Chapter 10

268 18 0
                                    

Mabilis kong inalis ang pagkakahawak sa akin ni Jaxson at sinamaan siya ng tingin pero ang tukmol hinapit ulit ako!

Susugurin na sana siya ni kuya ng mabilis inawat ni ate si kuya.

"Honey love, calm down." sabi pa ni ate at bahagya namang huminahon si kuya pero masama pa din ang tingin sa akin.

"Solana, follow me. Let's talk outside." mahinahon na sabi ni kuya pero alam kong galit na siya at tuluyan ng tumalikod at lumabas ng kwarto at tuluyan na din humiwalay si Jaxson sa akin.

Agad akong sumunod kay kuya. Tangna! lagot ako.

Kainis kasi yong tukmol na yon eh!

Hinarap agad ako ni kuya at hindi ko naman maiwasang mapayuko. Galit nga talaga siya huhu.

"Tell me the truth, Sola. Ano pang ibang ginawa sayo ng gagong yon?" tanong niya sa akin at umiling naman ako.

"Wala kuya. Mali lang talaga ang nakita niyo ni ate Czarina kanina. Tsaka naiinis ako sa kanya kanina dahil sinabihan niya ako ng pangit!" pagsusumbong ko.

Tahimik lang si kuya at napabuntong hininga.

"Go back now. I have to go." sabi niya at mukhang bad trip pa din at tuluyan ng sumakay sa kotse niya.

Bumalik na ulit ako sa kwarto ni Jaxson at dahil sa inis ay
binuksan ko ng malakas ang pinto. Naiinis ako sa kanya eh.

"What the fuck is your problem?! can't you open the door carefully?!" sigaw niya sa akin pero sadyang wala akong pakialam dahil pareho kaming galit ngayon.

"Eh sa gusto kong buksan ng malakas yong pinto, bakit ba?! alam mo kanina pa ako naiinis sayong tukmol ka! bakit mo sinabi yong "we're trying to make a baby" na yon ha?! alam mo bang pinagalitan ako ng kuya ko dahil sayo?!" sermon ko sa kanya at mabilis naman niyang tinakpan ang dalawang tenga niya.

Magka ear problem ka sanang tukmol ka!

"Tsk! so noisy. The hell I care if your brother gets mad at you, it's your problem and not mine." sabi niya at tumayo kaya napanganga ako.

Nakakainis talaga siya!!!

Akmang maglalakad na sana siya palabas ng pinto ng bigla siyang napaupo sa sahig at napahawak sa ulo niya.

"Bwiset ka tal--- hoy! anyare sayo?" tanong ko at at agad na lumapit sa kanya at tinulungan siyang tumayo at pinaupo sa kama.

"Yan kasi napaka demonyito mo kaya yan, nahilo ka." sabi ko at inirapan siya.

"Can you just shut up? you're so noisy you know? I hate noisy." reklamo pa niya pero inirapan ko lang ulit siya.

"Ikaw kasi---" hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin ng mabilis niyang takpan ng kamay niya ang bibig ko.

"I already said that I don't want noisy kaya kong pumunta ka dito para lang mag ingay ay pwede bang umuwi ka nalang? you're making me so stress and sick." naiirita niyang sabi at inalis na ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at humiga ulit sa kama.

"Oo na sige na hindi na ako masyadong mag iingay. Pasalamat ka kailangan kitang alagaan kasi ng dahil sa akin nagkasakit ka."

"Buti naman alam mo."

"As if naman humingi ako ng tulong sayo at sino bang nagsabi sayong magpaulan ka?" pagmamaktol ko pa habang nakayuko at kinakalikot ang kuko ko.

"Can you just thank me because I save you from your stupidity and you didn't get bump by that fucking car? but yeah, I'm sure that you don't know how to thank me so just get me some water because I'm thirsty. " sabi niya at agad na pumikit.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now