[50] #100STHHSunset

Start from the beginning
                                    

"Need I remind you that you hugged me just a while ago?" Sagot ni Enzo.

"Need I remind you that I was just comforting you and your broken heart, because that's the kind of man that I am. I comfort people with broken hearts." Sabay tingin sa akin. Wow. Hugot ka Mico ah.

"What's going on here?" Bigla namang tanong ni Bryle na nakatayo sa gitna namin. Maya maya pa nagsumiksik siya doon sa couch. Si Mico naman ngingiti ngiti, nageenjoy ata sa kakulangan ng space! At nilagay pa niya ang kamay niya sa balikat ko. 'Para hindi ka mahulog' sabi niya. Para hindi mahulog eh mayroon namang gilid yung couch?! Sino kaya sa amin ang tinatake ang opportunity para mananching? Aber?

"Uy Mico, tabi diyan, tabi kami ni Love." Sabi ni Bryle.

"Ortega can you stop calling Hope 'Love'? She has a name." Nagmamasungit na utos ni Mico. Aba!

"And I have a right to call her what I want to call her. What's up, dude? Akala mo boyfriend ka kung makaasta ka ah." Tapos napatahimik si Mico. After noon nagkulitan lang si Bryle at Enzo, na parehas ang harot harot. Itong tatlong 'to ganito pala magkulitan. Nagkikilitan tapos biglang magsusuntukan tapos magyayakapan. Ang haharot ng mga lalaking 'to! Kelalandi!

Tawa lang ako ng tawa ng mapansin kong tahimik lang talaga si Mico. Since sobrang lapit lang naman namin sa isa't isa, medyo umatras ako at sumandal malapit sa kanya at bumulong,

"Oh, anong problema mo? Bakit tahimik ka?" Tanong ko sakanya.

"Wala. Natamaan lang ako sa hindi mo pa ako boyfriend. I just realized, I really don't have a right when it comes to you. Parang bawal ako magselos, bawal ako magalit, bawal kita palayuin sa mga lalaki kasi hindi ka naman akin." Napangiti na lang ako. Ewan ko ba? Parang ang sarap sa pakiramdam na may lalaking sobrang pakiramdam niya special ako. Ang sarap lang tratuhin ng ganito.

"Mico pwede bang wag kang magisip ng ganyan. Basta ako masaya ako nandiyan ka, pinoprotektahan mo ako, pinapasaya mo ako. Ayokong nakikita kang nalulungkot dahil lang sa mga ganitong bagay. Wag mo na sayangin oras mo. Basta, okay tayo. Okay?" Sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya.

"So, in love ka na ba sa akin?"

Aray ko po, ano daw? Medyo nasamid ata ako sa sarili kong laway.

"Hey, hey, hey! Why are you two having your own moment there?! Excuse me, Loyola wag mong solohin si Hope. Love ko siya, Ex siya ni Enzo at ikaw lang ang present. Lahat tayo may karapatan!"

Maya maya pa biglang dumating na yung mga girls (at pagirl, si Miks)

"Problema niyo diyan? Ang dami daming upuan nagsisiksikan kayo?" Tanong ni Chelsea. Noong marealize namin yun natawa na lang kami. Ano kayang itsura namin? Ang lalaki pa ng mga katawan ng mga lalaking 'to!

"Hope, come here! We have a dress na for you!" sabi ni Venice.

"Ay oo! Maganda, Hope!" sabi ni Miks. Inakbayan ko naman siya.

"Ikaw ha, nagiging girl ka na naman ba ulit?" Aasarin ko pa sana kaso nakita ko nagblublush!

"Sige akbay ka pa. Sige lang." Aba't!

"Kelan ka pa naging manyakis?!" tanong ko kay Miks.

"Kapal ng mukha mo. Hindi ako manyak! Ano ako.. Lover boy." Tapos nagpogi sign pa. Ang lala. Hindi bagay! Kaya bago pa ako masuka, lumapit na ako kay Venice para isukat ang dress na pinili nila para sa akin.

Noong makita ko, halos nanlaki yung mata ko. Ang ganda ng gown! Red na dress na off shoulder. Tiningnan ko agad yung price at nanlaki din ang mata ko. 50,000?! Para sa isang gown? Hindi na lang.

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now