Chapter 8

679 19 0
                                    



"THAT'S ALL FOR today, Stay safe, Kids!" Paalam niya sa mga bata.

Alaia fixed her things after the kids leave the classroom and went to the faculty office, may kailangan pa siyang kunin bago tuluyanang umuwi sa kanyang bahay.

Isang linggo na ang nakaraan noong may nangyari sa kanila ni Draven sa bahay nito. Naghilum na ang sugat sa kanyang paa at umuwi na rin siya sa kanyang bahay. Mabuti na lamang at hinayaan siya ni Draven dahil may mga importante itong gagawin. Hindi na siya sa bahay ni Draven nakatira pero, si Draven naman ang laging nasa bahay niya kahit anong taboy njya rito ay walang epekto.

"Alaia!"

Nilingon niya ang tumawag.

"Teacher Jen!"She greeted back.

"Papauwi ka na ba?" Tanong nito at lumapit sa kanya.

"Oo, may kukunin lang. Ikaw ba?" Sagot niya rito habang binubuksan ang drawer ng kaniyang desk.

"Kaya kita tinawag iimbitahan sana kita, we will eat our dinner at Zale, malapit lang naman Ayah, last time ka pa sana namin eembitahan kaso medyo busy ka."

Binigyan niya ito ng isang tipid na ngiti. " Hindi pa ako sigurado kung makakapuntan ako, Teacher Jen, Tatawagan kita kapag pwede ako." She replied and get the thing that she left earlier here, in the faculty office.

"Ganoon ba? Sige, pero sana makakapunta ka. Makakasama pala natin sina Liza at Gabriel." Teacher Jen replied.

She faced her." Pasensya ka na kung palagi akong may excuse kapag nag-aaya kayo."

Mahina itong natawa at mahinang hinampas ang braso niya." Ano ka ba, you have your own things to do so, it's okay."

She smiled." Salamat."

Tumango ito." Sige, una na ako. Text me huh."

Alaia nodded.

Bitbit ang mga gamit ay nilisan ni Alaia ang office at tinungo ang parking lot ng eskwelahan para umuwi. Kumunot ang nuo niya, inilibot ang paningin pero walang Draven na nakita. Sa isang linggong nakalipas ay hatid-sundo siya ni Draven kahit pa puyat ito dahil sa trabaho.

He sometimes sleep three in the morning because of its hectic work. Baka sobra na talagang busy nito at hindi na siya nasundo. Tinignan niya ang ilang estudyanteng babaeng na nakatipon sa gilid na parang may hinihintay. Napailing siya, they are the girls who always here to see Draven, it all started when the first time Draven drove her to the school. Mukhang first year college pa lamang  ang mga ito basi sa kanilang mga school uniforms na may kulay maroon na ribbon.

"Ma'am, kayo po ba si Mrs. Heinrich?"

Umiling siya sa tanong nung lalaking naka all black at may malaking katawan.

Nagkamot ito ng batok at may ipinakita sa kanyang picture." Eh, kayo ho ito ma'am, eh."

Her eyes widened. It's her picture when she was in college!

"Ako ho iyan,pero, hindi ako si Mrs. Heinrich." Kaila niya.

Tinignan niya ang isa pang lalaking may malaki ring katawan na palapit sa kanila.

"Kami po ang inutusan ni Mr. Heinrich na sunduin kayo, ma'am." Anito.

"Mr. Heinrich?"

"Oho. Iyong asawa niyo."

She leered." Wala pa akong asawa."

Ngumiwi ang isa." Ikaw pa lang po ang babaeng may ayaw asawahin ang boss namin. Sumama na lang po kayo sa amin, ma'am para maihatid ho namin kayo kay bossing."

Draven Heinrich'sWhere stories live. Discover now