Chapter 24

207 10 0
                                    

Nakaupo lang kami ni Janica at Shantal sa tatlong upuan habang nakatingin sa kabaong ni Clint. Walang sinuman ang nagsalita sa amin. Tanging ang ingay lang ng mga tao na nakiramay at nag-uusap ang naririnig namin.

Sabay kaming napalingon sa mommy ni Clint ng lumapit ito kay Shantal.

"Shantal hija, kanina ka pa hindi kumakain. Mabuti pa sabayan mo kami ng tito mo kumain." sabi ng Mommy ni Clint at bahagyang ngumiti.

Ngiti na makikita mo pa din ang lungkot.

"Salamat po tita pero hindi po ako nagugutom." sabi ni Shantal at hinawakan naman ng mommy ni Clint ang kamay niya.

"Hija, alam kong may naging hindi kayo pagkakaunawaan ni Clint pero maniwala ka, mahal na mahal ka niya at panigurado na ayaw ka niyang nakikitang nagkakaganito kaya sige na, samahan mo na kaming kumain ng tito mo." sabi ng mommy ni Clint at tumingin pa muna sandali si Shantal sa amin at tinanguan naman namin siya.

Tuluyan na siyang tumayo habang magkahawak ang kamay niya at kamay ng mommy ni Clint at naglalakad paalis. Nagpaalam naman muna ako kay Janica para pumunta ng cr dahil naiihi ako.

Palakad lakad lang ako habang hinahanap ang cr dahil andaming mga kwarto dito sa bahay nila at hindi ko alam kong saang banda. Sobrang naiihi na talaga ako kaya wala akong magawa kundi ang magpapadyak padyak habang naglalakad.

"Tang*na nasaan na ba kasi ang cr dito?" inis kong sabi habang naglalakad dahil ihing ihi na ako.

Di naman pwedeng pumasok nalang ako ng basta basta sa mga pinto dito dahil baka may natutulog o ano.

Maka-ihi na nga lang sa sahig charot!

Bahagya pa akong napaatras ng pagdating ko sa pinakadulong pinto ay bigla itong sumara. Kinilabutan ako dahil medyo madilim sa parteng kinatatayuan ko ngayon.

Maglalakad na sana ako ng marinig kong bumukas ulit ang pinto kaya mas kinabahan ako. Lalo pa ng may maaninag akong isang bulto ng tao na nakatayo.

"S-sino ka?" kinakabahan kong tanong pero hindi ito nagsalita.

Omg! baka minumulto na ako ni Clint?! Waaahhhh!

Ng maglakad ito palapit sa akin ay agad akong napaatras at halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko aatakihin yata ako sa puso.

Jusko po!

"Naku Clint! alam kong galit ka sa akin dahil sa pagsigaw sigaw ko sayo at sinampal pa kita pero please lang huwag mo naman akong multuhin huhu...sorry na!" nasabi ko nalang at napa sign of the cross.

Bigla naman itong tumigil sa paglakad. Huminga pa muna ako ng malalim at walang pag-aalinlangan na mabilis na tumalikod at tumakbo.

Ayaw ko ng umihi! waaaahhhhh!!!

"Waaahhh!" napasigaw nalang ako ng biglang may humatak sa akin mula sa likuran at agad na tinakpan ang bibig ko.

Panay ang pagwawala ko kahit hindi ako makasigaw dahil tinatakpan niya ng kamay niya ang bibig ko. Dumaan kami sa isang pintuan at namalayan ko nalang na nasa labas na kami ng bahay o kumbaga backyard nila Clint. Agad niyang tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

Sisigaw na sana ako ulit ng biglang umilaw ang paligid. Doon ko lang nakilala kong sino siya kaya naitikom ko nalang ang bibig ko saglit.

"Z-zeddie?"

Nakita kong napakamot siya sa kilay niya at agad na nag peace sign.

Pisti naman oh! ang cute niya!

"Sorry." sabi niya kaya wala sa sariling nahampas ko siya sa braso at umaray naman siya.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum