Kinuha ko muna yung jacket ko bago lumabas. Pagkabukas ko ng gate ay isang Van ang nakita ko imbis na isang itim na kotse.

Kumunot ang noo ko ng ilabas ni Jin yung ulo nya mula sa Driver seat at nalaki yung mata nya ng makita ako.

 

"Dana?" takang tanong nya. May nagbukas nung isang bintana at iniluwa noon ang ulo ng Jimin at Raven.

"Hala Dana! Anong ginagawa mo dito sa bahay nila Stephen? Live in na kayo?" sunod sunod na tanong ni Jimin sa akin. Ibinuka ko na yung bibig ko para sumagot ng dumaan si Stephen sa gilid ko at ipinakita sa kanila yung sketchpad nya.

"Stephen naman! Napag-usapan na natin to di ba? Sasama ka!" maktol ni Jin. Dahil nakatalikod sa akin si Stephen ay hindi ko alam kung anong nakasulat doon. Nakita kong umiling si Stephen kaya lalong naging Biyernes Santo ang mukha nila. Binuksan ni Jimin yung pinto ng Van at lumabas, sumunod naman si Raven at Jin.

"Minsan na nga lang tayo pumunta doon eh!" pangungumbinsi ni Raven pero muling umiling si Stephen. Mukhang may lakad sila pero dahil iniwan kami nila Mam Saira ay hindi sya makakasama.

Tinanggal ni Stephen yung takip ng marker nya at inilipat yung sketchpad nya bago magsulat.

"Si Dana lang ba? Isama natin! Di ba Dana? Sama ka sa amin!" sabi ni Jimin sa akin. Hindi ko naman sila maintindihan. Napatingin ako kay Stephen na nakatalikod pa rin sa akin ngayon. Hindi ko pwedeng iwan yung bahay, isa yun sa pinagbilin ni Mam Saira. Kung aalis daw kami at magtext muna sa kanya.

Tumingin ako kay Jimin at nakita kong nakangiti sya. Madilim pa ang kalangitan pero sapat na yung ilaw sa mga poste para makita kong nakangiti sya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Stephen at nakatingin sya na sya sa akin.

"Dali na!" sabi ni Raven habang niyuyugyog yung balikat ni Stephen. Inalis nya yung pagkakahawak sa kanya ni Raven at nagsulat sa sketchpad nya.

They will not stop until we agree. Can we come?

Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Nagpapa-alam ba syang sumama kami?

"Saan ba?" tanong ko. Nakita kong nabuhayan ng dugo yung tatlo. Nagsulat ulit si Stephen.

 

Tagaytay

"Hala! Tagaytay? Ang layo! Tsaka baka magalit si Mam Saira kapag nalaman nya umalis tayo. Isa pa lakad nyo ata yan eh, ikaw na lang ang sumama" sagot ko. Ayoko namang makagulo sa kanila no?

"Hala hindi ok lang. The more the merrier" sabi Jimin na sinang-ayunan nung dalawa pero umiling ako.

"Kayo na lang, Ok lang ako dito." sagot ko tsaka ngumiti sa kanila. Nagsulat ulit si Stephen at biglang nagpapadyak sila sa lupa.

Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now