Chapter 16

1.2K 73 0
                                    


NANG magising si Bea kinabukasan ay wala na sa tabi niya si Jake. Wala rin ang good morning kiss na palagi nitong iginagawad sa kaniya tuwing umaga. She opened her eyes only to find out that she was totally alone in the room. Napabangon siya. Bigla siyang nakaramdam ng kahungkagan. She was not used to waking up alone like that. Sanay siya na magigising siyang katabi niya ito. O kaya naman ay nakaupo ito sa gilid ng kama at pinagmamasdan siya.

Tumayo na lamang siya at dumeretso sa banyo. Mabilis siyang naligo at ngpalit ng damit bago siya lumabas ng silid nila. Wala ring tao sa sala. Sumilip siya sa studio ni Jake pero wala rin ito roon. Dumaan din siya sa kusina pero wala ring tao roon. Takang lumabas siya ng bahay.

Natigilan siya nang makarinig siya ng mga boses sa may bandang garahe. She was sure she heard Jake's voice. Lumakad siya patungo roon. Nakita nga niya roon si Jake. Pero hindi ito nag-iisa.

"Bakit ka nagpunta rito? Baka makita ka niya," inis na sabi ni Jake sa babaeng hindi niya makita ang mukha dahil natatakpan ito ni Jake. May bumundol na kaba sa dibdib niya nang marinig niya iyon.

"I'm sorry but I just want to see you. I know this is also my fault. I want to clear things up before I go back to the states," sabi ng babae. Pamilyar sa kaniya ang boses nito.

"You can't. At least right now Lizzete," frustrated na sabi ni Jake. At dahil gumalaw ito ay nagkaroon siya ng pagkakataong mabistayan ang mukha ng babae. Nanalaki ang mga mata niya nang makita ito. Then her name keeps on ringing on her ears.

Suddenly, scenes filled her head. Everything that she remembered the past days became clear. Lizzete and her relationship with Jake became clear. Suddenly, all her lost memories poured on her mind. It was so fast and abrupt it made her feel dizzy. Biglang sumakit ang ulo niya. Pero sa lahat ng iyon ay isang eksena ang tumimo sa utak niya. The night when she saw Lizzete in Jake's apartment naked. Ang gabing naging malinaw sa kaniya kung ano lang siya sa buhay ni Jake. Along with the reason why they had an accident.

Then comes the realization of what happened these past weeks. Jake, pretended to be hier husband. They even... they even made love! Napaatras siya sa biglang pagsakit ng ulo at dibdib niya. Nabangga siya sa bisikletang naroon dahilan upang mahulog iyon.

Sabay na napalingon ang mga ito sa kaniya. Halos sabay ring bumadya ang pagkagulat sa mga mukha ng mga ito.

"Bea!" si Jake ang unang nakabawi at tinawag siya. "This is ahm –"

"You don't have to make up a name Jake. I know who she is," puno ng pait na putol niya sa balak pa nitong pagsisinungaling.

Namutla ito. "Y-you remember her?"

She bitterly looked at him. "Along with the rest of my lost memories. I remember them all. Kaya alam ko na rin ngayon na niloloko mo lang ako mula ng araw na magising ako!" pasigaw na sabi niya rito.

"Bea – "

"Kaya pala, iba iyong ikinuwento mo na araw na naging tayo sa beach sa naalala ko. Kaya pala hindi ako mapakali nang maalala ko ang pangalan ni Lizzete at sabihin mong pinsan mo siya. Dahil niloloko mo lang ako! Bakit hindi ko naisip iyon!" naiiyak nang sabi niya.

"Bea it's not what you're thinking," singit ni Lizzete sa usapan.

Marahas na nilingon niya ito. "Ah talaga? E ano pala?"

Sasagot pa sana ito ngunit hinarangan ito ni Jake. Nasaktan siya sa ginawi nito. Ganoon nga siguro talaga kahalaga dito si Lizzete para protektahan nito ng ganoon. At ano? Siya ang lumalabas na kontrabida ngayon? Na dahil sa kaniya at sa responsibilidad na inatang ni Jake sa sarili upang alagaan siya ay naistorbo niya ang pagmamahalan ng mga ito? She flinched when she felt a stab of pain in her chest.

"Umalis ka na Lizzete. Kami ni Bea ay kailangang mag-usap," sabi pa nito sa babae na bantulot pang tumalima. Naiwan silang dalawa ni Jake. She felt her heart getting crushed while looking at him. The man she loves so much, the man who betrayed her and made a fool out of her, the man who took advantage of her while she was vulnerable and could not remember anything!

Nang makaalis si Lizzete ay humakbang ito palapit sa kaniya. Umatras siya. "No! don't come near me Jake! I hate you!" sigaw niya rito. Bumakas ang sakit sa mukha nito. Pero bakit ito masasaktan? Siya ang nasasaktan! "How could you do that Jake?! How could you lie to me? Pinagmukha mo akong tanga habang may amnesia ako. Bakit ka nagpanggap na magasawa tayo? Dahil nakokonsiyensiya ka sa mga nangyari? Dahil naawa ka sa akin? Sa mga kwento mo pinalabas mo na mahal mo rin ako dahil ano? Dahil tingin mo gagaling ako agad kapag ganoon? Well effective nga naman. But I feel so sick when I remember all the things that happened when I thought we are married. And now I am hating myself too," umiiyak na sabi niya.

"That's not it! Bea please listen to me!" frustrated na sabi nito at muling humakbang palapit sa kaniya.

Muli siyang umatras. "No! You betrayed me Jake. You made me believe a fairy tale. Dahil alam ko naman na kahit kailan hindi mo ako magagawang mahalin na tulad ng pagmamahal ko sa iyo. But you don't have to lie to me anymore! So..." May bimikig sa lalamunan niya. Marahas niyang pinunasan ang mga luhang nagpapalabo ng paningin niya. "So you can go back to your Lizzete now. You don't have to worry about me now. Hindi mo na kailangang magkunwari na mahal mo ako."

"Bea," tawag nito sa kaniya sa tila nasasaktang tinig.

Tinalikuran na niya ito nang maalala niya si Arnel. Poor Arnel who just want to make her happy. Kasalanan niya kaya sila naaksidente. She wanted to see him and show him that she's still willing to be with him despite what happen. Muli niyang nilingon si Jake. "Oo nga pala. Saang ospital naroon si Arnel? I want to see him," aniya rito.

Bumuntong hininga ito. "Can't you just listen to me first? After you listen to me ako na mismo ang maghahatid sa iyo sa kaniya," anito sa tila pagod na tinig.

She had a bitter taste in her mouth. What more should he explain? Kahit ano pang sabihin nito ay sa iisang konklusyon lang din mauuwi ang lahat. Niloko siya nito. "I don't need your explanations Jake. I just want to see my fiancée. Tell me the name of the hospital and I will go there myself. Masyado na kitang naabala sa mga nakaraang linggo at ayoko ng dagdagan ang utang na loob ko sa iyo," malamig na sagot niya.

Muli ay bumuntong hininga ito. Pagkatapos ay sumusukong sinabi nito ang pangalan ng ospital kung nasaan si Arnel. Nang marinig iyon ay walang lingon likod na siyang lumayo rito. At may pakiramdam siya na may iba pang mas malalim na ibig sabihin ang paglayong iyon. She will distance herself to him for real.

Because now that she has her memory back, she's back to reality. And the reality is that what they had on the weeks that she could not remember anything will never be real.

I REMEMBER YOU (An Unpublished Novella)Where stories live. Discover now