DELETED SCENE PART SEVEN: Ronalyn and Cyruz's Scenes

42 4 0
                                    

THE BREAKFAST SCENE
[Chapter 38]

Nang makalabas na nang tuluyan sina Nicco, Ainiella, Angelo at Lourdes ay tsaka nailabas ni Cyruz ang kanina niya pang pinipigil na ngiti.

I’ll have a breakfast with her for real? Oh, thanks God! You’re so kind! ngiting-ngiti na pasasalamat ni Cyruz sa kaniyang isipan tsaka iniiwas na ang paningin sa pintuhan.

Bigla namang napawi ang mga ngiti niya nang muling tumama ang mga paningin niya roon sa isang picture frame na nakapatong sa may drawer malapit sa kaniya. Muling tumalim ang mga mata at umigting ang mga panga niya habang nakatitig dun sa picture frame. Sa tingin niya ay 3 years ago pa nakunan ang litrato ni Ronalyn na iyon. Nakangiti nang paglaki-laki si Ronalyn kaya nagsilabasan lahat ng dimples niya habang nakayakap ang mga braso niya dun sa leeg ng isang lalaki na nakangiti ‘man ay halatang nahihirapang huminga.

Tsaka naman ibinaling pa ni Cyruz ang paningin sa isa pang picture frame na katabi nito. Si Ronalyn din yun at yung lalaki, iba naman ang pose nilang dalawa dito. Pareho silang nakakulay black na formal attire at nakakaangkla ang kamay ni Ronalyn sa braso nung lalaki.

Who the hell is this guy?! umiigting pa rin ang mga pangang tanong ni Cyruz sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan nang masama yung lalaki sa picture.

He looks kinda familar tho. saad pa ni Cyruz dahil parang nakita niya na ito noon, hindi niya lang matandaan kung saan.

Nawala naman ang atensyon niya dun sa picture nang may marinig soya mula sa kusina.

Umayos naman nang tayo si Cyruz at nakapamulsang naglakad papunta dun.

Napatigil naman siya dun sa may pinto ng kusina nang makita si Ronalyn na nakatalikod sa kaniya at may kinukutingting sa cellphone niya.

Napangiti naman niyang pinagmasdan ang itsura ni Ronalyn.

Naka-pajama na kulay puti si Ronalyn, naka-kulay abo na tsinelas na pantulog at kulay itim na sando na medyo hapit sa kaniyang katawan kaya kitang-kita ang korte at hugis ng katawan nito. Nakatali ng lahatan ang buhok na gulo-gulo kaya lantad na lantad ang balikat, leeg at dibdib niya.

Napailing naman bigla si Cyruz sa kaniyang naisip at iniiwas ang paningin sa katawan ni Ronalyn.

At muli siyang napaayos nang tayo at lalong napatago sa gilid ng pintuan ng kusina nang ilapag na ni Ronalyn ang cellphone niya sa lamesa at hinarap ang microwave.

Why am I hiding?! asik ni Cyruz sa kaniyang isipan.

Napapailing naman na napangiti si Cyruz nang magsimulang tumugtog ang intro ng ‘Love Sick Girls’ ng Black pink.

At lalo pa siyang ngumiti nang makitang sumasabay sa kanta at sayaw si Ronalyn.

“We are the Love sick girls!” pagsabay pa ni Ronalyn sa kanta at sayaw habang hinihintay ang ini-re-reheat niya na pagkain.

Nag-iba naman ang tugtog mula sa Love Sick Girls ay napunta sa ‘Dynamite’ at ‘Mic Drop’ ng BTS na sinasabayan din ng pagkanta, pagsayaw at ngayon ay pagra-rap ni Ronalyn.

She’s indeed talented. Fine as hell! napapangiti pang saad ni Cyruz sa kaniyang isipan. Isinandal niya ang balikat sa pader at ipinag-cross ang mga kamay niya na tinititigan si Ronalyn.

Tsaka niya lang napansin na TikTok sounds  pala yung pinapatugtog ni Ronalyn kaya saglitan lang yung mga kanta at papalit-palit ito.

Damn it! napasigaw bigla si Cyruz sa kaniyang isipan nang biglang naging ‘Pretty Savage’ ng Blackpink ang sunod na tumugtog.

LOVE WAR (Side Stories)Where stories live. Discover now