Chapter 21

3K 159 41
                                    

Chapter 21

I stared at my classmates with my lazy eyes. Nakasuot na sila ng maid uniform, nakaayos na rin ang classroom. May tables, chairs and improvise counter na.

8 magbubukas ang lahat ng booths at 7 palang. Nagmamadali naman yata ang mga ito.

Pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng ginawang cafe naming classroom nang may lumapit sa aking kaklase na nakasuot ng maid uniform.

"Kye,"

Tinaasan ko siya ng kilay. Nag-iwas siya ng tingin.

"Ano kasi..."

Humalukipkip ako. Napaatras siya at tila natakot. I really don't know why everyone's feeling intimidated by me all the time they approach me. Nakasuot na nga ako ngayon ng indie outfit, gaya ng vibes ni Gaddiel. Natukso pa nga ako kanina nina Jorge na nag-iba daw ako ng style, pang mukhang mabait daw ang damit ko ngayon.

Damn, do I really look that evil?

"'Yong naiwan kasing o-outfit ano... baka ayaw mo." my classmate said nervously. "Hindi ka kasi nagsukat kahapon kaya..." di na niya nadugtungan.

Kumunot ang noo ko. Iniintindi ang sinabi niya. Pangit ba 'yong naiwang maid uniform? Gano'n ba?

I secretly rolled my eyes. Whatever, kung pangit edi uupo nalang ako sa table buong araw habang ipinagse-serve ako ni Gaddiel ng Latte.

"How about Gaddiel's?" sambit ko sa halip.

Napa-angat ng tingin ang kaklase at bahagyang nataranta. "A-ano, nasa likod ng curtain. D-dito, Kye," Sumunod ako sa kanya.

Wala pa si Gaddiel. Kaninang pagpasok ko sa gate ay nag reply siya sa text ko na naliligo palang siya. Akala niya daw ay 9 pa ang umpisa ng booth namin.

Kinuha ko ang plastic na inabot ng kaklase saka tiningnan ang loob niyon. Nandoon ang itim na three piece suit para kay Gaddiel saka isang maid uniform na off shoulder at feathers. Tanging itim at puti ang kulay niyon. Hindi gaya ng sa kanina na may ribbon at iba't-iba ang kulay.

Inangat ko iyon at itinapat sa sarili.

Anong problema dito? I quite like the design!

"'Yan ang natira kanina Kye kasi hindi kasya samin. Nahuhulog sa..." my girl classmate blushed and look away. "Sa bandang dibdib,"

Bumaba tuloy ang mata ko sa dibdib niya. Mas lalo siyang namula.

Oh, walang kakapitan...

I smirk to myself. "This will fit me." I said. "Can you stand outside the curtain? I'll wear this," I said. She nodded eagerly before she got out of the curtain.

Sinapo ko ang bibig ko para walang lumabas na tunog sa pagtawa ko. Shame on them.

Napailing ako bago nagsimula nang maghubad at isuot ang maid uniform na para sakin lang talaga. I put on the white stockings and the black doll shoes. Lastly, I tied the apron's lace on my back.

And I knew it! It fitted perfectly on me. Hindi nahuhulog, may kinakapitan kasi...

Napangisi ulit ako bago tuluyang lumabas sa kurtina. Nandoon ang babaeng kaklase na pinagbantay ko sa tapat ng kurtina.

She gasped when she saw me.

"How do I look?" I asked, definitely fishing for compliment.

She blink. "Perfect..." tila wala sa sariling ani ng kaklase.

I grinned. "I know, thanks." mapagbiro kong sambit bago siya nilampasan.

Mabilis na napalingon sa akin ang mga kaklase kong nasa loob ng classroom. I even saw Ichika in her white and pink maid uniform who's now looking at me in wide eyes and mouth hang open.

his innocenceWhere stories live. Discover now