From: sassygal 👀
Okay, madam. See you!

Ibinulsa ko na ang phone ko saka lumapit sa kinaroroonan niya.

"Abi?" tawag ko sa kanyang atensyon.

"M-ma'am!" mabilis siyang tumayo at humarap sa akin. "May kailangan ka po?"

I faked a smile. "Diba nasabi ko sayo kanina na may imemeet up ako mamayang gabi?"

"Ah opo, nabanggit nyo nga sakin. Diba magpapasama ka?"

"Yes, but my internet friend couldn't make it early. Is it okay kung magpasama ako sayo hanggang alas onse ng gabi?"

Nakita ko ang pag-iba ng reaksyon niya. "P-po?"

I looked pleadingly at her. "Please? I'm really scared. Baka kasi masamang tao yun eh."

Halata ang pag-aalangan sa mukha niya. "S-sige po, okay lang naman."

Matamis ko siyang nginingitian. "Thank you. I'll see you outside my cottage."

"Sa cottage 12 po?"

Kunwari nagulat ako. "You know?"

"Ahm n-nakita kasi kitang lumabas 'don kanina kaya nalaman ko." mabilis na sagot niya.

"Aw okay." patay-malisya ko na lang. God she's so obvious. "So i'll see you later at 9pm then."

Gail nodded. "Noted."

"Don't be late." tumalikod na ako at bumalik nasa resort.

Mamaya ka saking bata ka.







********
********




Gail



Di ako mapakali habang palakad-lakad dito sa gilid ng pool. Kinakabahan ako at nagdadalawang isip. Paano ko ba 'to lulusotan? Ang tanga ko rin kasi eh. Desidido nako sa plano ko kanina na huwag ituloy ang pagkikita namin ni Maureen bilang si sassygalxx, pero dahil sa text niya ay nadala ako. Eto tuloy ang napala ko, dapat di na sana ako nag-reply tsk!

"Hoy, Gail. Kanina pa'ko nahihilo sayo. Umupo ka nga dyan." suway sakin ni Sue na kasalukuyang nakababad sa pool kasama si Maggie.

"Huwag nyo 'kong pansinin, stress ako dito."

Tumawa sila.

"Let me guess, tungkol sa eyeball nyo ni iuam_star aka miss Maureen Ricci ang iniisip mo noh?"

Hindi ako sumagot. I'm still thinking a way how to get through this problem!

"Alam mo, Gail, kung ako sayo umamin ka na lang. Ano bang mapapala mo dyan sa pagtatago mo kay Ate Maui?" tanong ni Maggie.

"Ayoko ngang malaman niyang ako si sassygalxx."

"Ano naman ngayon kung malalaman niya?" tanong naman ni Sue.

"Interesado kasi siya kay sassygalxx."

A Taste of Bliss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon