S I X

3.6K 263 5
                                    

“Bakit ka pa makikialam, ha?! ‘Di ko kailangan ng pera mo! Huwag mong ipamukha sa’kin na mayaman ka na rin gaya ng walang kwenta mong ama! Hindi ko kailangan ‘yan!” Bulyaw niya sa akin.

Lagi na lang. Lagi na lang niyang pinapamukha sa akin na kahit pa magkaroon ako ng lahat ng yaman sa mundo, wala pa rin akong kwenta. Pinapamukha niya sa akin na kahit pa kaya ko nang ibigay at bilhin ang lahat ng bagay na gusto niya ay hindi niya pa rin makikita ang halaga ko.

Ang Nanay ko, siya ang nagbigay aral sa akin na kahit pa pagmamahal hindi mabibili ng pera.

“Gusto ko lang naman ibigay ang lahat gusto mo. Gusto ko lang naman maramdaman mo na nandito pa ako!” sagot ko.

I am on the verge of crying. But I am Aileen Marie. Pain is my twin. Coldness is my character. Darkness is my home. Kaya hindi ako umiyak.

Hinampas niya ang mesa na nasa harap niya. Galit niyang tinapon ang perang inilapag ko sa mesa.

Hindi lang iyon basta-bastang pera, dahil iyon ang pinakaunang sweldo ko bilang isang Chef. Tuwang-tuwa pa ako nang makuha ito dahil si Nanay agad ang unang pumasok sa isip ko.

Pero, masakit… masakit makitang ang pinaglalaanan ko ng pawis at pagmamahal, hindi ako magawang lingunin o tingnan man lang.

Galit niya akong tinuro. “Kung sa tingin mo magagawa mo ‘kong kunin diyan sa pera mo gaya ng Tatay mo, pwes ‘wag ka nang umasa! Umalis ka na lang sa harapan ko! ‘Wag ka na lang din magpakita sa’kin gaya ng ama mo!”

“Nay, unang sweldo ko ‘yan. Binibigay ko sayo kasi ikaw naman ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Kaya sige na, tanggapin mo na ‘yan—”

Pinulot niya ang perang nahulog sa sahig. Akala ko ay kukunin na niya at tatanggapin. Sumidlak ang tuwa sa puso ko.

But my heart tore into pieces when she ripped those money that I’ve lent my whole heart with.

Sa halip na pigilan siya ay pinanood ko lang siya. Wala akong ginawa. Kung ‘yon ang ikasisiya niya, edi hahayaan ko siya. Kahit pa iyon ang pinakaunang achievement ko simula nang makapagtapos ako.

“Ilang ulit ko ba na sasabihin sayo na hindi ko ‘to kailangan?! Hindi ko kailangan ng pera mo! Hindi ko kailangan ng pera niyo ng Tatay mo! Pare-parehas kayong walang silbi!” Sigaw niya.

“Nay, marami kang mabibili sa perang ‘yan. Unang sweldo ko po ‘yan, Nay. Tsaka, naka-receive ako ng email galing sa butler ng reyna ng Britanya. Ang sabi ako ang magluluto para sa birthday niya at sa buong buwan pagkatapos ng birthday niya. Gusto rin sana kitang isama doon—”

She throw daggers at me. “Kung gusto mong umalis, umalis ka ng mag-isa! Bakit ka pa bumalik ha?! Hindi ba umalis ka na?! Ano pa’ng ginagawa mo rito?!”

“Hindi ka ba sasama, Nay? Maganda doon. Malamig sa Britanya—”

“Umalis ka na! Umalis ka na! Huwag mong ipamukha sa akin na mayaman ka na at kaya mo na akong bilhin—”

Pagak akong tumawa. “Nay, hindi kita binibili. Kaya ko na kasi, Nay, eh. Kaya ko nang ibigay ang hindi ko maibigay dati. Iyon lang ang paraan ko para mapansin mo ‘ko.”

She laugh humorlessly. “Kahit pa magawa mo nang ibigay sa akin ang buong mundo… hindi pa rin kita tatanggapin. Pinagsisisihan kong binuhay pa kita!” She spit those words like it was a venom.

Ramdam na ramdam ko ang galit niya. Hindi lang sa Tatay ko kundi sa akin din.

Bakit naman siya galit sa akin? Wala naman akong ginawa kundi ang mahalin siya.

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Where stories live. Discover now