CHAPTER FOUR

34 17 52
                                    

FaR:

Zodiac Sign:. Aquarius
Chinese Zodiac Sign: Ox


CHAPTER 4: Setting Sun





NAKAKUNOT noo siya habang tinatanaw ang mga batang nagkakagulo. Pilit niyang tinatanaw ang kung sino na nasa gitna ng mga ito at inaaway ng mga batang nakapalibot rito. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mga ito habang nilalaro ang dulo ng tali sa kanyang buhok. Inis siya sa grupo ng mga ito dahil araw-araw na lang naghahanap ng gulo. Inis siya dahil napaka-isip-bata ng mga ito at wala ng ibang ginawa kundi maghanap ng gulo imbis na tumulong sa mga magulang nila.

Nang makalapit siya sa mga ito ay inayos niya ang kanyang sarili at hinanda ang kanyang malawak na ngiti.

Another mask to another lie again Lily. She silently told to herself.

Parang isang maamong tupa siyang nagtanong gamit ang mahinhin at maliit na boses, "Anong ginagawa niyo rito Pyerlyn?" Tanong niya gamit parin ang ngiti sa kanyang labi. Nahawi ang pagkumpol ng mga ito hanggang sa bumungad sa kanyang ang dalawang batang babae na nasa gitna.

Nakataas ang kilay na bumungad sa kanya ang mukha ng tinawag niyang Pyerlyn. Nasa gilid nito ang isang batang babae na nakakunot ang noo habang may masamang tinging pinupukol sa kaharap nitong si Pyerlyn na nasa kanya ang atensyon.

"Bakit? Ano sa tingin mo ang ginagawa namin rito Lina?" Mataray nitong sagot sa kanyang tanong. Nakahalukipkip ang dalawang braso nito sa dibdib habang sumasayaw sa hangin ang mahaba at itim nitong buhok.

"Tinatanong lang kita dahil hinahanap ka ni tita kanina." Sagot niya habang nanatiling nakapaskil sa kanyang maamong mukha ang mabining ngiti gamit ang maliit na boses. Saglit niyang sinulyapan ang batang katabi nito bago muling binalik ang atensyon sa kaharap.

"Totoo?" Paninigurado nito. Ramdam sa boses nito ang kaba habang tinitignan siya. Tinatantiya nito kung nagsasabi ba siya ng totoo habang marahan siyang tumatango rito bilang kumpirmasyon na nagsasabi siya ng totoo.

Totoo namang tinawag ito ng nanay niya, pero gusto niya lang talaga na paalisin ito dahil naaalibadbaran siya lagi sa presenya nito. Alam niyang takot ito sa nanay nito kaya alam niyang agad itong uuwi. Isa rin ay para tigilan na nito ang pang-gugulo.

"Halina kayo." Mataray parin nitong sagot bago siya nilagpasan. Napahimas siya sa gilid ng kanyang balikat dahil sa pagbangga nito sa kanya. Muntik na niya itong masabunutan kung hindi lang niya pinigil ang sarili. Kahit kailan talaga'y isip bata parin si Pyerlyn.

Binalingan niya ang batang ngayon ay nakatitig sa kanya habang nakakunot noo parin na parang hindi nagustuhan ang pagdating niya.

Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti kahit pa gusto nang tumaas ng kilay niya dahil parang hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pagpapaalis sa grupo nina Pyerlyn. Diba dapat nga't magpasalamat ito sa kanya dahil sa pagliligtas niya dito, kaysa bigyan siya ng pagkakunot noo.

"Inaway ka ba nila?" Tanong niya rito habang lumalapit.

"What?!" Ramdam niya sa boses nito ang inis. Nagpalinga-linga ito bago tumalikod sa kanya. Ni hindi man lang siya nito nagawang pasalamatan dahil sa ginawa niya, imbis ay nakita niya sa mukha nito ang pagkairita at yamot. Nakaramdam siya ng inis dahil sa inakto nito pero kinalma niya ang sarili at sinundan ito.

Kailangan niyang sanayin ang sarili na maging isang mabuti at mabait na bata. Alam niyang hindi niya na pwedeng pairalin ang kanyang pag-mamaldeta dahil wala na siya sa Malacañang na siya ang kinakatakutan ng lahat. Na siya ang sinusunod. Isa pa'y bago pa lang sa kanya ang lahat at kailangan niyang makibagay at sumunod sa agos ng buhay. Naipangako niya na sa sarili na kailangan ay wag siyang dapat na magtiwala bagkos ay dapat niyang kunin ang tiwala ng mga ito.

LILYWhere stories live. Discover now