Chapter 29: Host

47 7 0
                                    

Dahil sa nangyareng gulo, mas pinili ni Damon na bumalik na lang sa kanyang kwarto dito sa Mental kesa makipag usap sa amin. Si Atty Mielda naman ay sinundan si Damon doon sa kanyang silid para makausap. Ngayon, kaming dalawa nalang ni Draco ang naririto sa waiting area, hinihintay namin ang pag babalik ni Atty Mielda.

"Draco bakit kilala mo ang host ng katawan na iyon?"tanong ko, napalunok si Draco saka huminga ng malalim. Tumingin siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko at ngumiti.

Hindi ko alam kung paano at saan nakilala ni Draco ang Host sa katawan na iyon, sabi sa akin ni Gazer ngayon ngayon palang lumalabas si Chai matapos ang ilang taon simula ng sila ay mga bata pa, ganon rin si Achaz, ngayon lamang nag labasan ang dalawa.

"Erelah nahanap ko na ang kapatid ko." Natigil ako sa sinabi niya, kumunot ang nuo ko habang nakatingin sa kanya.

"Nahanap ko na siya, salamat sayo." Sabi niya kaya napakunot ang nuo ko, saka ko lang napag tanto ang nais nyang sabihin.

"Si Damon ang kapatid mo?"tanong ko, ngumiti siya saka tumango tango, may kinuha siya sa kanyang wallet na larawan saka pinakita sa akin, larawan ng isang batang lalaki na may hawak na laruan.

"Yan si Chai noong bata palang kami." Sabi niya at bakas sa boses niya ang saya.

"Ilang taon ko na siyang hinahanap, hindi ko alam kung saan ko sisismulan."sabi niya, nanatili akong nakatingin sa larawan na hawak niya.

Kung titignan ay kamukha nga ni Damon ang batang nasa larawan, ang kinaibahan lang ay si Damon hindi ngumingiti habang ang bata sa larawan ay nakangiti at tila masaya.

"Ilang years ang ginugol ko para hanapin siya, alam mo yan Erelah." Banggit niya kaya napatingin ako sa kanya, ngumiti ako ng pilit.

"Years ago, nang makauwi ako sa bahay kasama si lolo, nadatnan namin ang bahay na nakabukas at gulo gulo, sa taas na bahagi ng bahay sa kwarto nila mama at papa nakita roon ang mga katawan nila." Sabi niya at bakas sa mata niya ang lungkot.

"Hinanap ko sa loob ng bahay si Chai pero hindi ko siya nakita, i even look at the backyard of our house but still walang Chai na naruon." Kwento nya, tahimik lamang akong nakikinig sa sasabihin niya.

Kinukwento niya na ba sa akin kung paano nawala si Damon?

"The investigator arrived and also the ambulance, kinuha nila ang katawan nila mama and papa, we report everything we know about, kung sino ang mga nakaaway nila mama and papa." Sabi niya.

"But still, the murderer didn't found, the murderer is a genius." Sabi niya dahilan para mapalunok ako.

Iniisip ko palang kung ano ang mga nakita niya noon sa murang edad niya ay pakiramdam ko babaliktad na ang sikmura ko.

"Inisip ko rin noon na baka sinaktan nila si Chai or baka kinuha nila si Chai saka pinahirapan. Hindi ko alam kung.... Kung ano ang dapat kung isipin noong mga panahon na iyon, hindi ako makapag isip ng maayos." Sabi niya.

Ramdam ko ang pagka seryoso niya sa bawat salitang binibitawan niya, alam ko ang mga pinag daanan niya para lang mahanap ang kapatid niya. Noong unang kita ko sa kanya ay naliligo siya sa ulan at basang basa siya, alam ko na umiiyak siya noon at tuliro, mumuntikan na nga rin siyang masagasaan ng sasakyan noon.

Noong nilapitan ko siya para tanungin kung anong problema bigla na lamang siyang nawalan ng malay, dahil doon ay dinala ko muna siya sa aking mumunting apartment at doon ay inalagaan siya. Ilang araw rin ang tinagal niya doon sa apartment ko dahil sa taas ng lagnat niya, noong umayos ayos na ang kanyang pakiramdam ay saka ko nalaman na kaya siya basa sa ulan dahil sa hinahanap niya ang kapatid niya, nalaman ko rin na wala na siyang mga magulang dahil pinatay raw  ang mga ito.

Meron naman daw syang matutuloyan, tanging ang lolo niya nalang daw ang kasama niya sa bahay nila, despirado rin daw siyang mahanap ang kapatid niya dahil ang kapatid niya lang daw ang susi para malaman kung sino ang pumatay sa mga magulang nila.

"Ngayon na nakita ko na si Chai, mabibigyan ko narin ng hustisya ang sinapit nila mama at papa." Sabi niya at tumulo ang luha niya habang nakangiti sa akin, napangiti rin ako sa kanya.

Hindi ko lubos akalain na si Damon pala ang nawawalang kapatid ni Draco, nabigla rin ako dahil sa nalaman ko ngayong araw, pero masaya ako dahil kahit papaano ay makakapiling na ni Draco si Damon, ilang taon rin hinanap ni Draco si Damon, sigurado ako na excited si Draco na makausap si Damon.

"Erelah salamat." Sabi ni Draco saka ako niyakap, napa ngiti ako at niyakap rin siya.

Ilang minuto ang nagtagal ng lumabas narin si Atty. Mielda dala ang ilang statement ni Damon, agad naman akong napatayo para salubungin si Atty.

Kapansin pansin sa kanyang awra na seryoso sya, dahilan para kabahan ako.

Kanina, habang hinihintay namin ni Draco si Atty.  ay tumawag si Gazer sa akin para sabihin na papunta na sila ni Havacco ngayon dito para maabutan nila si Atty at makausap, excited rin sila na makita kung sino'man daw ang tumulong kay Damon.

"Atty. Kamusta po? Anong balita?"tanong ko, tumingin siya sa akin saka kay Draco, huminga sya ng malalim. 

"Magulo." Yan lang ang sinabi ni Atty. Saka kinuha ang phon at may kinausap, tumingin ako kay Draco na halatang naguluhan din sa sinabi ni Atty.

"Draco, anong ibig sabihin ni Atty?"tanong ko, tumingin siya sa akin saka nag kibit balikat.

"Hindi ko rin alam Erelah, pero mag tiwala nalang tayo sa kanya, kaya niyang palabasin si Chai dito." Sabi niya saka ngumiti sa akin, tumango ako bilang pag sangayon.

Tama siya, kailangan naming magtiwala kay Atty, kung ano man ang napagusapa nila ni Damon, hindi ko na aalamin. Ang mahalaga lang ay makalabas si Damon dito sa mental at mapawalang sala siya.

After ng ilang minuto ay dumating na sila Gazer at Havacco, sakto naman na nag paalam si Draco sa akin na bibili lang siya ng pagkain namin kaya naman tumango tango ako.

"Asaan na yung Atty.?"tanong ni Gazer saka umupo sa  harap ko, habang si Havacco naman ay umupo sa tabi ko.

"May kinausap lang." Sabi ko.

"Ahh, nasaan si Damon?"tanong naman ni Havacco.

"Nasa loob ng kwarto niya, ayaw niyang lumabas."sabi ko saka kinuwento sa kanila ang nangyare. Huminga ako ng malalim saka akmang ikukwento na sa kanila ang tungkol kay Draco at Damon ng dumating bigla si Draco.

"Erelah, sorry napatagal may--" hindi natapos ni Draco ang sasabihin niya ng mapatigil siya ng makita niya sila Havacco at Gazer, ganon din ang dalawa na nakatingin sa kanya at dali daling tinutukan ng baril si Draco dahilan para manlaki ang mata ko.

"Gazer ano ba! Ibaba niyo yan!" Sabi ko saka gumitna. Ano bang nangyayare, bakit bigla na lamang tinutukan nila Gazer at Havacco ng baril si Draco?

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

The Suicidal KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon