Chapter 3

3.5K 142 17
                                    

Chapter 3

"Uh, sandwich a-and water," mahinang boses ni Sandoval, kausap ang bantay sa counter na sa akin nakatingin. Tinaasan ko ito ng isang kilay at bahagyang iminuwestra ang lalaking nasa unahan ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng bantay bago tumingin sa nauna sa akin. "Yes, anong sayo?"

Nangingitngit ang mga ngipin ko. Kulang nalang ay ako na ang umulit sa sinabi kanina ni Sandoval.

"J-just water please," tugon niya, nahihimigan ng pagmamadali.

My mouth hang open because he didn't include the sandwich anymore. Tinanggal ko ang pagkakahalukipkip ko at hindi na napigilang tabihan siya sa harap ng counter.

"Sandwich." sambit ko sa bantay na mukhang nagulat pa yata sa bigla kong pagsasalita. Binalingan ko ang bagong kaklase sa gilid ko na nakatingin na rin sa akin. Nakaawang ang labi niya habang mabilis na naglulumikot ang mga mata niya sa buong mukha ko. Para siyang batang ngayon lang nakakita ng tao sa malapitan.

I tilted my head in my amusement. Dahil doon ay agad-agad siyang naglihis ng tingin.

I pursed my lips to suppress my smile. "Sandwich for him too. Egg?" hula ko sabay silip sa mga mata niyang mailap.

Lumunok siya ng dalawang beses bago tumango, hindi parin makatingin sa akin.

"Two egg sandwich and water, please." I said and smirk. Oh, how I love eggs!

Mabilis akong muling tumingin kay Sandoval nang may marinig akong sinabi niya. Mahina iyon kaya hindi ko nakuha.

"Huh?"

Saglit niya akong tiningnan. Nakita kong namumula ang buong mukha niya. "Uh, isa lang sana," sambit niya. He then swallowed hard again.

Tatlong segundo bago ko nakuha ang ibig niyang iparating. I licked my lower lip and brush my hair backwards with my fingers.

"Hmm, akin 'yong isa." sambit ko, pigil ang pagtawa. Akala niya ba um-order ako ng dalawang sandwich para lang sa kanya?

Oh geez! This is so... something!

Ilang segundo rin yata bago niya nakuha ang sinabi ko. Nag-isang linya ang labi niya at mas lalong namula ang mukha. He even fixed his eye glasses with his slightly shaking hands while he shut his eyes for a second.

Cute, damn.

Nilapag sa harap namin ang dalawang egg sandwich at dalawang bottled watter. Nakita kong natataranta siyang kumuha ng pambayad niya pero mabilis ko siyang naunahan.

"I'm paying," sambit ko bago kinuha ang pagkain at inilahad sa kanya ang isang sandwich at tubig.

Nabitin ang pagkuha niya ng pera sa dala niyang itim na wallet. Dumulas na naman pababa ang eye glasses niya nang nilingon niya ako. Nakita ko tuloy nang malapitan ang mga mata niya nang hindi natatakpan ng malaki niyang salamin.

I knew it, it's so mesmerizing. His lashes are also thick kahit na sa lower part ng mga mata niya. Gusto ko tuloy hawiin ang mahaba niyang buhok na bahagyang tumatabing roon.

Muli niyang inayos ang eye glasses niya habang titig na titig ako sa kanya at naglalahad ng sandwich. Matangos ang ilong niya pero dahil siguro sobrang laki ng kanyang salamin ay lagi parin iyong dumudulas pababa.

"I'll treat you because I think I... umm got a little mean to you yesterday. Bago ka naming kaklase at hindi dapat gano'n sa unang araw mo." wika ko, nag-aalangan pero pilit na hindi ipinahahalata. Totoong medyo kinakabahan ako. Hindi dahil pinagtitinginan kami ng mga nasa loob ng cafeteria kundi dahil sa mga mata niyang nakikitaan ko ng bahagyang pagtutol.

his innocenceWhere stories live. Discover now