Chapter 14

1.2K 68 2
                                    


KINAGABIHAN ay nalaman ni Bea ang sinasabi ni Jake na surprise nito. Alas singko ng hapon ay sinabihan siya nitong magayos dahil may pupuntahan daw sila. Excited na tumalima siya at hindi na nagtanong. She doesn't want to ruin the fun of anticipating what he prepared for her birthday.

Nang makarating siya sa silid nila ay nakita na niya ang isang bestida na nakapatong sa kama. May pares na rin ng sapatos na naroon at isang bandana. Napangiti siya. Mukhang pinaghandaan nga yata nito iyon. Mabilis lamang siyang naligo at nagbihis. Nag-apply lamang siya ng kaunting make up, isinuot ang bestida at sapatos at inayos ang pagkakabandana ng buhok niya.

She was amazed when she saw her reflection. Ni hindi halatang kaya siya nakabandana ay dahil nanggaling siya sa isang operasyon at kailangang kalbuhin. Dahil may mga buhok ng tumutubo sa ulo niya ay tila sinadya na lamang niyang gupitan ng maiksi ang buhok niya sa itsura niya. Napangiti siya. Well, I guess I'm not a fashion designer for nothing. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang sarili bago siya lumabas ng silid.

Nahigit niya ang hininga nang makita niya sa sala si Jake na nakapormal din. Naka slacks ito at polo na nakatupi sa siko ang mga mangas. Ang buhok nito ay maayos na nakatali. He looks gorgeous. At nang tumingala ito sa kaniya at ngumiti habang bakas ang paghanga sa mga mata nito sa pagkakatitig sa kaniya ay tila huminto sa pagtibok ang puso niya. Tingnan pa lang niya ito ay sapat ng regalo para sa kaarawan niya.

Matagal na nagkahinang ang mga mata nila bago ito nagsalita. "Ready babe?"

Tumango siya at naglakad palapit dito. Iminuwestra nito sa kaniya ang braso nito na walang pagdadalang isip naman niyang tinanggap. Kumapit siya rito at nginitian ito. "You're gorgeous," sabi niya rito.

Tumawa ito. "Not as gorgeous as you," sabi nitong tinitigan pa ang mukha niya.

Kinilabutan siya sa tingin nito kaya pabirong iningusan na lamang niya ito. "Hay naku tara na nga," aya niya rito.

Muli ay tumawa ito pagkatapos ay inakay siya nito sa garahe kung saan naroon ang sports car nito. Bigla ay naalala niya ang sasakyang iyon. Iyon ang sasakyang tinutukoy nito noong minsang nagkwento ito na nagpunta na sila sa beach dati. Ngayon niya lang naalala na madalas nga nilang gamitin ang sasakyang iyon dati kapag nagpupunta sila sa kung saan-saan.

Inalalayan siya nitong makasakay sa passenger seat bago ito umikot sa driver's seat. Marahan niyang hinaplos ang upuan niyon at iginala ang tingin sa loob. "This is the car that we used to drive every summer right? Kapag naiinis ako sa sobrang init at gusto kong magpakalayo sa kamaynilaan?" bigla niyang naibulalas. Natigilan pa siya dahil naalala niya ang bagay na iyon. Napatingin tuloy siya kay Jake na napatingin din sa kaniya. "I think I am slowly remembering the past Jake!" manghang sabi niya rito.

Tila may dumaang kung ano sa mga mata nito. Was it sadness and pain? Ngunit bago pa niya masiguro kung ano nga iyon ay ngumiti na ito at bumalik na ang sigla sa mukha nito. "Then that's great! If ever it would be a very nice birthday gift," sabi nito. Ngumiti siya at tumango tango.

Saglit pa ay umiwas na ito ng tingin at itinuon na ang atensyon sa pagda-drive. For a moment, she thought his mood changed. Hindi naman ito mukhang galit o kung ano man. Basta tila bigla itong nahulog sa malalim na pag-iisip. She was bothered by it. Pero nang maisip niya na baka pinag-iisipan nito ang pinaghandaan nitong sorpresa sa kaniya ay hindi na lamang niya ito kinulit. Tumingin na lamang siya sa labas ng bintana at pinagmasdan ang binabagtas nilang daan.

SA isang cozy open air restaurant siya dinala ni Jake. Ilang minuto rin silang bumiyahe bago nito ihinto sa may kataasang lugar ang sasakyan. Nang bumaba sila ay nakangiti na ulit si Jake. Nagbalik na rin ang masayang ningning sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.

He reached for her hand and squezzed it. "This is all I can do for now, a dinner date for two," nakangiting sabi nito.

Napuno ng kaligayahan ang puso niya. "This is enough. As long as you are with me, my birthday will always the most memorable time of my life."

Tumawa ito. "I know you would say that. Kaya noon hindi ko masyadong napaghahandaan ang birthday mo. Na-ispoil mo ako. But tonight, I want it to be extra special," anito at hinatak na siya papasok sa restaurant.

Mangilan-ngilan lamang ang tao sa roon. Inakay siya ni Jake sa bandang dulo na pangdalawa lamang ang lamesa. May kandila sa loob ng isang nakasarang candle holder sa gitna niyon. May pumapailanlang na mahinang tunog sa paligid. Pinaghatak pa siya nito ng silya at pagkatapos ay umupo sa tapat niya.

Hindi na tuloy maalis ang ngiting nakapagkit sa mga labi niya habang nakatitig rito. Their dinner date has been perfect. Masarap ang pagkaing inihain sa kanila at masaya silang nagkukwentuhan. She felt as like the luckiest woman on earth that she was having dinner with the most gorgeous and caring guy on the world.

And when she thought her heart was about to burst because of overwhelming happiness and love for Jake, he stood up and said he will be giving her his gift for her birthday.

"I thought the flowers were your gift to me already?" tanong niyang hindi maiwasang mapangiti.

He grinned. "That's just an appetizer," sabi nito at lumakad patungo sa kung saan. Napasunod siya ng tingin dito, ganoon din ang ilang mga kumakain din sa restaurant na iyon. Nagtaka siya nang huminto ito sa gitna ng tumatayong stage doon. Pagkuwa'y may isang waiter na lumapit dito at may bitbit na gitara. Inabot iyon ni Jake at mukhang nagusal ng pasalamat dito. May isa ring waiter na naglagay ng mike sa harapan nito at isang stool upang marahil ay maupuan nito.

Naitakip niya ang kamay sa bibig nang marealize ang balak nitong gawin. Napako siya sa pagkakaupo habang ang puso niya ay nais na yatang maglulundag sa labis na kaligayahan. And when he sat on the stool, put the guitar on his lap, tests the mike and looked straight at her, she felt like crying.

"Good evening everyone. I know you all went here to have a quiet and intimate dinner with your love ones. But let me intrude for a moment to present my birthday gift to my wife over there," nakangiting sabi nito sa mike. Bahagya pa siya nitong tinuro dahil upang mapatingin na sa kaniya ang mga katulad nilang customer doon. Pero wala sa mga ito ang atensyon niya kung hindi kay Jake. Only to Jake who's staring at her with those loving eyes of his.

"I am a painter. But she keeps on insisting since she was sixteen that I will be better of as a rockstar kapag hindi raw ako bumentang painter. Gusto niya raw akong makitang kumakanta sa stage habang tinitilian ng mga nakikinig. Unfortunately for her bumenta akong painter," nakangiti pang sabi nito na bahagyang ikinatawa ng mga customers na ngayon ay tutok na ang atensyon sa kanila ni Jake.

"So for her birthday, I want to fulfill her wish kahit isang gabi lang. I want her to see me sing on stage at tilian ng mga nakikinig. Is that possible?" natatawang sabi nito. Nagpalakpakan at nagcheer ang mga customer. Mukhang aliw na aliw ang mga ito sa palabas nila ni Jake.

"Great. Then this is all for you babe, happy birthday," sabi nitong deretso na naman ang tingin sa kaniya. Then he strummed his guitar. Nag-init ang mga mata niya nang marinig niya ang pamilyar na into na iyon ng kantang iyon. The song she heard him sing on that rainy day. Ang kantang dahil nang una nilang pagkikita.

Nang magsimula itong kumanta ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya sa labis na kaligayahan. "Woke up to the sound of pouring rain. The wind would whisper and I'd think of you. And all the tears you cried, that called my name. And when you needed me I came through," awit nito na hindi inaalis ang pagkakatingin sa kaniya.

Siya man ay hindi magawang alisin ang tingin dito. Pinakinggan niya lang itong kumanta. Kahit yata ang mga tao roon ay namesmerized sa boses nito dahil biglang tumahimik. "We've had our share of hard times. But that's the price we paid, And through it all we kept the promise that we made, I swear you'll never be lonely," awit nito.

Napahikbi siya ng marinig niya ang linyang iyon. Then a memory of her crying so hard one night flashed on her mind. 

I REMEMBER YOU (An Unpublished Novella)Where stories live. Discover now