Tuluyan na akong natawa sa tinuran ni Marites. Grabe tong babaeng to.

"You don't have to know---di mo pala talaga kailangan malaman kasi di ka naman kasali diba tita doll hehe" Ani Sofie.

----

Hapon na ngayon at bumalik na kami sa bahay nila Lola. Tulala lang ako sa kwarto ko habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan nanduon si calixian at si Valerie. Pagkarating kasi namin dito ay naghihintay pala si Valerie kaya magkasama ang dalawa ngayon.

Wala naman talaga akong pake kung magsama sila. Pero kasi naiisip ko rin na talagang tumataas ang edad ni Calixian at ni isang babae man lang wala siyang sineryoso. Paano nalang siya mag aasawa? Tatanda nalang siguro siyang binata dahil sa mga kagaguhan niya sa buhay. Wala naman din akong planong magpakasal sa lalaking yan noh! Kaya ngayon nag iisip na ako ng kung anong pwedeng gawin para kung sakali mang seryosohin nilang ipakasal kami ay makatakas ako agad. Sino ba namang gusto maikasal sa lalaking babaero aber? Mga tanga lang ang papatol kay Calixian. Tsk.

"Ba't hindi mo puntahan? Wala ka bang gagawin? Titignan mo lang siya na nambababae?"

Sa sobrang lutang ko di ko namalayan na nakapasok na pala si lola sa kwarto.

"Lola, si Lolo ba at yung daddy ni Calixian babaero rin?" Tanong ko.

Tumawa naman siya

"Di ka pa nasanay sa mga lalaki Haha syempre nambababae rin ang mga yan pero magseryoso rin naman pagdating nila sa tamang edad. Si Calixian kasi sumobra. Kaya hinihingi ko ang tulong mo hija. Baka sakaling mabago mo siya. Ikaw lang naman kasi ang babaeng nakikita ko na hindi naapektuhan sa charms ng apo kong yan--hmm minsan ba naapektuhan ka rin hija? Aminin hihi"

Napa face palm nalang ako kay Lola.

"Lola talaga. Di tumatalab saakin yang pagpapa cute ng bruho na yun noh! Never. Kung mangyari mn yun aba! Isa't kalahating tanga na ako" Sagot ko na ikinatawa niya.

"Hinay hinay sa mga salita. Baka mamaya kainin mo lang yang mga pinagsasabi mo HAHA"

Napangiwi nalang ako sa tinuran ni lola.

---
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nang makitang maayos na ang itsura ko ay agad na akong bumaba para sa dinner. Pagkababa ko palang ay rinig na rinig ko na ang lakas ng boses ni Nathan.

Nandito na pala siya?

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad Hanggang sa nakarating ako sa dinning room. Ngunit napangiwi naman ako ng makitang nandito si Valerie.

Ano pa bang ginagawa niya dito?

"Felishia babes hihi, halika dito kain na tayo!"

Nabaling ang tingin ko kay Nathan ng tawagin niya ako.

Tinignan ko muna kung may space pa ba sa gilid ni Calixian dahil kailangan ko munang magpanggap ngayon na mabuting fiancee sa harap nilang lahat specially sa Valerie na to.

Nang makita ko na may space pa naman sa tabi ni Calixian ay ngumiti ako sa kanya ng napakatamis saka umupo sa tabi niya.

"Hi babe" nakangiti kong bati kay Calixian sabay lingkis sa mga braso niya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

Napangiti naman ako ng makitang gulat na gulat siya sa ginawa ko.

Di mo inexpect yon noh? HAHA

Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon