CHAPTER FIVE

37 18 50
                                    

FaR:
Blood Type: B

Guys, sino ka blood type ni Rosé dito? Ang swerte niyo, ka-blood mate niyo si Rosé hahaha! Teka, may blood mate ba? Ang alam ko lang kasing 'mate' is; soulmate, classmate, block mate, batch mate, seatmate, house mate (Bahay ni Kuya), call mate, text mate, chat mate, gang mate, group mate, chicken meat, pork meat, fish meat, beef meat... Owky, move on na tayo, tinutopak na naman ako.


CHAPTER 5: All Alone




"ARE you sure you can do this alone? You won't need my help?" Paniniguradong tanong sa kanya ni Daniel sa pang-limang pagkakataon.

Binalingan niya ito at masamang tinignan dahil mas nakakadagdag lang ito sa kaba niya.

"Kung tatahimik ka'y natulungan mo na sana ako." Irap niya rito bago muling tinanaw ang isang rest house hindi kalayuan sa kinaroroonan nila.

"Tulong din naman ang paghatid mo sakin dito." Mahina niyang bulong. Nahihiya siya dahil sa dinami-rami ng pwede niyang hingan ng tulong ay ito pang taong halos laging kapatayan niya. Ang taong hindi niya pa makasundo sa lahat ng bagay. Ramdam niya ang paggalaw ng katawan nito kaya alam niyang narinig nito ang sinabi niya.

"Hindi ka ba natatakot na baka malaman ni Stanley ang mga binabalak mo?" Pag-iiba nito sa usapan. Napabaling siya rito at malakas itong binatukan na kina-aray nito.

"Gago! Pa'no niya malalaman e, tayong dalawa lang ang nakakaalam ng mga balak ko." Inis niyang saring dahil sa sinabi nito.

"Isa pa, mas gugustuhin mo pa bang bigyan ng problema ang taong yun e, alam mo namang may kinakaharap na malaking problema ang tao, mag-isip-isip ka nga minsan unggoy!" Hinila niya pababa ang suot na mini skirt para dun ibaling ang inis niya rito at sa kanyang suot.

"Wag mong paganahin 'yang ulo mo sa baba at gamitin mo 'yang ulo mo sa taas!" Gigil niyang dagdag nang makita kung saan ito nakatingin. "Eyes up here, asshole!" Muntik niya na itong mabato ng suot niyang stiletto dahil sa gigil at inis.

"What?" Tanga nito sa kanya. Hindi nakawala sa mga mata niya ang paglunok nito bago nag-iwas ng tingin, looking so guilty.

Hindi niya ito magawang pagalitan dahil sa pagtitig nito sa katawan niya. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa suot niyang crop top na nagpapakita sa kanyang makinis at halos perpektong tiyan na kita ang pusod, at isang mini skirt sa pang-ibaba na halos kaunting galaw niya lang ay makikita na ang kanyang panloob, isama pa ang kanyang mapuputi at mahahabang mga binti na nakalahad sa paningin nito. Definitely not Daniel. Not a guy like him.

Hindi na lang siya sumagot at pinabayaan ang ginawang pagtitig nito sa kanya. Hindi naman siya nababastos sa titig nito pero hindi din siya komportable dahil ngayon lang may ibang taong nakakita sa halos hubad niyang katawan.

Rinig niya ang pagtikhim nito bago umayos ng upo at tumingin na lang sa unahan.

"Sigurado ka bang yan lang ang susuotin mo?" Tanong nito na may halong pag-aalala. Hindi niya ito masisisi, hindi man siya isang conservative manamit pero alam ni Daniel na isa siya sa mga taong pormal manamit na malayong-malayo nga naman sa suot niya ngayong halos kita na ang kanyang kaluluwa.

Napabuntong hininga siya dahil sa tanong nito.

"Ito lang ang paraan para makapasok ako." Sagot niya sa tanong nito.

Dali-dali siyang napaayos ng upo at inayos ang sarili nang makitang may sasakyang paparating.

"Wag ka munang lumabas hanggat hindi lumalabas ang baklang sinasabi mo." Pigil nito sa kanya nang makita ang akmang paglabas niya.

LILYWhere stories live. Discover now