DELETED SCENE: PART THREE

59 10 0
                                    

THE NEVER ENDING
'BARDAGULAN MOMENTS'
OF RONALYN AND CYRUZ:

Third Person's Points Of View:

Chapter 12.

Dre, nasa cafeteria si Terrence.” pabulong na saad ni Nicco kay Cyruz.

Hindi na sana s'ya papansinin ni Cyruz nang bigla ulit magsalita si Nicco.

Sabi sa'kin ni Dexter kanina, maaga raw nagpunta dito yung pinsan mong yon tapos ipinagtanong sa mga estudyante dito kung anong nangyari sa inyo nung babae na naka-away mo sa Cafeteria nung araw na nandito s'ya.muling saad ni Nicco at sinenyasan naman s'ya ni Cyruz na nagpatuloy sa pagsasalita.

K-kaso may kumakalat na chismis na nahanap mo na raw ang katapat mo sa katauhan ni R-ronalyn at si Ronalyn daw ang tumunaw sa nagyeyelo mong puso pfft! At nalaman yun ni Terrence, kaya panigurado gagamitin n'ya si R-ronalyn laban sa'yo.” nagpipigil ng tawa ngunit kinakabahan pa na dagdag ni Nicco.

“Cyruz!sigaw nilang dalawa ni Angelo nang biglang tumayo si Cyruz at lumabas ng classroom nila kaya kaagad nila itong sinundan.

“S-si Terrence.” bulong pa ni Nicco kay Cyruz nang makita nila ito na nakatayo malapit sa entrance ng cafeteria.

Damn! inis na sigaw ni Cyruz sa kan'yang isipan nang makita n'ya kung saan nakatingin si Terrence, nakatingin ito sa naglalakad na si Ronalyn.

Nang dumating na ang order ni Ronalyn ay pumasok din si Terrence sa loob at akmang lalapitan ang payapa na kumakain na si Ronalyn kaya kaagad kumilos si Cyruz at inagaw yung maputik na sapatos na dala-dala nung lalaking naka-uniporme na pang-soccer.

Dali-dali namang pumasok si Cyruz sa loob ibinato sa pagkain ni Ronalyn yung maputik na sapatos, hindi n'ya kasi kayang saktan si Ronalyn kaya yung mangkok na lang ng kalderetang kinakain ni Ronalyn ang binato n'ya.

Nakita n'ya naman na natigilan si Terrence sa paglapit kay Ronalyn kaya nakahinga s'ya nang maluwag.vAt mas napangisi pa s'ya nang mapansin na lumabas na ng cafeteria si Terrence.

Fvck shit! galit na pagmura n'ya dahil biglang ibinato sa kan'ya ni Ronalyn yung mangkok na may kaldereta.

YOU'LL REGRET WHAT YOU'VE DONE TO ME, MS.DEL VALLE! I SWEAR!galit na galit na sigaw ni Cyruz sa nakatalikod at papalayo na ngayon na si Ronalyn.

Tumigil naman sa paglalakad si Ronalyn tsaka hinarap s'ya.

ETO KA ROSWELL!pabalik na sigaw ni Ronalyn sa kan'ya tsaka s'ya binigyan ng dirty finger.

“Wala, dre. Mas matindi pa yata si Ronalyn na kalaban kesa kay Terrence eh HAHAHAHAH!natatawang biro ni Nicco sa kan'ya at kusa naman naitikom ni Nicco ang bibig n'ya nang samaan s'ya nsng tingin ni Cyruz.

Sinundan na lang naman nila si Cyruz nang lumabas ito ng cafeteria at dumeretso sa private room nila.

Naiwan sila Nicco dun sa may sala at umo-order ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant sa school nila samantalang si Cyruz naman ay dumeretso sa bathroom.

LOVE WAR (Cyruz and Ronalyn's scenes)Where stories live. Discover now