Eighth Chapter - Y so stubborn, Mr. Gangster

Magsimula sa umpisa
                                    

'Ang boring ni sir'

'Panot si sir'

Ayan lang naman ang mga nakasulat. At meron pa palang isa na parang may kausap siya at through writing sila nag-uusap.

'bro, bakat underwear ni mam hahaha'

Seriously? Wala man lang siyang kahit isang notes? Estudyante ba talaga siya?!

"Ito na ba lahat ng mga gamit mo?" I said while skimming his other notebooks.

"Oo." Sagot niya at umupo sa katabi kong upuan.

"Bakit wala man lang akong makitang kahit na anong notes dito?"

"Bakit, kelangan ba nun? Akala ko ba ikaw ang magtuturo sakin?"

"Naririnig mo ba yang sarili...mo?" Paglingon ko kasi sa kanya ay nakatingin rin pala siya sa akin kaya bigla akong napatigil sa sasabihin ko. Ako na ang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko na kaya, para akong natutunaw na parang sorbetes.
"O-Oh s-sige nga, paano kita tuturuan kung wala kang kahit isang naisulat sa notebook mo?!Ni hindi ko nga alam kung ano na bang pinag-aaralan ninyo, eh!!" Para akong nawala sa sarili ko dahil ang lakas-lakas ng boses ko.

"Bakit ka naninigaw?!!!" Grabe, wala talagang mananalo ng palakasan ng boses sa lalaking ito.

"Fine. Sorry kung sinigawan kita. Nakakainis lang kasi, eh. Wala ka man lang notes eh pumapasok ka naman palagi." aniko at hininaan na ang boses.

"Nakakatamad kasing magsulat, eh. Anong magagawa ko?" Grabe, paano kaya siya nakarating ng 3rd year kung ganyan ang lifestyle niya? Are his parents paying the school to make him pass all his subjects?

"Classmates, sino sa mga classmate mo ang pwede nating hiraman ng notes? Meron ba?" aniko habang kinakamot ang kaliwang kilay.

'I can't believe I'm still loving this stupid rule-breaker'

Tyrone's P.O.V.

"Anong nakain mo, bro? May sakit ka ba? O baka naman sinapian ka ng masamang espirito?"

"Ulul. Tumahimik ka nga. Wala akong nakain o sakit o kung anupamang mga walang kakwenta-kwentang bagay na sinasabi. Gusto ko lang talagang magbago na at mag-ayos sa studies ko."

"Wow! TYRONE RIVERA, MAG-AAYOS NG PAG-AARAL. Bro! That would really make a good head news! Naniniwala na ako ngayon na totoo ang himala."

"Eh kung ipasok ko kaya tong mga notebook sa bibig mo hanggang sa mamatay ka?! Mas magandang head news yun!"

"Haha! Pero di nga, seryoso ka ba talaga dyan, bro?"

"Oo nga!!! Bat ba ang kulit mo?! Mukha na kong nagbibiro?! Tsaka ganun ba talaga kaimposible para sayo na mag-aayos ako ng pag-aaral?!"

"Hmmmm....Gusto mo ba talagang sagutin ko yang mga tanong mo?"

"Leo nakakainis ka na, ha! Para kang yung baklang yun! Pareho kayong nakakainis."

"Eh kaya mo nga ko ginawang best bud di ba? Dahil nakakainis ako. Tsaka bakla? Sinong bakla?"

"W-Wala, wala. Aalis na ko. Mag-aaral pa ko."

"Hoy soli mo yan bukas ha!"

Lumabas na ko ng bahay nila. Oo, nasa bahay nga ako ng best bud ko para humiram nitong mga notebook niya. Siya lang naman kasi talaga ang masipag at matalino saming dalawa. Ewan ko ba kung bakit di niya man lang ako mahawaan ng kasipagan niya.

Pagsakay ko ng kotse ay inabot ko na kay Mico yung mga notebook ni Leo. Oo, kasama siya pero ako na lang ang bumaba para manghiram. Mamaya kasi baka kung ano isipin ng tukmol na yun kapag nakita niyang kasama ko tong creature na to.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon