Eighth Chapter - Y so stubborn, Mr. Gangster

Start from the beginning
                                    

"Salamat naman at may matino kang kaibigang tulad niya." aniya pero hindi ko pinansin at pinaandar na ang kotse.

Habang nagdadrive ay bigla na lang akong napapreno at napahagalpak ng tawa.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Naalala ko na naman kasi yung mukha nya kanina nang tamaan siya sa mukha nung bag ko. Haha.

"Hala? Anong nangyari? Bakit ka tawa nang tawa dyan?" Tiningnan ko siya at natawa na naman ako. Wala man lang siyang kaalam-alam na siya ang pinagtatawanan ko. Ewan ko ba pero ang benta sakin nun.

"*coughs*" Sa sobrang pagtawa ko nga ay napaubo ako.

"Oh ayan, sige, tawa pa. Akala mo kasi wala nang bukas kung makatawa, eh." Nagpatuloy ang pag-ubo ko. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa likod ko.

Unti-unting guminhawa yung pakiramdam ko hanggang sa tumigil na ako sa pagtawa.

"Oh ano? Okay ka na? Bakit ka ba kasi tawa nang tawa?" kung makatanong kala mo worried na worried eh. If I know, tinatawanan na ko niyan sa isip niya.

"Wala."

"Ano yun? Baliw lang? Tumatawa nang walang dahilan?"

Pinaandar ko na ulit ang kotse habang soot ang isang ngiting tagumpay.

Mico's P.O.V.

The first thing na ipinagawa ko sa kanya pagkabalik sa bahay nila ay pinakopya ko sa kanya lahat ng notes ni Leo. Medyo may karamihan yun kaya umiral na naman ang pagkareklamador niya. Porke midterm na naman daw kaya hindi niya na kailangang kopyahin yung mga note nung prelim.

Pero sa huli, nagsulat din siya. Tinakot ko na naman kasi siya na isusumbong ko siya sa tatay niya. Effective talaga.

"Bat pa kasi kelangang isulat, eh."

"Nakakainis!"

"I hate this."

Yan ang mga binubulong niya nang paulit-ulit habang nagsusulat siya.

Bilang isang estudyante rin kasi, alam ko kung paano nakatutulong ang pagsusulat ng mga bagag-bagay sa pagmememorya ng mga ito. Sa ganung paraan, napapanatili natin ang mga impormasyon sa ating isip kaya mas nagiging madali na lang ang pagrereview kasi meron na tayong ideya tungkol sa paksa na isinulat natin.

Epektibo yun para sa akin. Hindi ko lang alam kung ganun din sa iba. Pero sana umepekto sa kanya yun.

At dahil magkatabi kami ng upuan, hindi ko mapigilang hindi panoorin ang bawat kilos niya. At habang ginagawa ko yun, parang may nagwawala sa loob ng dibdib ko.

Nang mapadako ang aking paningin sa pares ng mapupula niyang labi, naalala ko na naman yung araw na nahalikan ko ang mga ito.

It was my first kiss and eventhough there's none to compare it with, it's the best.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" Pagsigaw niya na nagbalik ng katinuan ko.

I need to focus. Hindi pwede itong ganito. Kailangan ko siyang turuan. Gusto ko siyang tulungan. Focus, Mico, focus.

"Na-amaze lang ako kasi kanina ka pa bulong nang bulong dyan na parang writing is the worst thing to do sa mundo pero tingnan mo, patuloy ka pa ring nagsusulat. Kaya mo naman pala, eh. Alam mo, kapag ipinagpatuloy mo yan, for sure maipapasa mo lahat ng subjects mo." ang kibit-balikat na sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Nakakapasa ako kahit hindi ko gawin tong mga to." aniya na naging seryoso ang mukha.

"Alam ko. Pero ikaw, alam mo ba yung pakiramdam na may na-achieve kang bagay na alam mong pinaghirapan mo sa sarili mo?" Napansin ko ang paglambot ng ekspresyon sa mukha niya.

"You would," napatingin siya sa akin. ", tutulungan kita. Pero bago yun, tulungan mo muna ang sarili mo. Alam kong kaya mo. And by the time na naramdaman mong may na-achieve kang bagay at pinaghirapan mo ito, I am pretty certain na magiging proud hindi lang ang parents mo sayo kundi ikaw din mismo."

"T-Tingin mo? Magiging proud sila sakin?" I nodded and smied.

"MAS magiging proud sila sayo."

Namagitan ang katahimikan sa pagitan namin. Nakatingin lang ako sa kanya at parang may kung anong iniisip siya.

"Mag c-cr lang ako." pagbasag niya sa namumuong katahimikan at tumayo. Hindi niya na kailangan pang lumabas ng kwarto niya dahil may sariling c.r. ito sa loob.

Paglipas ng halos isang minuto, lumabas na siya ng c.r. at naglakad pabalik sa upuan niya at ipinagpatuloy ang pagsusulat. This time tahimik na siya. Ngayon ko lang napansin, kaliwete pala siya. At yung sulat niya? Sinabi ko na naman, hindi ba? Oo, hindi maganda parang kinahig ng kalapati.

Napadako ang tingin ko sa braso niya kaya bigla kong naalala na may agenda nga pala kami nila mamaya mamayang 6pm.

"Hala! Anong oras na kaya?" Nag-aalalang sabi ko habang dinudukot yung cp ko sa bulsa. "Hala, 5:20 na?!"

"Bakit, nung meron?"

"Ahm...May pupuntahan kasi kami ng family ko mamayang six. Dapat kanina pa pala ako nasa bahay. Hindi ko namalayan ang oras. Pwede bang mauna na ako?"

"Ha? E hindi pa nga tayo nakakapagsimula. tapos aalis ka na?"

"Uhm..sorry talaga. Babawi na lang ako next time, okay? Importante lang talaga kasi yung lakad namin."

"Bahala ka nga!" aniya na halatang naiirita.

"Look, alam ko na kaya mo yan at tutulungan kita. Sa ngayon, kopyahin mo muna tong lahat, okay? Next week, babawi ako. You can do it!" Tumayo na ako at tinungo ang pinto ng kwarto niya. Binuksan ko ito at bago lumabas ay nilingon ko muna siya at sinabing...

"KAYA MO YAN, TYRONE!!"

-----

Pupunta kasi kami nina mama at Mikay sa Hospicio de San Agustin para personal na ibigay sa mga bata ang aming regalo at sabay-sabay kaming maghahapunan. Dapat ay kanina pa ako nasa bahay at tumutulong sa paghahanda ng mga regalo kaso hindi ko na nga namalayan yung oras. Dati pa namin ginagawa ang ganito noon pa mang nabubuhay si papa. Kaso nung pumanaw, naging busy ako sa pagtatrabaho at pag-aaral kaya hindi na kami makabisita dun. Lalo pa nung maoperahan si mama. Ngayon na lamang ulit mauulit ang pagbisita namin sa kanila. Maayos na kasi ang schedule ko at malakas na ulit si mama.

Tinext ko si Mikay na pauwi na ako kaso sabi niya ay dumiretso na ako dun dahil papunta na rin sila dun.

"KUYA MICOOOO!!!" Maligayang-maligaya ang mga bata at nagtakbuhan papunta sa akin at pagkalapit ay dinumog nila ako ng yakap. Ang lalaki na nila.

"Oh kamusta na kayo? Ang lalaki niyo na, ah." Sabay-sabay silang nagsasalita kaya natatawa na lang ako dahil para silang mga batang excited na excited ikwento sa magulang nila ang naging araw nila sa school. Natigil lang sila nang umiyak ang isang batang babae. Si Melody ito at kung hindi ako nagkakamali ay eight years old na siya.

"Oh bakit ka umiiyak, Melody?"

"Eh kasi kuya akala ko kinalimutan mo na kami. Hindi mo na kasi kami binibisita, eh. Huhuhuh."

"Pwede ba namang kalimutan ko kayo? Siyempre hindi ba? Naging busy lang si Kuya sa work at sa school kaya ganun na hindi ko kayo nabisita nang matagal na panahon. Tumahan ka na, simula ngayon parati na ulit akong pupunta dito para bisitahin kayo. Okay ba yun?"

"TALAGA KUYA??!!!" ang sabay-sabay nilang tanong.

"Oo naman. Ngayon, sinong gusto mag-cherry-the-apple?"

"AKOOO!!" Halos mabingi ako sa sabay-sabay nilang pagsigaw.

'This is why I am inlove with kids.' I thought as I smiled.

*********

Locker 246Where stories live. Discover now