Chapter 3

2.1K 117 4
                                    


NANG muling magising si Bea ay hindi na masyadong malakas ang ulan. Saglit siyang nanatiling nakahiga kahit mulat na ang mga mata niya. Nakatitig siya sa kisame partikular sa mga ulap na nakapinta roon. Unti-unting bumalik sa kaniya ang katotohanang kinasusungan niya. The truth that she could not remember anything.

Ang alam lang niya ay siya si Bea. At ang lalaking nakita niya nang magising siya kanina ay si Jake. At asawa niya ito. Noong una ay hindi siya makapaniwala na may asawa siya. But then, she has no choice but to believe it. Wala naman siyang ibang maaring paniwalaan dahil wala naman siyang maalala. Besides, when she felt his touch, his hugs and his butterfly kisses on her head, she felt that he is someone special to her. Hindi man iyon maalala ng isip niya ay naalala iyon ng puso niya. Dahil sa pakiramdam na iyon ay nakalma siya. The fact that she's with the most important person in her life despite her situation is enough assurance that everything will be all right.

Marami siyang katanungan na lahat ay maayos naman nitong sinagot. Although she could sense that he was choosing the words to say. Marahil ay dahil ayaw nitong biglain siya. Itinanong niya rito kung paano siya naaksidente. Ang sabi nito ay nasa biyahe raw siya kasama ang isang kaibigan nang may isang humaharurot na bus na biglang nag over take sa isang sasakyan sa kabilang lane. Nahagip daw ang sinasakyan nila kaya nagkaroon ng banggaan. Pareho naman daw silang nakaligtas ng kaibigan niya sa aksidente. Ngunit ang kaibigan daw niya ay nasa ospital pa rin at nagpapagaling dahil mas marami raw itong tinamong sugat kaysa sa kaniya. Ang kaibigan daw kasi niya ang nagmamaneho nang sinasakyan nila.

Hinanap niya rito ang mga magulang niya. Ngunit ang sabi nito ay ulila na siya. Ayon dito, nang magkakilala raw sila ay patay na raw talaga ang mga magulang niya at ang sabi daw niya rito ay pinag-aaral siya ng tiyahin niya. Pero nang huling taon daw niya sa kolehiyo ay nagdesisyon ang anak ng tiyahin niya na naninirahan sa amerika na kuhain na ito. Dahil daw doon ay naiwan siyang mag-isa. Ang sabi nito ay labis daw niyang ikinalungkot ang araw na iyon.

"I will be all alone from now on," umiiyak daw na sabi niya rito noon.

Jake hugged her then and made a promise to her. "I swear you'll never be lonely. I will make sure of that."

Nang tanungin niya ito kung natupad ba nito ang pangako nitong iyon sa kaniya ay ang tanging sagot lamang nito ay; "You will know kapag bumalik na ang mga alaala mo." She thought she heard pain in his voice. Ngunit nang tingnan naman niya ang mukha nito ay nakangiti ito. Kaya naisip niya na nagkamali lamang siya ng dinig.

Tinanong din niya ito kung gaano katagal na silang mag-asawa. Ang sabi nito ay wala pa raw isang taon pero matagal na raw silang magkakilala. Naniniwala siya rito dahil kahit hindi niya ito matandaan ay magaan ang pakiramdam niya rito nang kumalma na siya. Siguro naman sapat na patunay iyon na malapit talaga sila sa isa't isa. Sa tingin niya rin ay mahal niya ito dahil tuwing tumititig siya sa mukha nito at tuwing hinahaplos nito ang buhok niya ay may nararamdaman siyang tila mga paru-parong nagliliparan sa sikmura niya. Hindi rin iilang beses na tumalon ang puso niya tuwing nasasalubong niya ang mga mata nito.

Dahil doon kaya tinanong niya ito kung paano sila unang nagkita, kung paano sila na inlove sa isa't isa, kung ano ang itsura ng kasal nila at kung anu-ano pa. Pero ang sabi nito sa kaniya ay ikukwento nito iyon ng dahan-dahan kaya dapat ay magpahinga na lang daw muna siya. Kahit gusto niyang magprotesta ay hindi naman niya magawa dahil namimigat na rin ang mga mata niya nang mga oras na iyon. Nang nakapikit na siya ay naramdaman pa niya itong bumangon at inayos ang kumot niya.

At bago siya tuluyang iduyan ng antok ay naramdaman niya ang magaang na pagdampi ng mga labi nito sa mga labi niya. It was warm and ticklish. Nais man niyang dumilat upang tingnan ito ay hindi na niya nagawa dahil tuluyan na siyang nakatulog.

And now she's awake again. Katulad nang magising siya kanina ay walang katao-tao sa silid. Bumangon siya at bahagyang nag-inat. Mas maayos na ang pakiramdam niya kaysa kanina. Napatingin siya sa bedside table. May nakatuping tila bandana doon. Muli ay napahawak siya sa ulo niya. Marahil ay inilagay iyon ni Jake para sa kaniya. Kinuha niya ang bandana at itinali iyon sa ulo niya upang matakpan iyon. Nahiling niya na sana tumubo na kaagad ang buhok niya.

Tumayo siya sa kama at saglit na pinakiramdaman ang mga binti niya bago humakbang. Bahagya pa ring nanlalambot ang mga tuhod niya. Ngunit pinilit pa rin niyang makalakad kahit mabagal.

Dumeretso siya sa pinto kung saan pumasok kanina si Jake. Binuksan niya iyon at lumabas. Napasinghap siya nang makita ang kabuuan ng bahay kung nasaan siya. Malawak iyon at kulay kahoy ang paligid. Maging ang mga gamit na naroon, maging ang mga barandilya ay kahoy na may barnis lamang. Ang kinaroroonan ng silid na nilabasan niya ay nakaangat ng ilang baitang lamang sa sahig. Sa harap niya ay natatanaw niya ang sala at malawak na veranda na kasalukuyang nakasara sa pamamagitan ng malaki ring glass door. Nakikita niya roon ang madilim pa ring panahon at mahinang ambon.

Nakakapit sa barandilyang bumaba siya sa ilang hakbang na hagdan at nagpatuloy sa paghagod ng tingin sa paligid. Sa kanang bahagi ay nakakaamoy siya ng niluluto. Malamang na iyon ang kusina. Sa kaliwa naman ay hindi niya mapagtanto kung anong parte ng bahay. May tila kung anong humihila sa mga paa niya na magpunta sa bahagyang kaliwa kaya pinagbigyan niya ang sarili niya. Marahan siyang naglakad patungo roon.

Habang papalapit siya roon ay nakarinig siya ng tunog ng gitara. Saglit siyang tumigil upang pakinggan iyon. The music sounds familiar. Pero hindi niya malaman kung ano iyon. Ah, marahil noong hindi pa siya naaksidente ay alam niya kung ano iyon. Nasa ganoong pag-iisip siya ng makarinig siya ng pagkanta.

"Woke up to the sound of pouring rain. The wind would whisper and I'd think of you. And all the tears you cried, that called my name. And when you needed me I came through," awit ng pamilyar na boses sa kaniya. And somehow, that singing voice and the lyrics made her heart ache a little. It was as if her heart is recognizing it.

Napabilis tuloy ang paglapit niya roon. Isang malawak at halos walang kagamit gamit na espasyo ang nabungaran niya. There were canvasses and painting leaning on the walls. May isang lamesa na may mga nakapatong na pintura at brush. Sa isang panig ay may nakatayong canvass holder na may nakalagay na painting na halatang hindi pa tapos. May mga paintings din na nakasabit sa pader. Katulad sa ibang parte ng bahay ay may malaking bintana rin doon.

But those things were nothing compared to the sight on the far end corner, near the window that almost took her breath away. There she saw Jake who was sitting on a wooden long chair, a guitar on his lap. He was staring outside the window while his hand is strumming the guitar. His hair is now loosely tied on a ponytail and his face still has growing stubbles. Mahina itong kumakanta na tila ba may malalim na iniisip. His voice is low, raspy and sexy like a rockstar. He was picturesque. 

I REMEMBER YOU (An Unpublished Novella)Where stories live. Discover now