Chapter 13

3.3K 141 24
                                    

Chapter 13

Nag-commute lamang kami ni Gaddiel. Earlier, we-- rather, I decided to go to an arcade. Mayroon sa malapit na mall kaya doon kami maglalaro.

Malikot ang mga mata ni Gaddiel habang nasa loob kami jeep. I really prefer taxis pero nainip ako kanina kahihintay kaya niyaya ko na siyang sumakay nalang sa jeep. Besides, murang-mura rin ang pamasahe.

Iyon nga lang, hindi ko alam na magiging ganito kasikip ngayon sa loob ng jeep. Noon kasing unang sakay ko sa ganito ay kasama ko sina Thelma at hindi siksikan ang pasahero no'n.

Panay ang baling ko kay Gaddiel. Ako lang ang katabi niya dahil nasa pinakadulo siya sa tabi ng driver. Sobrang lapit naming dalawa kaya imbes na uminit ang ulo ko sa hirap ng sitwasyon namin ay sa halip... ewan, nangingiti pa ako.

I crossed my legs wanting for more space. Ipinatong ko rin ang isa kong palad sa binti ni Gaddiel. Bahagya siyang napapitlag dahil doon.

Nang tingnan ko siya ay gulat ang ekspresyon niya. Bumaling siya sakin, nagtatanong ang mga mata.

Patay malisya akong tumingin sa bintana habang nagpipigil ng tawa.

Kalaunan ay nadagdagan pa ang pasahero kaya siksikan na talaga. Panay ang baling ko kay Gaddiel na naiipit na yata. Sa pang huling baling ko sa kanya ay kumunot ang noo ko nang makitang seryoso siyang nakatingin sa likuran ko.

Dahil konti lang ang distansiya namin ay nakikita kong magkasalubong kilay niya kahit natatakpan iyon ng buhok niya.

"What's wrong--"

Namilog ang mga mata ko nang hawak niya ang braso ko at hilain ako palapit pa sa kanya. Dumikit ang dibdib ko sa balikat niya. Gulat kong ibinalik ang tingin sa mukha niya pero imbes na namumulang mukha dahil sa kahihiyan ang makita ko gaya ng madalas niyang ekspresiyon ay seryosong tingin parin ang bumungad sakin.

He still looking seriously at my back!

Pinagtinginan kami ng mga nasa harap namin dahil sa biglaang ginawa ni Gaddiel. They're probably thinking how very close are we inside the moving jeepney.

Dahan-dahan kong naitikom ang bibig nang biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"W-what--" nauutal kong ani pero agad ring tumigil. Halos yumakap na ako kay Gaddiel sa loob ng jeep, kulang nalang kandungin niya ako.

"I'm sorry, Lia. The man beside you... he's sniffing your hair. N-nakita ko," mahinang aniya saka lalo niya pang hinila ang braso ko. Tila wala na siyang pakialam sa distansiya namin. Parang nawala ang conservativeness niya.

My eyes fluttered as well as my insides. Here's the heartwarming feeling again.

Siguradong-sigurado na akong pulang-pula ang mukha ko ngayon. How embarrassing! This is probably the first time I get flustered hard like this.

Sa sari-saring nararamdaman ko ay hindi ko napigilang isubsob ang mukha ko sa leeg ni Gaddiel para magtago.

I felt him stiffened but he didn't push me away or even let go of his hold on me.

Nanatili kaming gano'n hanggang sa tumigil ang jeep sa tapat ng mall na pupuntahan namin.

Sobrang saya ko nang umahon ako sa leeg niya. Naubos ko na yata ang amoy niya sa kasisinghot roon.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking sinasabi ni Gaddiel na inamoy ang buhok ko. He's like my father's age already! Kung hindi lang ako tuwang tuwa sa ginawa ni Gaddiel ay baka na-report ko na siya.

And he didn't really touch me so I'll let this pass. What a creep!

Nakangiti ako nang makababa kami sa jeep. Binalingan ko si Gaddiel na naiwan ang tingin sa loob ng jeep kahit na paalis na iyon.

his innocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon