IT #12

2 0 0
                                    

That night didn't make me calm my senses.

Because who will right? Haha. Kung sanang nakikipagbiruan lang ako sa mga magulang ko, okay pa, eh. Kaso, hindi.

Napalingon ako kay Maverick nang akbayan niya ako't narinig na may pumutok na parang lobong may tubig.

"Ma---" Magsasalita pa lang sana ako nung halikan niya ako sa pisngi ko.

"Tinatawag kita, eh. Hindi mo naman ata ako naririnig." Napakamot siya sa batok niya bago nilingon ang mga kababatang nagtatampisaw sa pool malapit sa cottage namin.

Nandito kami sa isang resort sa Binangonan kasi gusto nila mag-swimming kasama 'yung mga barkada ni Maverick nung bata pa siya at ako rin, sinama nila kasi ayaw ni Tita Mommy na maiwan ako sa parents ko kasi masama raw kutob niya.

"Basang-basa ka, Mav." Sabi ko bago iniabot ang tuwalya't binigay sa kan'ya.

"Punasan mo ako, Mimbo." Sabi niya bago tumabi sa'kin kaya pinunasan ko siya sa buhok habang inaabot niya 'yung pagkain sa mesa.

"Basang-basa ka naman." Natatawang sabi ko bago iniwan na magulo ang pagkakasabit sa kan'ya nung tuwalya dahil tinawag ako ni Tita Mommy.

"Ate Lea, hindi ka po magba-vlog today?" Bungad ni Minnea na nagbabalot ng shanghai.

"You could get my cam and take a vlog if you want." Sabi ko bago siya tinabihan at tsaka siya tinulungan.

"Really?" Excited ang mukha niya kaya natawa ako bago tumango at kinuha naman niya kaagad.

"Hija, tikman mo nga 'tong sinigang." Sabi ni Tita Mommy kaya tumayo ako para lapitan siya at tikman 'yung sinigang.

"Mapapa-asim---"

"Kilig." Putol sa akin ni Mav kaya napatingin ako sa kan'ya na asim na asim sa niluto ni Tita Mommy. "Ligo ka na rin, Mimbo."

Umiling ako. "Ayaw ko. Mamaya na."

"Bakit naman?"

"I don't like your friends to be with you. I feel uncomfortable." Pabulong kong sabi na tinanguan naman niya.

"Feel ko rin." Tsaka niya pinisil ang ilong ko. "Pero maghintay tayo." Tsaka niya ako hinalikan sa pisngi.

"Du'n ka na nga." Pagtaboy ko sa kanya dahil natatawa na rin ako.

"Patingin muna kung paano ka---"

"Subukan mo." Itinutok ko sa kanya 'yung sandok at handa na akong hampasin 'yung kamay niya nung yakapin niya ako.

"---Yumakap kasi." Tsaka ko naramdamang iniaangat na niya ako.

"Ibaba mo nga si Azalea, Erick." Suway ni Tita Mommy kaya ibinaba na ako ni Maverick, pero sinundot niya pa rin ang tagiliran ko kaya halos habulin ko na siya hanggang sa labas kung hindi lang ako hinarang ni Minnea.

"Pabayaan mo na si Kuya Erick, Ate Lea. Kulang ata sa pansin mo 'yun." Tsaka niya ako hinila pabalik sa lamesa and started filming.

Tinapos na naming ang pagbabalot ng shanghai at si Tito Daddy na 'yung nagpirito. He's not that talkative, but I feel comfortable with him.

Tumayo ako't nilapitan si Tito Daddy na nagi-scroll lang sa cellphone niya.

"Tito..." Tawag ko kahit na nagmumukha akong batang gusto magpabili ng candy.

"Hmm?" Tiningnan niya lang ako sandali bago ibinalik ang tingin sa cellphone niya.

"Ask ko lang po sana if you want to join Minnea po?" Kinakabahang tanong ko naman na inilingan niya.

I Tried (HIATUS MUNA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon