Hindi pa siya nakakalabas nang biglang bumukas ulit ang pinto. Nakita ang lalaking nakasuot ng black maong pants at iginilid ang mga maletang dala niya sa pinto nila. Bahagyang namulagat ang mata ko sa umereng napakalambing at malalim na boses ng lalaking tumawag sa pangalan ni Caleb.

Napanood ko ang pagtalon-talon ni Caleb at unat na unat ang braso sinalubong ang lalaking tanging hanggang didbib lang ang nakikita ko.

“Papa! I miss you!” Kumapit siya sa baywang ng tinawag niyang papa.

“Oh, anak. Sinabihan mo sana kami ni Caleb para nasundo ka namin kahit sa bayan man lang sana,” sabi ni Miss Aira at tumingkayad pa para yakapin ang papa ni Caleb.

Nakatagilid ang mukha nito sa camera na nakatutok sa kanila. Clean crew cut ang gupit ng buhok at mataas ang bridge ng ilong.

Pagkahiwalay ng yakap ni Miss Aira ay bumalik sa dibdib niya na tanging ang kulay red lang ng kaniyang t-shirt ang napapansin. Mas lumabas pa ang kaniyang kaputian dahil sa kulay ng suot.

Inalis ko ang tingin sa camera. Nginingitian kong nilalaro-laro ang kamay ni Rosette na binubuksan at sara.

“Papa, si Teacher Ruth kasama baby niya.”

Sandali akong nag-angat ng tingin dahil narinig ko ang boses ni Caleb. Pinanatili ko ang ngiti kong napatango, hindi ako makakaway dahil hawak ko si Rosette.

“Teacher Ruth, si papa ko,” pakilala ni Caleb sa papa niyang nasa kaliwa niya.

“Good evening, Mister. . .” alanganin kong sabi, hindi alam kung ano ang itatawag sa kaniya.

“Kalen,” pakilala niyang itinuro pa ang sarili at sumilay ang ngiti niya. “Nice meeting you, Teacher Ruth at thank you pala sa pagtuturo mo kay Caleb.”

Parehas sila ni Caleb na may nunal sa ibaba ng kanilang mata, pero iyong kay Kalen ay nasa baba ng kaniyang lower eyelid.

“It's my pleasure to teach him,” sagot kong ibinalik ulit ang ngiti.

“Behave naman siya?” tanong niyang umakbay kay Caleb.

Tumango ako bilang sagot pero parang hindi niya nakita dahil wala sa akin ang tingin nito. Sinimulan namang laruin ni Caleb ang daliri ng kaniyang papa.

“Caleb, hindi ka naman magulo kapag tinuturuan ka ni Teacher Ruth?” Ipinadaan niya ang kanang kamay sa buhok ni Caleb.

“Behave ako, papa.”

Tumaas nang kaunti ang kilay at nanliit ang isang mata niya, hindi makapaniwala. Tumango-tango naman si Caleb, itinaas pa ang kanang palad.

“Totoo ba iyon, Ma'am Ruth?” baling sa akin ni Kalen para kumpirmahin.

“Behave siya at saka lang nagdadaldal kapag after na ng session namin,” sagot kong tinanguan niya ako. Ginulo-gulo niya ang buhok ni Caleb, parang proud pa siyang masaya base sa ginawa niya at ukit ng ngiti.

Naiipit ako bigla. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Tumayo ako para ibalik sa stroller sandali si Rosette. Mahina akong tumikhim at nagulat pa ako dahil parehas kong nakuha agad ang atensyon nila noong bumalik ang tingin ko sa kanila. Hindi ko naman na pinalampas pa kaya nagsalita ako.

“Ba-bye, Caleb, Miss Aira at sa iyo rin Mr. Kalen. I-e-end call ko na para makapag-bonding kayo riyan.”

“Teacher Ruth, bisita ka rito sa bahay. May bigay akong chocolate para sa iyo at kay baby mo.”

Ngumiti lang ako. Nahagip ng mata ko ang pagtakbo ni Manang Ester patungo sa pinto. Tunog naman ng pagsarado ng pintuan ang narinig pagkatapos at ang huni ng susi, senyales na si Aziel ang dumating.

A Day at a TimeWhere stories live. Discover now