Chapter 20

286 15 0
                                    

Parang gusto ko nalang sumigaw at umiyak dahil sa sobrang malas ko sa araw na to. Una ay nakuha ni Jaxson ang first kiss ko! pangalawa ay nauntog ang noo ko kanina sa pinto ng classroom namin dahil sa pagkalutang ng isip ko habang papasok kaya tinawanan ako ng mga classmates ko at inasar na kaya daw ako wala sa sarili dahil sa kiss kanina.

 Kainis!

Papunta kami sa parking lot ngayon. Pagkarating sa parking lot ay napasabunot nalang ako sa buhok ko ng matapilok ako.

"Aray! Arghhh!"

"Dahan dahan kasi." sabi ni Janica.

Napatingin naman ako sa mga kotse na nakaparada  sa parking lot. Nandito pa ang kotse ng dalawa kong tukmol na kapatid. Wala pa sila kaya malamang hindi pa tapos ang klase nila dahil minsan matagal ang uwian ng mga senior high kaysa sa mga junior high na katulad namin.

"Punta kaya muna tayo sa seven eleven habang wala pa ang mga sundo natin, nagugutom ako." sabi ni Shantal at tumingin naman ako sa kanya.

"Libre mo?" tanong ko pa at ngumiti.

"Kanya kanya tayo uy." sabi niya kaya napasimangot ako.

"Eto naman libre lang, ang damot damot." sabi ko at inirapan siya.

"Ang dami mo kayang pera." sabi pa niya at napakamot naman ako sa ulo ko.

"Wala akong pera ngayon eh, nakalimutan ko ulit humingi ng allowance sa Daddy at Mommy ko." sabi ko at ngumuso na parang bata.

"Libre kita." napalingon ako kay Amari ng magsalita siya.

"Talaga?" tanong ko at ngumiti naman siya at tumango kaya nayakap ko siya sa tuwa.

Ikaw ba naman ang ililibre diba? eh di goraaa na!

"Thank you, beshywap Amari!" sabi ko pa.

"You're welcome." sabi niya at nag high five pa kami at tuluyan na kaming naglakad papuntang seven eleven.

Malapit lang sa school ang seven eleven kaya pwede lang lakarin.

"Ang buraot mo." sabi bigla ni Janica pero inirapan ko lang siya.

"Inggit ka lang dahil ililibre ako ni Amari." sabi ko at nag flip hair pero nag tsk lang siya.

Napaka ma-attitude talaga ng babaeng to! mas ma- attitude pa sa akin.

Buti nalang talaga si Amari mabait. Si Amari yong tipong mahiyain at mabait. Si Shantal naman ay maingay na iyakin at si Janica ay tahimik, palaban, at seryoso sa buhay.

Habang ako naman ay maingay na palaban idagdag mo pa ang kagandahan ko, ganda ng paa charot!

"Nga pala Janica, sleepover naman tayo sa bahay niyo. Miss ko na si grandma at grandpa mo." sabi ko habang nakahawak sa isang braso ni Amari na akala mo unggoy na kapit na kapit.

Lumaki si Janica sa lolo at lola niya dahil broken ang family nila. Kong tatanungin naman namin kong kilala ba niya ang parents niya ay sasabihin lang niya na wala siyang parents.

Hindi siya pala- share na tao. Kahit nga may problema siya ay hindi niya sinasabi sa amin at sinasarili lang niya at kailangan pa namin siyang kulitin hanggang sa sabihin niya.

Si Shantal naman ay happy go lucky na tao at vocal din siya sa nararamdaman niya.

Habang ako, aba'y ewan ko basta nabubuhay ako sa ibabaw ng earth, go with the flow lang ganern.

"Huwag muna, ang ingay niyo pa naman ni Shantal at busy ako." sabi niya.

"Anong busy ka diyan? ano namang pinagkaka-busyhan mo?" tanong ko.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now