Chapter 7 "New Almante"

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumingin sakin ng masama si Loki.Oh bakit?Ayaw nyang natatawag na baguhan?Tinignan ko din sya sa pinakaboring na paraan pero sa di ko malamang dahilan,napaiwas na naman sya.Ano bang meron sa mata ko at parang natatakot syang tumingin?

Ibinalik nya ang atensyon nya sa racketeer.

"Bigyan mo ako ng dahilan para itigil ang laban."-Loki

"Ang nag-iisang dahilan lang kaya dapat itigil ang laban ay dahil iyon ang inutos ng nakatataas.Ngayon,kung gusto nyo pang makabalik dito sa Underground,sasang-ayon kayo na itigil ang laban."-racketeer

Tumahimik na naman ang buong arena.Nawala ang malalakas na sigawan at reklamo ng mga gangster na nakapaligid samin.Wala kang maririnig na kahit ano,maliban na lang nung magsimulang maglakad si Red.May hinagis syang susi sa isang gangster na nakatayo sa di kalayuan.Kilala ko ang gangster na yun.Kung hindi ako nagkakamali,sya si Bricks ng Satan's Children Gang.

Agad na nagtungo si Bricks sa direksyon kung nasan si Sai at binuksan ang nakalock na pinto.Nakita ko pang ang pagbuntong-hininga ni Sai ng malalim bago lumabas.Tumingin sya sakin at tinanguan ako.Tumango ako pabalik tsaka nya patakbong sinundan si Red.

Hindi ko inaasahan na sa ganito matatapos ang laban.

Akala ko pa naman,makakaharap ko ulit si Red.Tss.

Saisumi's POV

"Hindi ka lalabas dito sa kwarto mo hanggang bukas."-Shun

"Ano?!Pambihira naman,Shun.Ikinulong na nga ako kanina,hanggang dito ba naman sa bahay,ikukulong mo pa rin ako?"

Pabagsak akong humiga sa kama.Kakadating lang namin sa mansyon at simula kanina,ngayon lang ako kinausap ni Shun.Tahimik lang sya sa byahe at kahit isang beses,hindi nya ako tinignan.

"Dapat lang sayo yan."

Malamig na pagkakasabi nya sakin.Teka,galit ba sya?I thought,nagtatampo lang sya kaya hindi nya ako kinakausap kanina pero ngayon,mukhang galit nga sya.My,my...minsan lang syang magalit at ayokong nangyayari ang minsan na yun dahil kakaiba sya magalit.Nakakatakot...

Umupo ako sa kama at hinarap si Shun.Inabot ko ang dalawang kamay nya.

"Shun...sorry na."

Nginitian ko sya ng alanganin pero nagulat ako nung tanggalin nya ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

"Matulog ka na."-Shun

Nagsimula na syang maglakad palabas ng kwarto ko.Hindi ako nakagalaw.Natulala ako.Ang lamig nya kung makatingin at pano nya natiis ang sorry ko?

Bago ko pa mapansin,nakalabas na ng kwarto ko si Shun at isasara na sana ang pinto.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pinigilan ang pagsara ng pinto.

"Shun,I'm really sorry."

"Sinabi mo na yan kanina."

He said while looking at me with straight face.I don't get it.It's like his not my twin.

"Galit ka sakin."-Ako

Binuksan ko ng maayos ang pinto.Pumunta ako sa harap nya at tinitigan sya sa mata.

"Humingi na ako ng sorry,Shun and I mean it.Ano pa bang gusto mong gawin ko?"

"Ganito na lang ba tayo palagi?"

Napakunot ang noo ko.Di pa rin nawawala ang pagiging walang buhay ng mga mata nya.

"Hihingi ka ng sorry kapag nakita mong hindi ko nagustuhan ang ginawa mo?Palagi ka na lang bang hihingi ng sorry sa tuwing nalalaman kong nilalagay mo yang sarili mo sa kapahamakan?Bakit?Oras ba na mamatay ka dahil sa mga pinaggagagawa mo at maling desisyong pinili mo,matutumbasan ba yun ng simpleng sorry?Ang hirap kasi sayo,Saisumi,kinukunsinti mo yang mga kagustuhan mo.Alam kong nung kinuha ka ng Tricksters,kaya mong tumakas pero hindi mo ginawa.Alam mo bang yang hiwa sa pisngi mo,doble ang kirot para sakin?Mukhang hindi mo alam yun dahil puro pagsasaya na lang yang nasa utak mo kahit buhay mo na ang nakasalalay.Hindi sa lahat ng oras malakas ka,Saisumi.19 ka na.At sa edad na yan,masyado ng seryoso ang buhay para paglaruan mo pa."

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon