Chapter 45

268 16 0
                                    

Guilt and pain. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay puro pagsisisi at sakit. Totoo nga talaga na nasa huli ang pagsisisi. Yong pakiramdam na kong kailan pa naging komplikado ay tsaka mo lang mari-realize ang lahat. Pinili ko ang makakabuti para sa akin pero ito lang din pala ang dudurog sa akin.

Hindi lahat ng tamang gawin ay nakakabuti sa atin, ito ang rason minsan na mapasama tayo pero meron ding mga gawain na masama pero ito ang piniling gawin dahil ito ang makakabuti. At mas pinili ko ang makakabuti kahit man masakit ito sa akin. I choose to make my pride high because of my anger towards him kaya hindi ko siya agad pinatawad dahil akala ko yon ang makakabuti.

I didn't think of the consequences of my decisions. Maling mali na nagtanim ako ng galit sa puso ko. Kong kailan na handa ko na siyang patawarin ay tsaka pa ito mangyayari... tsaka ko pa maiisip na patawarin siya ng tuluyan. Despite of all the pain that he caused me, I still love him. Ang mga taong nagkasala sa atin ay pwedeng magbago...hindi naman ibig sabihin na dahil nagkasala sila o nasaktan nila tayo ay wala na silang karapatan magbago at bigyan ng kapatawaran.

And I think Jaxson deserves it...he deserve a chance. Wala din naman akong magagawa dahil kahit anong gawin ko, even if I deny that I don't love him, I know in my heart and my mind that it's still him...I still love him. I love him as always.

Abala lang ako sa pagmamaneho papunta sa ospital kong saan dinala ang mga sakay ng plane na nag crash. Kasama ko ngayon si Talitha na bakas din ang kaba at pag-aalala sa mukha. I'm so preoccupied. Gustong gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko dahil nagmamaneho ako. Hindi ko alam kong anong gagawin ko kong sakaling ano ang madatnan namin doon sa ospital. I can't help but to overthink.

Paano kong? Paano kong...

Halos lumabas ang kaluluwa ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko at sigaw ni Talitha. Agad akong pumreno at napapikit. Naghintay ako kong kailan babangga ang kotse ko sa isang puno. Wala akong narinig na pagbangga kaya dahan dahan akong napamulat habang nanginginig. Lumingon ako kay Talitha at wala sa oras na napaiyak. Thank God, okay lang siya...okay lang kami.

Agad naman akong niyakap ni Talitha at hindi ko maiwasan na mas lalong maiyak. Muntik na kaming madisgrasya.

"Tals, I'm sorry. I'm so so sorry." panay ang hingi ko ng tawad kay Talitha habang umiiyak dahil sa katangahan ko.

Panay naman ang haplos niya sa likod ko para pakalmahin ako.

"Shhhh...it's okay. Ang importante okay tayo."

Panay lang ang iyak ko. Ng kumalma na ako ng kaunti ay pinaharap naman ako ni Talitha sa kanya. Pinahid niya ang mga luha ko.

"Ako na ang magmamaneho." sabi niya at agad naman akong tumango habang hindi pa din matigil sa pag-iyak.

Lumabas kaming dalawa ng kotse para magpalit ng pwesto. Pumunta ako sa shotgun seat at siya naman ay sa driver's seat.cNg tuluyan ng pinaandar ni Talitha ang kotse ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagtulo at hindi din matigil ang pag-iisip ko.

Lalo pa ng marinig ko sa radio dito sa kotse ang tungkol sa mga namatay. Marami ang namatay at konti lang ang naka survive dahil sa lakas ng pagka crash ng plane at agad na pag-aapoy nito. Pinatay naman kaagad ni Talitha ang radio ng mapansin niyang hindi ako matigil sa pag iyak.

Paano kong hindi nakaligtas si Jaxson? Ano ng gagawin ko? Kong pinatawad ko ba agad siya hindi to mangyayari? Kong hindi ko pinataas ang pride ko ay nandito pa siya ngayon kasama ko at okay na kami? Pakiramdam ko kasalanan ko. Kong may mangyaring masama sa kanya ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Pagsisisihan ko buong buhay ko.

Ng dumating kami sa hospital ay agad na kaming bumaba ni Talitha. She held one of my hand. Halos hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Parang gusto ko nalang na umatras pero hindi ko magawa dahil kailangan kong puntahan si Jaxson...kailangan ko siyang makita.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now