay tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan namin lalo pa’t medyo ilag siya sa akin.

I nodded. “Oo. Pansin ko rin.” Walang buhay kong sagot.

“Ano po bang nangyari sa kanya at absent siya?” tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko rin alam. Wala siyang sinabi sa akin.”

Tumango siya. “Akala ko po kasi alam mo.”

“Ako, alam ko!” Biglang sabad ni Zerine na nasa likod namin. May malawak na ngiting nakaukit sa mukha niya.

Inirapan siya ni Rouke. “Hanggang dito lang, Zerine, oh. Hanggang dito lang,” wika ni Rouke saka gumawa ng imaginary line sa gitna nila ni Zerine.

Umirap pabalik si Zerine sa kanya. “Gusto mo bang malaman kung nasaan si Kuya Santino o hindi?”

Ngumiti bigla si Rouke. “Hindi.” Tapos ay sumimangot.

“Edi, wag. Si Chef na lang ang sasabihan ko. Umalis ka nga diyan. Kami naman ang mag-uusap. Kanina ka pa, eh,” Zerine said.

“Ayoko nga. Nauna ako rito, eh. Ikaw naman ang magluto do’n para may silbi naman ‘yang malaki mong eyeglass,” wika ni Rouke.

“Umalis ka sabi diyan. Mag-uusap kami ni Chef.” Humarap sa akin si Zerine. “Alam kong nami-miss mo na po si Kuya Santino, Chef. At kung gusto mong malaman kung nasaan siya, sabihin mo lang sa akin.”

Ngumisi si Rouke. “Ano naman ngayon kay Chef kung absent si Kuya Santino? Marami rin namang nagkaka-absent dito sa atin pero ‘di naman hinanap ni Chef. Ikaw talaga, Zerine, malisyosa ka. Fake news!”

Oo nga naman. Ano naman ngayon sa akin kung absent si Santino? It’s not like matagal na siyang nagtatrabaho sa akin. Isang buwan pa lang naman ang lumipas.

But why do I feel so worried about him? Na hindi naman talaga dapat.

Sinamaan ng tingin ni Zerine si Rouke. “Kasi may chemistry silang dalawa ni Chef!”

“Anong chemistry-chemistry? Tumigil ka na nga sa pagbabasa ng mga love stories. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip mo, eh. Pwede ka nang maging author.” Ismid ni Rouke.

Zerine glared at him more. “Hindi kasi talaga ikaw ang kausap ko, Rouke! Bakit ka ba nakikipag-usap sa akin? Nab-bwesit ako sa mukha mo, ah!”

Napalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Pansin ko nitong mga nakaraang araw ay panay ang bangayan nilang dalawa. Madalas silang inaasar ng iba ko pang empleyado pero mukhang walang epekto sa dalawa.

Bumuntong-hininga ako. “Tama na ‘yan. Zerine, bumalik ka na sa trabaho. Ikaw rin Rouke.”

Sabay silang tumango. Pero agad namang sinamaan ng tingin ang isa’t isa.

Napailing ako no’ng tahimik na silang dalawa. Pero kapag nagkakatinginan ay nagsasamaan ng tingin.

“Miss na miss talaga ng mga customers si Santino, ‘no?” Rinig kong sabi ng babae kong empleyado.

“Oo nga, eh. Sa gwapo ba naman kasi ng lalaking ‘yon talagang kamiss-miss. Tsaka, ang bait din kasi,” saad ng isa pa.

Nagpapatuloy ako sa ginagawa ko pero nakikinig ako sa kanila. May malaking parte kasi sa akin na gustong alamin kung saan si Santino at anong nangyari kay Santino.

“Sino ba ang kasama niya sa apartment niya? Hindi ba malapit lang ang building ng apartment mo sa apartment niya?” saad ni Cara.

“Oo. Pero ang alam ko mag-isa lang siya sa apartment niya, eh. Bakit?” sagot ni Cassy.

“Hala! Eh, diba, may sakit siya? Sino ang mag-aalaga sa kanya kung ganoon?”

I blinked. May sakit siya? Bakit wala siyang sinabi sa akin? Para naman malaman ko kung anong nangyayari sa kanya.

Ano ba ang pakialam mo? Sagot ng kabilang parte ng utak ko.

“Ha? Anong sakit?” Bulalas ni Cara.

“Lagnat yata. Hindi ko alam, ‘yon ang narinig ko kay Zerine, eh. Pareho kasi ang building ng apartment nilang dalawa,” sabi ni Cassy.

Lagnat?

“Kawawa naman si Santino. Puntahan kaya natin?” saad ni Cara.

Hindi ko alam na may tinatagong landi rin pala itong si Cara.

“May trabaho tayo, gaga. Baka matanggal pa tayo sa trabaho kapag aalis tayo ng walang paalam. At kahit pa mag-paalam tayo, ang shallow lang ng rason sa pag-alis natin, ‘no,” sagot ni Cassy.

“Kung sabagay.”

I sighed. Hinanap ng mga mata ko si Zerine. I saw him cooking at the corner.

Lumapit ako sa kanya. Tumikhim ako. “Zerine.”

Tumingin siya sa akin. “Chef? Bakit?” Malawak ang ngiti niya.

“Si Santino… uhm… anong nangyari sa kanya?” tanong ko.

Malawak siyang ngumiti. “Sabi ko na nga ba macu-curious ka rin, Chef, eh. Buti na lang talaga hindi ko sinabi. Ngayon na-prove ko na na talagang nag-aalala ka para kay Kuya Santino.”

“Lower your voice please,” wika ko.

Agad namab siyang nag-sorry. “Pasensya na. Excited lang ako, Chef.”

Tumikhim akong muli. “So… uhm… where’s he? What happened to him?”

Ngumiti siya. “May lagnat siya ngayon, Chef. Sinabi niya sa akin para daw sabihin ko sayo. Pero syempre dahil magaling akong investigator, hindi ko muna sinabi sayo. Hinintay kong ma-miss mo siya.”

“H-Hindi ko siya nami-miss.” Nag-iwas ako ng tingin saka namula.

She giggled. “Sus! Namumula ka, Chef, eh.”

I shook my head. “Hindi talaga. Na-cu-curious lang ako kaya ako nagtanong. So, saan siya naroroon ngayon?”

“Sa Louisiana’s Apartment po, Chef. Doon po siya nag-s-stay. Sa St. Miguel Street po,” saad niya.

Tumango ako. “Alright, thank you.”

“Uh… pupuntahan mo siya, Chef?” tanong niya. Malawak ang ngiti. Halatang kinikilig na naman sa kung ano man ang iniisip.

“Uhm… hindi. Pero may pupuntahan akong iba. Kaya… ikaw na muna ang bahala rito,” wika ko.

Ngumiti siya saka tumango. “Sige, Chef. Ako ang bahala rito. Alagaan mo si Kuya Santino.” Bulong niya.

Namumulang hinubad ko ang apron na suot ko. Tapos ay isinabit ko ito sa lagayan.

Agad akong lumabas ng kusina at mabilis na umakyat sa opisina. Kinuha ko ang handbag ko tapos ay lumabas ng restaurant.

Pumunta ako sa parking garage at sumakay sa kotse. Saka agad ko itong pinasibad.

I then went to the near pharmacy. Bumili ako ng gamot sa lagnat. Tapos ay dumeretso ako sa sinasabing street ni Zerine.

Pumasok ako sa building na sinabi sa akin ni Zerine. Ang kaso ay hindi ko alam kung anong floor ang apartment ni Santino. At mas lalong hindi ko alam kung aling apartment.

Lumapit ako sa lalaking nagbabantay sa tila isang counter. “Hi, may kilala ka ba na Santino Basaltta dito?”

The man looked at me and smiled. “Opo, Chef. Bakit po?”

“What floor?” tanong ko.

“Sa third floor po, chef. Sa apartment 57 po.”

I nodded. “Thank you.”

Agad akong naglakad sa hagdan paakyat sa second floor. Ang nakakalungkot pa ay walang elevator kaya kailangan kong maglakad ng napakahaba para makarating sa third floor.

Kaya nga mataba ako kasi hindi ako mahilig mag-exercise, eh! Tapos ito ako at umaakyat ng napakataas na hagdan makapunta lang sa third floor para saan?! Para tingnan kung okay lang ang malanding Santino na ‘yon!

Hinihingal ako nang makarating sa third floor. Agad kong hinanap ang apartment 57. Nahanap ko naman ito agad kaya lumapit ako doon saka kumatok.

Ilang beses pa akong kumatok doon bago bumukas ang pinto at iniluwa ang nakapam-bahay na si Santino. Magulo ang buhok niya at lukot-lukot ang damit. Namumugto pa ang mata dahil siguro sa lagnat niya.

Nang makilala niya ako ay agad na nanlaki ang mga mata niya.

“Madam?!” Paos na bulalas niya.

Nag-iwas ako ng tingin. “Sabi ni Zerine na may lagnat ka raw. Kaya ako pumunta dito.”

“Nag-aalala ka, Madam?” May pang-aasar sa boses niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Kapal ng mukha mo. Hindi mo ba ako papapasukin? Ganyan ba ang turan mo sa boss mo?” Tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumiti siya. “Ah… pasok, Madam.”

Taas-noong pumasok ako sa apartment niya. I was amazed when I was already inside. Malinis ang apartment kahit pa maliit lang.

Napakaliit ng sala. Kumpleto naman ang furnitures. Nasa tabi nito ang kusina. At sa tabi ng kusina ay pintuan na tingin ko ay ang banyo. Dahil sa isang nakabukas na pintuan ang kwarto.

Inilagay ko ang handbag ko sa maliit na mesa sa sala niya. Humarap ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang tutumba siya. Mabuti na lang at agad ko siyang nahawakan sa bewang at napaakbay siya sa akin.

“Bumalik ka na sa kwarto, Santino. Hilong-hilo ka pa,” wika ko.

Kahit na hindi ko isa-boses, talagang nag-aalala ako.

“M-Magluluto lang ako para sayo, Madam. O-Okay lang ako,” aniya sa namamaos na boses.

Umiling ako. “Hindi na. Ako na ang magluluto. Magpahinga ka na lang.”

“B-Bisita ka.” Bulong niya.

“Oo, pero wala akong paki,” saad ko.

Marahan ko siyang inalalayan papunta sa kwarto. Unti-unting humigpit ang kapit niya sa balikat ko. Siguro ay dahil nahihilo na talaga siya.

Nang makapasok sa kwarto ay bumungad sa amin ang hindi masyado kalakihang kama. The room smelled like Santino. Ang sarap sa ilong.

Agad ko siyang inihiga doon at saka kinumutan.

May tipid na ngiti sa labi niya habang nakapikit ang mga mata. Napatong sa noo niya ang kaliwa niyang braso.

“B-Ba’t mo ‘to ginagawa?” Paos na tanong ni Santino.

I stopped from lifting the blanket. I glanced at him. “I-I don’t know either.”

Hindi ko alam. Basta ang alam ko nag-aalala ako sa kanya. At gusto ko siyang gumaling.

Bumuntong-hininga ako saka kinumutan siya. I tapped his stomach. “Just stay here. I’ll cook.”

Tumango siya. “Sige, Madam. S-Salamat.”

Agad akong pumunta sa kusina niya at saka naghalughog ng pwedeng lulutuin. I cooked chicken broth.

Nang matapos ay muli akong pumasok sa kwarto niya with the broth. Marahan ko itong inilapag sa bedside table niya.

Nakabaluktot siya kaya marahan ko siyang tinapik sa balikat. “Santino.”

“Hmm?” Lumingon siya sa akin.

“Time to eat,” wika ko.

Tinulungan ko siyang bumangon. Pinasandal ko siya sa headboard ng kama. Tapos ay naupo ako sa tabi niya at sinubuan siya ng kanin at manok.

“H-Hindi mo naman kailangan ‘tong gawin, Madam,” aniya.

Umirap ako. “Kumain ka. Magpagaling ka kung ayaw mong gilitan kita ng buhay.”

He chuckled. Naiiling na tinanggap niya ang isinubo ko.

“G-Ganito ka ba mag-alaga, Madam? Nangbabanta?” he asked chuckling.

I rolled my eyes again. “Kumain ka na lang tapos manahimik ka.”

He chuckled and continued eating. “Pero aminin mo, Madam, nag-alala ka sa akin. Hinanap mo ‘ko, eh.” Bulong niya.

Oo, inaamin ko sa sarili ko pero ‘di ko aaminin sayo, gago ka ba?

“Gusto lang kitang dalhan ng gamot,” wika ko.

“Nag-aalala ka nga. Hindi mo naman ako dadalhan ng gamot kung hindi ka nag-aalala, ah,” aniya.

“Ang kapal ng mukha mo. Kumain ka na nga lang.” Asik ko.

“Pwede na talaga kitang asawahin, Madam.” Bulong niya. May ngisi sa labi niya.

I glared at him. “Mukhang ayos ka naman na. Subuan mo na ang sarili mo.” Namumulang sabi ko saka sinupalpal ang kutsara sa bibig niya tapos pinahawak sa kanya ang bowl.

Tumawa siya. Tinanggal niya ang kutsara mula sa bibig niya tapos ay inilagay sa bowl. “Ba’t ka namumula, Madam?”

“Hindi ako namumula. Aalis na lang ako—”

Agad niyang hinawakan ang braso ko saka pinabalik ako sa pag-upo. Tumatawang tiningnan niya ako.

“S-Subuan mo ‘ko, Darling. N-Nahihilo ako,” aniya.

Hindi ko alam kung umaarte lang ba siya o totoo ‘yon?

Bumuntong-hining ako saka umayos ng upo. Muli kong hinawakan ang bowl at kutsara. Saka muli siyang sinubuan.

Naniningkit ang mata niya sa pagpipigil ng ngiti. “Madam, ang ganda mo ngayon.”

Tumaas ang kilay ko.

Ngayon lang?

“Mukhang ayos ka na talaga, ah,” ani ko.

He giggled. Tapos at umiling siya. “Hindi, Madam, ah. Nahihilo pa ako. Ang sakit pa ng ulo ko. Kailangan ko pa ng alaga mo.”

Inirapan ko siya. Pinagpatuloy ko ang pagsubo sa kanya kahit pa namumula at naiilang ako.

“Alam ba ‘to nina Nanay?” tanong ko.

“Hindi. Huwag mo nang ipaalam para hindi na siya mag-alala,” saad niya.

I nodded. “Alright.”

Patuloy ko siyang sinubuan. Ramdam ko ang malalalim niyang titig sa akin pero pilit kong ipinagsawalang-bahala. Nakakailang dahil nagagawa nitong pag-initin ang mga pisngi ko.

Nang hindi ko na natiis ang sobrang katahimikan ay ako na ang unang nagsalita.

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Where stories live. Discover now