CHAPTER ONE

65 21 67
                                    

FaR:

Stage name: Rosé
Birth Name: Park Chae Young
English Name: Roseanne Park
Nickname: Rose, Rosie, "Pasta"


CHAPTER 1: Little Girl





"DADDY, do the monster will still take my heart?" The six years old little girl asked her dad with eyes full of curiosity and fear.

She looked and acted in an innocent way. The only Princess of the Marcos Clan.

Gamit ang inaantok na mga mata'y pilit niyang tinunghay ang amang humahaplos sa kanyang buhok.

Napabuga ng hangin sa kanyang bibig ang kanyang ama dahil sa tanong ng kanyang anak na paulit-ulit. Nasasaktan siyang makitang ganito ang kanyang nag-iisang anak sa tuwing gumigising at bago matulog. Isang musmos na walang muwang sa kung ano ang mundo. Hindi niya ito gustong mangyari sa anak pero ito lang ang paraan para maprotektahan ito.

"Yes my princess, the monster will still take your heart. All you need to do is be a good girl and don't try to go outside the palace or else, the monster will take your heart and eat you. Do you want that?" Sagot niya. Paulit-ulit na tanong at paulit-ulit na sagot ang laging nangyayari sa kanila sa oras nang pagtulog nito. Kaya ang lagi niyang ginagawa ay tinatakot ito para h'wag ng magpumilit na lumabas pa.

Hinawakan ng kanyang anak ang kanyang kamay para matigil sa pag haplos sa buhok nito.

"But daddy, tommorow is my birthday. Nanay Menda told me that if I reach my 7th birthday, I can go outside the walls whenever I want because I will be start going to school. Can you asked the monster to be good to me daddy?" Pagsusumamo nito.

"You're the Father of our country right? Please daddy, I really want to see what's outside the palace." Dagdag nito ng hindi siya makasagot. Hindi niya na napigilan pa ang pag-upo nito habang nakadikit ang dalawang palad na kumikiskis at nagpapaawa ang mga matang nakatingin sa kanya.

"My princess, you are not just an ordinary person. I can't let you go outside. Do you still remember why you can't go outside the walls?" Pagsusumamo niyang tanong rito dahil nahihirapan siya sa bawat sagot na binibigay niya sa anak na ikakasakit ng loob nito.

"To...protect me." Mahina nitong sambit at dahan-dahang binaba ang mga palad. Nawala ang antok sa mukha nito at napalitan ng lungkot.

"Yes, to protect you. And yes, I am the Father of this country, it means there are too many monsters wanted to hurt you, and I am your Father, I mean to protect you at all cost. Ikaw na lang ang nag-iisang dahilan kung bakit ako nabubuhay hanggang ngayon Lily. Please, don't let any harm befall on you or it will be the death of me." Pakiusap niya sa anak. Alam niyang hindi naiintindihan ng anak ang ibig niyang sabihin, pero sapat ng naiintindihan nito na ginagawa niya ang lahat upang maprotektahan ito.

Hindi niya na nanaisin pang maranasan ng kanyang anak ang naranasan ng kanyang yumaong asawa ng dahil sa kanyang katayuan. Hinding-hindi niya hahayaang pati ang kanyang nag-iisang anak ay mawala sa kanya.

"Daddy, I really want to have a glimpse what's outside the Malacañang palace. I feel lonely everytime you're not here, and I've been curious about what's life outside. About the life you serve for our country. But I know, you only did this to protect me and I don't want you to be hurt because of me daddy. I love you." Ginagap nito ang kanyang kamay at inihaplos sa pisngi nito habang nakatingin sa kanya ng puno ng pagmamahal.

"I love you too princess." Buong pagmamahal niyang saad rito.

"Can you ask the monsters to let you stay tommorow on my birthday? I promise daddy, I won't asked anymore about going outside the walls. Please, can you stay on my birthday? Even just this...once?" Unti-unting humihina ang boses nito habang nababahiran ng lungkot ang mga huling kataga.

Hearing her daughter's voice with full of sadness is really breaking his heart.

Hindi niya kayang tignan ang mga mata nitong pilit pinipigilan ang mga luha. Hindi niya kayang tignan ang anak na puno ng lungkot at sakit ang mga mata. Alam niyang hindi siya nagkulang sa pagprotekta sa anak, ngunit alam niya rin sa sarili na puno siya ng pagkukulang sa anak bilang ama.

"I will try my princess, I will try."



EVERYONE is busy preparing for her birthday. It is not an intimate birthday nor a birthday party, it is just a birthday celebration with the palace servants prepared for her. For her 7th birthday.

Her special day where her father cannot come.

Wala ang kanyang ama dahil dadalo ito sa isang Summit at ngayong araw ang alis nito. Alam niyang kahit gawin na ng kanyang ama ang lahat makadalo lang sa kanyang kaarawan ay imposible nang mangyari. Her father is busy doing his duty and serving the country, for he is the 21th President of the Philippines. He is doing his duty to protect the country...and to protect her.

Nais ng kanyang ama na maging engrande ang kanyang kaarawan kahit na wala ito. Pero ano pa nga ba ang magagawa nito kung ang hiling ng kanyang anak na makadalo siya sa kaarawan nito ay hindi niya magawa. Kaya naman bilang pangtakip sa hiling nito na hindi natupad ay gusto nitong huwag na lang ipagdiwang ang kaarawan.

Bilang ama ay gumawa pa rin siya ng paraan para maging masaya ang anak sa kaarawan nito.


TANGHALI na ng magising si Lily. Hindi niya naabutan ang pag-alis ng kanyang ama. Nag iwan lamang ito ng isang sulat kasama ang isang maliit na kahong kulay-pula na hindi niya man lang binuksan o binigyang pansin. Nagtatampo siya dahil hindi man lang natupad ang pinaka gusto niyang regalo sa bawat pagdating ng kanyang kaarawan.

Nakakalungkot isiping ang lahat ng ginagawa ng ama para sa kanya ay siya rin ang dahilan kung bakit siya nag-iisa.

Tamad na tamad siyang bumangon at tinignan ang sarili sa salamin na kanyang na daraanan.

"Happy birthday Lily." Mahina niyang turan sa sarili habang may ngiti sa labi.

Isang tunay ngunit malungkot na ngiti.

Hindi niya maiwasang tignan ang sarili sa salamin. She looked so innocent and fragile. Her pale skin shows that the sunbeams rarely touch her skin. Her face and eyes that are very innocent and can make someone drown deeply is being keep since the day she's born.

She is a good daughter...

When at his father's presence.

Napukaw siya dahil sa marahang tatlong katok sa kanyang pinto bago ito nagbukas, "Miss Lily, we will ready your bath and clothes now." Marahang pahayag sa kanya ng kanyang nanay Menda. Nasanay siyang ipaghanda ang lahat sa kanya lalo na kung siya ay gising na. Ayaw niyang pinaghahanda ang lahat kung saan siya ay tulog pa dahil nais niyang makita ang lahat ng paghahanda ayon narin sa turo ng kanyang ama bilang pag-iingat.

Hinahayaan niyang tawagin siyang 'Lily' ng mga tao sa palasyo kapag naroroon ang kanyang ama pero tinatawag siya ng lahat na 'Miss Lily' pag wala naman ang kanyang ama. Pinaparusahan niya ang lahat na nagkakamali kaya takot na takot sa kanya ang lahat ng nasa palasyo.

Tahimik siyang tumalikod sa mga tagasilbi at kinuha ang kanyang kulay asul na panali. Ang panaling nag-iisang alaala niya sa kanyang ina.






LILYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon