IT #03

3 0 0
                                    

Niyaya niya akong kumain ng street foods pagkatapos niyang marinig 'yung gusto kong prize.

"Manong, 'yung binibili ko po parati." Sabi ko na kaagad namang niluto ni Manong.

Naghintay muna kami ni Mav ng ilan pang minuto bago tuluyang makuha ang mga pagkain namin.
He paid for it and thanked Manong before inviting me at the middle of the park where we can seat.

Tumingala ako't ngumiti. "Ang lakas ko pala sa Kanya."

"Lahat naman tayo. Iba't ibang paraan lang naa-appreciate ng iba." He smiled at me. "He knows that you have a good and soft heart, so He gave you the things you had wished and prayed for."

I stared at the sky full of stars and raised my hand like I can get one. "I had dreamt of being an astronaut someday."

"What happened?" He asked as he get a calamares and ate it.

I shook my head while smiling. "It was still my dream. I want to go into the moon."

He smiled at me. "You can reach it."

"Kung pwede kong itakas, itatakas ko." Biro ko at kumain ng kwek-kwek. "Ang ganda-ganda kasi ng buwan."

"Mas maganda ka ro'n."

Bigla akong natawa sa sinabi niya. O baka kinikilig ako? "Naks naman. Bumabanat crush ko."

"Gusto mong bawiin ko?"

"Wala naman akong sinabi, ah!" Angal ko naman at tsaka lumapit sa kanya para manguha ng calamares tapos kumuha siya ng kwek-kwek sa akin.

"Si Maverick 'yon, 'di ba? Sino 'yung kasama niya? At tsaka kumakain siya ng gano'n?" Dinig kong sabi nung isang babaeng malapit sa amin.

"Oo nga, Besh. Sino 'yung gurl? Owemji. Siya ba 'yung ipinalit kay Rei?"

Nakarinig pa kami ng ilang sitsit bago siya tumayo't pinuntahan sila.

"Mga babes, alam kong kilala niyo ako, pero sana bigyan niyo pa rin ako ng privacy, okay? At 'yung kasama ko? Huwag niyo na alamin kung ano'ng pangalan niya dahil ayaw kong idawit niyo siya sa mga chismiss ninyo. At ang panghuli, girlfriend ko 'yun at ayaw kong may naririnig na hindi totoo patungkol sa kanya. Nagkakainindihan tayo?"

Para namang natakot ang mga alagad ni Chiska at sabay silang tumango.

"Grabe ka du'n sa dalawa." Sabi ko nang makabalik siya sa pagkakaupo sa harapan ko.

"Kung ano-ano na kayang sinasabi." Sagot naman niya at halatang banas na kaya hindi ko na kinausap ulit.

Pagka-ubos ng mga kinakain namin, humiga ako sa damuhan at ginamit na unan ang hita niya.

I smiled with the view. "Ang gwapo ng view ko."

He looked at me and started brushing my hair until I just fall asleep.

Nagising ako na may mabigat na nakapatong sa may bandang bewang ko kaya pilit ko 'yung inaalis ang kaso, mas bumigat at parang hinihila ako papalapit.

Tiningnan ko kung sino 'yon bago umupo't inalog-alog siya. "Uyy. Gising." Patuloy lang ako sap ag-alog s kanya. "Kapag hindi ka gumising, sisipain kita, makita mo."

Napatingin ako sa suot ko. Pajamas ko naman 'to. Nandito naman ako sa kuwarto ko. Pero, bakit siya nandito?

Dahan-dahan siyang umupo habang kinukusot ang mga mata. Mukha siyang batang naalimpungatan na ewan.

"Ikaw ba nagbihis sa akin?" I asked calmly dahil alam ko namang hindi ako lalapastanganin nitong lalaking 'to. Okay, let's say that he was still a guy. Pero, hindi naman siguro siya papayagan nina Mommy, Daddy at Kuya, 'di ba? "Hindi naman ikaw, 'di ba?"

I Tried (HIATUS MUNA)Where stories live. Discover now