"I love you but you only see me as a friend of yours noong mga panahon na sobrang mahal kita, I love you but your heart beats for someone else and you choose to broke me when I confess my love for you..."

"You broke me on the day that I need you the most because you're the only person I know that even when you makes me irritated, you're also the only person I wanted to talk to and to stay by my side...your presence is the only one I want but turns out the only one I hate the most." sabi ko at tumalikod na at huminga ng malalim.

"And l think loving you is the biggest mistake I ever did in my whole life, Jaxson."

"But loving you is the right decision I ever made in the past years, Solana."

Tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya at iniwan siya kasabay ng mga luhang nag unahang tumulo sa dalawang mata ko. Akala ko naka move on na ako at okay na ako pero ang sakit pa din pala. If it takes years for him to realize that he loves me, it takes years for me also to heal from the pain he caused me. At ito na naman ulit ang sakit na idinulot niya... bumabalik ulit dahil nakita ko na naman siya. Dumiretso ako pauwi sa bahay. Nadatnan ko si Talitha na naghihintay sa akin sa labas ng pinto.

"Nag-usap na ba kayo?" tanong niya kaagad sa akin.

Tumango lang ako at tuluyan ng pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Sinundan naman niya ako.

"Anong nangyari? bakit parang ang tamlay mo?"

Umupo ako sa kama at ganoon din ang ginawa niya. Tinignan ko siya at binigyan ng pagod na ngiti.

"Ang sakit pa din pala talaga. Akala ko okay na ako pero noong nakita ko siya, bumabalik lang ang lahat ng sakit." huminga ako ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita.

"Tals, sabi niya mahal na niya ako higit pa sa pagkakaibigan pero bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kong kailan okay na sana ako...bakit ngayon pa niya naisipan na sundan ako dito?"

Talitha hold both of my hands and path me on the head.

"Couz, naiintindihan kita. Alam kong maraming bakit ang naiisip mong itanong sa kanya pero alam mo naman na may rason kong bakit ngayon ka lang niya sinundan diba? maybe that reason is valid that's why he don't follow you immediately here because he don't have the courage back then, pero diba ang importante ay alam mo na mahal ka niya."

"Yes he love me but I really hate him for hurting me."

Talitha suddenly hugged me.

"Sabi nga nila, the more you hate the more you love. Maybe you hate him now but at the end of the day maniwala ka man sa hindi, that hate will turn into love again." I sighed and she caressed my back.

Sana nga mawala na tong galit ko sa kanya... sana lang magkaroon pa ako ng gana na mahalin siya ulit katulad ng pagmamahal ko sa kanya noon... na matagal ko ng kinalimutan. I don't wanted to get hurt again. Paano kong dala lang ng guilt niya dahil nasaktan niya ako kaya nasabi niyang mahal na niya ako higit pa sa pagkakaibigan na meron kami noon? what if he doesn't really love me at ayaw lang siya patulugin ng konsensya niya kaya ngayon gusto niyang patawarin ko na siya para magkaroon siya ng peace of mind?

Pero paano naman ako? paano ako na matagal din na pinakalma ang puso't isip ko sa pagmamahal at kakaisip sa kanya? kong bakit nakaya niya akong saktan... kong bakit pinili niya akong saktan sa pamamagitan ng paggamit niya sa akin at pagsabi na mahal niya ako pero bilang kaibigan lang? kaibigan na piniling saktan na dapat sana ay dinadamayan.

Agad ng lumabas si Talitha sa kwarto ko para magluto ng dinner namin. Agad naman akong nagbihis at nahiga sa kama ko.

It's a very tiring day. Naisipan kong mag open ng messenger ko at sakto namang online si Janica at Shantal. Agad akong nakipag video call sa kanila sa groupchat namin.

"Hi beshywap! kamusta?" bungad kaagad sa akin ni Shantal.

Si Janica naman ay ngumiti lang.

"Eto buhay pa din naman." sabi ko na ikinatawa ni Shantal.

"Gaga ka talaga! malamang buhay ka pa, pwera nalang kong ang ka video call namin ngayon ay ang kaluluwa mo."

Natawa ako sa sinabi ni Shantal. Si Janica naman ay parang may pinagkaka-abalahan.

"Tse! kapag namatay ako mumultuhin talaga kita!" sabi ko at umakto pang natatakot si Shantal.

"Woy wag naman! alam mo namang takot ako sa multo! parang ewan to oh!"

"Di joke lang eto naman." sabi ko at tinignan ulit si Janica.

"Woy, ginagawa mo?" tanong ko at ngumiti lang siya.

"May nakita kasi akong album tsaka ang cute ng mga nasa litrato." sabi pa niya habang nakangiti.

"Patingin naman! ang others nito!" sabi pa ni Shantal at agad naman na ipinakita ni Janica sa amin ang album na hawak at tinitignan niya.

Natigilan ako saglit ng makita ko ang mga pictures na nasa album. Hindi ko alam pero parang kinukurot ang puso ko. Mga pictures namin ni Jaxson noong mga bata pa kami at noong highschool.

"S-saan galing yan?" tanong ko patungkol sa mga pictures.

"Kay Jaxson." sagot niya.

Hindi ko alam na meron siyang mga pictures namin noon. Akala ko kasi hindi siya mahilig magtago ng mga bagay bagay. Hindi naman kasi siya pala appreciate na tao sa mga binibigay ng iba sa kanya at hindi din siya sentimental na tao.

"Nagkita na ba kayo?" tanong ni Janica at tumango naman ako habang nakasimangot.

"Anong nangyari?" tanong naman ni Shantal.

"Sinabi niya sa akin na mahal niya ako pero bakit ngayon pa? bakit ngayon pa niya ako nagawang sundan dito sa Canada?"

"Because he said that he wanted to realize first that he really loves you more than just bestfriends. Kong alam mo lang kong gaano ka niya gustong sundan noong mga panahon na gustong gusto ka na niyang makita, he even blame his self because of the pain he caused you...ng dahil sa nasaktan ka niya." sabi ni Janica na nagpatahimik sa akin.

"He hates his self for hurting you that's why it takes years for him to follow you. Ayaw ka na nga sana niyang sundan dahil alam niyang masaya ka na kaso habang tumatagal ay nahihirapan lang siya kapag hindi ka niya nakita at hindi niya masabi sayo na mahal ka niya."

"Janica, mahal niya ba talaga ako?" wala sa sarili kong tanong.

I wanted to cry so bad ng makita kong tumango si Janica.

"I'm not saying this because he's my brother but as your bestfriend... I wanted the two of you to have a happy ending."

Agad ko ng pinatay ang tawag at walang nagawa kundi ang tuluyang mapaiyak. Is it enough? tama na ba ang nararamdaman kong galit sa kanya? handa na ba akong patawarin siya?

Am I really ready to turn my hate into love... again?

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now