NGAYON araw na ito,pinapanganak ng isang ginang ang mga sanggol na inaasahang magiging isa sa mga magiging tagapagmana ng isang sikat at mayamang pamilya.
Naging maselan ang pagbubuntis ng ginang hindi tulad nang una nitong pinagbuntis and panganay nitong anak,at napansin rin nila na mas malaki ang tiyan nito kaysa sa normal na buntis kaya sa pamilya nila isa itong mahiwaga, katangi-tangi at espesyal na sanggol.
Hindi mawari ang nararamdaman ng asawa nito.Halo-halo ang emosyong nakakaramdam nito gaya ng saya at galak na mahawakan at mabuhat ang anak nito ngunit hindi parin nawawala ang kaba dahil naririnig palang niya ang mga daing at pag-ire ng kabiyak nito ay kinakabahan na ito .
“Ire pa misis nariyan na!”hinihingal at pinagpapawisan na sinunod ng ginang ang doktora.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng hospital bed.
Nang lumabas ang pangalawang sanggol ay saka sinabi ng doktor na nag-papaanak sa kaniya na isa pa na ikinagulat nito.
Akala nila ay dalawa lang ang batang dinadala niya dahil yun ang sinabi ng OB-Gyne ng magpa-ultrasound sila.
Kahit na hirap na hirap na ito sa pag-ire at gusto na niyang ipikit ang mga mata nito at magpahinga ay pinilit parin niyang umire at ilabas ang sanggol na nasa sinapupunan nito.
Hindi mapakali ang asawa nitong naghihintay sa labas ng silid kung saan siya nanganganak.
Agad itong tumayo at nagmamadaling lumapit sa pinto ng kwarto kung saan nanganganak ang asawa nito ng lumabas ang doktor na nagpaanak dito.
“How's my wife?”agad na tanong nito sa doktora.
Hindi parin siya mapakali at ayaw mapanatag ng sarili nito hangga't hindi naririnig sa doktor na ayos lang ang asawa nito.
Tinanggal muna ng doktora ang guwantes na suot nito saka ngumiti at sinagot siya “Calm down Mr. She's fine don't worry. Nawalan lang ng malay ang asawa niyo pagkatapos nitong ipanganak ang triplets niyo at ililipat narin siya sa ibang kwarto.”
Napatulala siya ng sabihin ng doktora na triplets ang anak nila.
“ I'll excuse myself Mr. Waurer.”saad ng doktora ngunit nakatulala lang ito dahil hindi parin siya makapaniwala na hindi lang dalawa ang pinanganak ng asawa nito kundi tatlo.
NAKAKASILAW na ilaw ang sumalubong sa mata ng ginang na nakahiga sa hospital bed ng magising ito.Pumikit ito upang makapag-adjust ang mata nito sa liwanag at agad din niyang iminulat ang mga mata nito ng makarinig ng ingay.
Nakangiti niyang pinagmasdan ang asawa nito at ilan sa mga kamag-anak nila na buhat-buhat ang anak nila.
Mas lalong lumawak ang ngiti nito ng mapansin na pinag-aagawan nila ang isa sa anak niya.
Nang makita naman ng asawa nito na gising na siya ay agad niya itong nilapitan at hinalikan sa labi at noo nito habang buhat-buhat ang isa sa mga anak nila.
“Are you okay?Do you need anything? Are you hungry?”sunod-sunod na tanong ng kabiyak nito habang buhat-buhat parin ang anak nila.
Imbes na sagutin nito ang tanong ng asawa nito ay sinabi niya lang na gusto niyang mabuhat ang anak nila.
“Ito ba yung bunso?”tanong niya habang nakangiting pinagmamasdan ang anak niyong buhat-buhat niya.
Tinanguan naman siya ng asawa nito bilang sagot sa tanong niya.Nang nanganganak ito ay kaba, pagod at takot ang nararamdaman niya ngunit ngayon ay walang iba siyang nararamdaman kundi saya. Saya habang tinitigan ang bunsong anak nila at paminsan-minsan ay tinitingnan ang dalawa pa nitong anak na binubuhat ng ina ng asawa niya ang panganay at ang pangalawa naman sa triplets ay pinag-aagawan ng iba pa nilang kamag-anak.
Halos magkasagutan na sila dahil sa pilit na pagkuha nila sa anak nila at nang mapansin naman ito ng asawa nito sinabihan niya ang mga itong tumahimik at wag mag-away-away dahil baka umiyak ang pangalawa nilang anak na mahimbing lang na natutulog sa mga kamay ng kapatid ng asawa nito.
𝑇ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑚𝑢𝑠𝑡 𝑏𝑒 𝑎 𝑠𝑝𝑒𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑤𝑖𝑡ℎ ℎ𝑖𝑚.
HINDI sila makapaniwala habang tinitigan ang pangalawa nilang anak na pinangalanan nilang Ace Kinczu Ice Waurer. Ace dahil nararamdaman nilang swerte sila dito at nararamdaman nilang ito ang lalong magpapalago sa negosyo ng pamilya nila.At Ice dahil kahit na maingay sila ay mahimbing parin itong nakatutulog hindi gaya ng mga kapatid nitong umiiyak kapag maingay sila.
Mahigit tatlong buwan narin simula nang lumabas sila sa hospital.
Sa kanilang tatlo siya ang inilipat sa ibang kwarto dahil baka umiyak ito kapag marinig niya ang iyak ng mga kapatid nito.
Pumalakpak ang isa sa mga pinsan niya na agad din namang sinuway ng ama nito dahil baka magising siya ngunit nangatwiran lang itong hindi siya magigising kahit na maingay sila.
Para itong walang tainga dahil sa parang wala lang itong naririnig.Minsan lamang itong umiyak at yun ay kapag palagi siyang binubuhat o di kaya naman ay nagagalaw kapag natutulog ito.
“For the first time in my life ngayon lang ako nakakita ng batang minsan lang umiyak.”ani ng tiyuhin nito.
“Yah true.I'm sure he will be a cold hearthrob when he grew up.”saad naman ng pinsan nito na sinang-ayunan naman nila.
“Hey Kiro.Wala ka bang sasabihin sa kapatid mo?”
“Hindi naman siya sasagot.”sarkastikong sagot nito at matiim na tinitigan ang maamong mukha ng kapatid nitong mahimbing na natutulog parin.
Admiration was seen in his eyes while looking on his little brother's face.
How can a three month old baby just sleep like this while his surrounding was vociferous?How can a baby make everybody fight just for them to carry him?
He must have a special talent to make everyone amaze and fall just by looking at him once.
For their family he is so special.
ESTÁS LEYENDO
Never Ending Tears
Novela JuvenilDate started: December 08,2021 Date Finished: February 03,2022
