"Kaano-ano mo si Calixian?" Tanong ko.

"Oh si Calixian men! Pinsan ko. Pero wag ka! Babaero yun eh. Kung gusto mo, ako nalang hehe" aniya.

Okay fine, magpinsan nga talaga.

"Wala ka ng tanong babes? Punta tayo sa loob para kumain. Gutom na ako eh. Don't worry mabait ako hehe yung pinsan ko lang ang hindi.  Balita ko nandiyan daw siya eh. Tignan natin." Aniya at hinila nalang ako basta basta.

Di pa nga pala niya alam yung sa amin ni Calixian. Sumunod nalang ako sa kanya. Dumiretso kami agad sa dining hall. Pinagtitinginan pa nga siya sa ibang maids dahil siguro basang basa siya pero wala lang siyang paki.

"Wow ang daming pagkain hehe. Umupo kana Felishia. Feel at home hehe" aniya. Di nalang ako kumibo at umupo nalang sa upuan. Wala pa sila Lolo at Lola pero may mga pagkain naman na nainihanda nila.

"Sir, ayos lang po ba kayo? Ba't basang basa kayo?" Nagtatakang tanong ng mayordoma kay nathan.

"Ah, ito ba? Ako kasi ang nagdilig ng mga halaman doon sa labas kanina kaya nabasa ako. Pahingi po niyan"

Napailing nalang ako sa kakulitan niya. Namiss ko tuloy si Sarchzani. Kumusta na kaya ang lalaking yun?

"Good morni---NATHAN!" napalingon kami agad ng marinig namin si Lolo. Nakatayo siya malapit sa dining table kasama si Lola na naiiling nalang.

"YES SIR!" biglang sagot naman ni Nathan habang ngumunguya pa. Tsk baliw talaga

"Why are you so wet? At pumunta ka pa dito ng basa? Jusko kang bata ka!" Ani lola.

"Lola! Gutom na po ako. Maawa naman kayo sa pinakagwapo niyong apo--

"I'm much more handsome than you" Sabi ng kadadating lang na si Calixian.

"Uy Calixian men! Hehe wazzup bro! Tumangkad ka ngayon ah" parang tangang sabi ni Nathan. Di siya pinansin ni Calixian at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad patungo sa dining table at umupo sa tabi ko

"H-HOY! Ba't ka uupo diyan? Si Felisha na naman ang trip mo ano? Alam kong bago lang siya dito pero wag mo naman yan idamay sa mga fling mo bro" parang maiiyak na sambit ni Nathan at agad na lumapit sa akin at hihilahin na sana ako ng magsalita si Calixian.

"Don't. Ever. Lay. Your. Hands. On. My. Fiancee"

Bigla akong kinilabutan sa tono ng pananalita ni Calixian ngayon. Malamig naman yung tono ng pananalita niya sakin minsan pero mas dumoble yata ang lamig ng tono ng pananalita niya ngayon.

"What did you just said? Fiancee? HAHAHA kung trip mo si Felisha--

"It's Felishia not Felisha" Calixian

"Fine! Pero hanep ng trip mo ah fiancee kuno HAHAHA epik!"

Napailing nalang ako kay nathan na tawang tawa ngayon at hawak hawak pa ang tiyan. Tsk baliw talaga to.

Sina Lolo at Lola naman. Hinayaan nalang si Nathan at kumain na. Pero pansin ko na panay ang ngiti ni Lolo ngayon. Good mood siguro?

---

"Uy! Ano ba pwede mo naman akong bitawan eh!" Reklamo ko at nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Nathan.

"Bilisan mo, maganda ang view doon. Marami nang tao ngayon mawawalan tayo ng pwesto!" Sabi niya. Napailing nalang ako. Itong lalaking to mas hyper pa yata sa akin eh.

"Walanghiya talaga! Don't tell me gagawin mo akong photographer!"

Nilingon niya naman ako at ngumiti ng malapad. Sabay sabing "TAMA!"

Jusko isang malaking kamalian talaga ang sumama sa lalaking to.

"Nakikita ko na ang view hehe dalian mo!" Aniya sabay hatak sa akin ng malakas. Napapikit nalang ako sa kahihiyan dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Excuse me ladies. Ako muna hehe" napayuko nalang ako dahil nahihiya ako sa mga babaeng nandito at busy kaka picture.

"Come here. Dito ako. Gamitin mo camera ko. Galingan mo ah! Yung mala model ang dating HAHAHA" napairap nalang ako sa kahihiyan. Yung ibang taong nagpipicture dito kanina ay umalis nang dahil sa kanya. Yung iba naman nasa gilid lang at tumitingin kay nathan.

Kinuha ko ang camera mula sa kamay ni Nathan para maka alis na kami agad dito. Sinimulan ko na syang kunan ng litrato at di naman ako nahirapan dahil magaling siya mag pose. Napapadali lang ang pag click ko dahil di ko na siya kailangan pang pagsabihan kung palpak man ang posing niya.

"Galing natin ah" Sabi ko pagkatapos ko siyang picturan

"Ganyan talaga! Gwapo eh" nathan. Natawa nalang ako sa kakulitan niya. Ngunit nawala rin ang ngiting yun nang dumating si Calixian sabay sabing

"Are you finished seducing my fiancee?"












Calixian Bancroft (Bancroft series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon